Chapter 100

505 46 5
                                    

Yves's POV

"Huwag na huwag kang magpapalabas ng kahit na sino." utos ko kay Rock sa Link namin. "Sabihin mo sa akin ang sinumang magtatangkang umalis dito."

"Masusunod po." sagot niya sa Link.

Isinuot ko muna ang hood ng cloak ko bago ako lumipad patungo sa Aragon.

"Nakakasiguro ka bang kaya mong mag-isa?" narinig kong tanong ni Frost sa akin.

"Sandali lang ako."

"Mag-iingat ka." narinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita dahil mas binilisan ko na lamang ang paglipad ko. 

Pagkaraan ng ilang sandali ay natatanaw ko na ang Aragon. Sira na ang lahat maging ang kaharian nila. Wala ng Demons dito na makikita. Lumapag ako sa kakahuyan malapit dito kung saan mas mataas para kita ko ang kabuuan nito. Pinakiramdaman ko muna ang paligid dahil baka may nakaabang na panganib.

"Mahal na prinsipe... Si Cris po." narinig kong sabi ni Rock sa Link namin.

"Bakit?? Anong nangyayari?"

"Nagwawala po... Gusto niya po kayong sundan."

Huminga muna ako ng malalim. "Huwag na huwag mo siyang papaalisin diyan." Luminga linga ako sa paligid.

"Masusunod po."

Lumuhod ako ng masigurado kong walang panganib sa paligid. Nagcast ako ng Search Spell gamit ang Earth Element. May magic circle na lumabas sa harap ko. May buhangin ang lumabas dito hanggang sa maging isang tipak ng lupa na gaya ng Aragon. Kuhang kuha nito ang kalagayan nito. Tumayo ako para tignan ang nasa harap ko. May pulang tuldok ang lilitaw kapag may tao pa sa Aragon. Pero, wala akong makita ni isa. Pinawala ko ang spell ko at tinignan ang Aragon.

Paano? Bakit wala sila? Saan sila nagpunta?

"Wala sila dito." sabi ko sa Link ko.

"Paanong..?" sagot ni Frost. "Marahil ay kinuha sila."

"Babalik na ako." sabi ko bago ako lumipad paitaas pabalik sa kaharian namin.

Dinatnan ko si Cris sa harap ng palasyo. Nakatayo ito habang nakikipag-usap kina Warren at Jack. Pagkalapag ko sa lupa ay lumapit ito kaagad ng mapansin niya ako. "Wala sila dun... Wala akong nadatnan." walang ganang sabi ko bago ako dumiretsiyo papasok sa palasyo.

"Yves.." pagpigil niya sa akin. Tumigil ako sa paglalakad pero nakatalikod ako sa kanya. "I'm sorry." mahinang sabi niya pero sapat na yun para marinig ko. Itinaas ko ang kanang kamay ko para ikaway bago ako pumasok.

Dumiretsiyo ako sa training ground. Napatingin halos lahat sila pagpasok ko. Tinignan ko si Kagura ng lumapit ito sa akin. May bandage pa siya sa katawan dahil sa naganap na labanan. Dahan dahan akong umiling. "I'm sorry... Wala sila... Wala akong nakita..." mahinang sabi ko. Luluhod na sana ako ng pigilan niya ako.

"Don't... Huwag mong gawin yan..." pagpigil niya.

"May pakialam ako sa inyo... Nag-aalala ako sa kaligtasan niyo..." mahinang bulong ko. Napaiyak ako ng yakapin niya ako.

"Alam ko... Pagpasensiyahan mo na siya... Hindi niya yun sinasadya." sagot niya. Pero, mas lalo akong napaiyak dahil dito.

Kumalas ako ng kumalma na ako. "Pasensiya na kung dito ko kayo dinala.. Pinapaayos palang namin ang magiging kwarto ng bawat isa."

Ngumiti ito. "Ayos lang... Basta, ang mahalaga ay ligtas kami dito..."

Nginitian ko siya. "Ligtas kayo dito... At gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang kayo.." nagpasalamat na lang ito at nagpaalam na rin muna ako sa kanya.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now