Chapter 68

894 64 1
                                    

Yves's POV

"Healing Light Particles." pagcast ko ng spell sa mga kasama ko. Binalot sila ng puting liwanag. Ikinuyom ko ang palad ko. Mabuti na lang at kinuha niya ang majika ko bilang isang Elemental user. Dahil kung nagkataon ay hindi ko magagamit ang pagiging Light Dragon ko. Delikado sa isang tao ang pagkakaroon ng tatlong iba't ibang majika sa iisang katawan. Kaya naisipan namin ni Frost na lagyan ako ng isang spell sa katawan ko. Limiter ang ginamit namin para maseal ang pagiging Light Dragon ko. Ang pagiging Sky Dragon ko ay hiniram ko lang sa ina ko. Yun ang pagkakaalam ko.

"Ako na ang haharap sa kanya. Kayo ng bahala sa iba." seryoso kong sabi.

"Tutulungan kita." sagot ni Cris mula sa device. Napatingin ako sa kanya. "Spirit Assimilation..." may lumabas na asul na magic circle sa kinatatayuan niya. "Fyro..." pagtawag niya kay Fyro. Nagulat ako sa narinig ko. Biglang may lumabas na apoy sa magic circle na kulay asul at pinalibutan siya. Naghalo ang Dark Element at Fire Element. Nakasuot na siya ng armor na kulay itim at may halong kulay asul. May pakpak na rin siya na gawa sa apoy. Bigla siyang lumitaw sa harap ko.

"Paanong.?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nakaya niyang gamitin ang kapangyarihan ni Fyro.

Ngumiti ito. "Ginawa ko ito. Para maprotektahan kita. Kaya palagi ko siyang kasama." seryoso niyang sabi. Napangiti ako. Agad siyang nag-summon ng espada. Inihanda ko na rin ang sarili ko ng biglang nawala sa kinatatayuan niya ang High Enchanter. Sabay kami ni Cris na umatake. Lumitaw ako sa harap ng High Enchanter ng tangka niyang atakihin ang isang estudyante at sa likod naman niya si Cris umatake. Iwinasiwas ko ang Spear na hawak ko ganun din ang hawak na espada ni Cris. Pero, bigla ulit itong nawala sa harap namin. Nagbackflip ako ng bigla siyang magpaulan ng mga itim na hangin mula sa itaas. Pagkalanding ko ang agad ko siyang inatake. "Divine Ray." may lumitaw na matutulis na nagliliwanag sa likod ko at agad siyang inatake gamit ang mga ito.

"Black Flamethrower." pag-atake naman ni Cris sa kanya. Nagpakawala ito ng apoy na may kulay itim at asul.

"Drake... Ilayo mo sila dito... ngayon na." seryoso kong utos sa kanya. Agad naman niya itong sinunod.

Nagcast ako ng Light Spell. "Light Swords of Purification." Maraming lumitaw na espada na gawa sa light magic sa likod ko. Sunod sunod kong ipinatama ang mga ito sa High Enchanter. Sa bilis ng mga galaw niya ay naiiwasan niya ang mga ito. Agad na lumitaw si Cris sa harap ko. "Black Hole." pagcast niya ng spell. May lumabas na itim na lagusan sa harapan namin. Parang may hinihigop ito.

"Be on guard.." seryoso niyang sabi ng mawala ang spell niya. Agad akong lumipad paitaas.

"Light Whip." nawala ang hawak kong Spear at pinalitan ko ito ng isang whip. Sinubukan kong hampasin siya pero naiilagan niya lang ito. Asar. Tumigil na ako sa pag-atake. Pero patuloy lang si Cris sa pag-atake sa kanya.

Itinapat ko ang palad ko kay Cris. "Meteor." pagcast ko ng spell sa kanya. Bumilis ang galaw niya. Agad akong lumitaw sa likod ng High Enchanter. "Light Shot." buong lakas kong sinuntok ang likod niya. Tumilapon ito sa malayo. Napangiti ako ng hindi niya ito naiwasan. Agad akong lumipad palapit sa kinaroroonan niya. "Sealing Light Magic." pagcast ko ng spell ng makatayo na ito. "Five Sided Star..." may lumitaw na liwanag sa ibat-ibang direksiyon at pumaikot sa High Enchanter. Napaluhod na ito. Lumapag ako sa harap niya. Pero nabigla ako ng tumawa ito. Iniangat niya ang ulo niya para makita ako. Napaatras ako ng makita ko ang mukha niya.

"Rage." mahinang sambit ko. Nagcast siya ng Rage Spell sa mismong katawan niya. Ganun na ba siya kadesperado? Agad na nawala ang Sealing Magic sa kanya. Lumitaw siya sa harap ko at buong lakas niya akong sinuntok sa dibdib. Ginamit ko ang dalawa kong kamay para harangan ito. Napaatras ako.

"Light Whisp." pagcast ko ng spell. May lumabas na liwanag sa likod ko at mula dito ay may mga bolang maliliit na ipinatama ko sa High Enchanter. Sinubukan niyang iwasan ang mga ito pero sinusundan siya ng mga ito.

"Black Inferno." si Cris. Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa kinaroroonan ng High Enchanter. Agad akong pumwesto sa harap ni Cris para maunahan ang High Enchanter sa pag-atake sa kanya. Gumawa ako ng Light Barrier sa harap namin. Agad itong tumigil sa pag-atake at dumistansiya sa amin. Sabay ulit kami ni Cris sa pag-atake. Suntok, sipa, tadyak at pati na mga offense spell ay ginawa na namin pero ni isa ay walang tumama. Kainis.

Agad akong nag-cast ng spell. Nag-summon ako ng Light Sword at agad na inatake ko siya. Lumitaw ako sa likod nito. Pagkaharap niya sa akin ay pumunta ulit ako sa likod niya. Sinaksak ko siya gamit ang espadang hawak ko. Naitarak ko ito sa bandang dibdib niya. "Purification." mahinang pagcast ko ng spell. Agad siyang nawala sa harap ko at lumitaw sa malayo sa akin pero nakatusok pa rin ang espada sa dibdib nito. Sinusubukan niya itong hugutin pero hindi niya ito kaya. Nakaluhod na ito.

Huminga ako ng malalim. "Light Roar." pagcast ko ng spell. Buong lakas ko siyang inatake. Nagpakawala ako ng isang napakaliwanag na atake. Napasigaw na ito. Ng mawala ang spell ko ay nakita kong unti-unting kumakalat ang liwanag mula sa espada sa katawan nito. Hanggang sa balutin ng liwanag ang buong katawan niya at tuluyan ng maging abo. Napangiti ako. Natalo na namin siya.

Agad na nawala ang armor na suot ko ng bumalik sa katawan ko ang apat na liwanag na kinuha niya. Bumalik na rin ang Limiter sa akin. Naseal na ulit ang isa kong kapangyarihan.

Nabigla ako ng may humigit sa akin at bigla niya akong yakapin. "Salamat naman at natapos na." mahinang sabi niya. Si Cris lang pala. Yumakap na rin ako sa kanya.

"Mailalabas na namin kayo diyan." sabi ni Frost. "Sandali lang." Napapikit ako ng biglang magliwanag ang buong paligid. Pagmulat ng mga mata ko ay nasa gitna na kami ng Arena. Tinignan ko ang mga kasama ko. Maayos ang mga lagay nila pati na rin ang ibang mga estudyante mula sa ibang academy.

"Salamat." sabi ng isang lalake at lumapit ito sa kinaroroonan ko. Nakangiti ito. "Salamat dahil kung hindi sa inyo ay baka napahamak na kami. Lalong lalo na sa'yo, salamat ulit sa pagprotekta mo sa amin." seryoso niyang sabi. Nginitian ko ito. Pero napatingin ako sa katabi ko ng bigla niya akong hawakan sa likod ko. Nakatingin ito sa akin ng seryoso.

Itinuon ko na ulit ang atensiyon ko sa lalake. "Walang anuman.. Ginawa ko lang naman ang dapat kong gawin." sagot ko sa kanya.

Magsasalita pa sana siya ng mapatingin ako sa likod namin dahil may nagsalita. "Cris." pagtawag nila sa katabi ko. Ang Hari at Reyna ng aming Kingdom. Ito siguro ang mga magulang ni Cris. Nasa likod nila ang mga Hari at Reyna din ng ibang Kingdom. Lumuhod ang katabi ko ganun din ang mga kasama ko. Luluhod na sana ako ng pigilan ako ng Hari. Tinignan ko siya ng nagtataka.

"Kung hindi ako nagkakamali, ay isa kang Dragon? Tama ba?" nakangiting tanong niya sa akin.

Ngumiti ako. "Opo mahal na hari." kinakabahang sabi ko. Bahagya akong yumuko.

"Kung ganun ay maaari bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya. Nakikinig lang ang ibang mga Hari at Reyna sa amin. Ganun din ang mga kasama ko.

"Yves po... Yves Heartfilia." sabi ko habang nakayuko.

"Aasahan kita sa gagawing pagdiriwang sa susunod na mga araw.." sabi niya. "Mukhang marami tayong pag-uusapan.. di ba Cris?" dagdag niya.

"Maaasahan niyo po.." sagot ni Cris.

Iniangat ko ang ulo ko ng mapansin kong umalis na sila sa harap namin. Tinignan ko si Cris pero nakangiti itong nakatingin sa akin.

----------
Keep reading..

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now