Chapter 26

1.5K 91 0
                                    

Yves's POV

Kasalukuyan na kaming naglalakbay pabalik sa academy. Nasa unahan ako samantalang nasa likod ko lang ang kambal. Napagdesisyonan kasi nilang sumama sa akin para daw maging bantay ko samantalang ang mga magulang nila ay napagpasyahang maglakbay para hanapin ang mga kauri namin. Maayos kaming nakapagpaalam sa mga tao sa valley na aming pinuntahan para sa nasabing misyon at nagtagumpay kami.

Halata sa mga iba kong kasama na hindi maayos ang lagay nila dahil sa ininom nila kagabi. Masarap nga ito pero matindi ang tama nito kinabukasan. Kanina ko pa naririnig kay Ruby at Jack ang mga reklamo nila na sumasakit daw ang ulo nila. At parang lasing pa rin sila dahil halata na hindi maayos ang paglalakad nila.

Inabot kami ng ilang oras sa paglalakad bago namin marating ang dulo ng kakahuyan. "Mag-ingat lang tayo. Delikado tayo kapag nakita tayo ng mga gargoyles." sabi ni Cris. Mukhang mabuti na ang lagay nito. Sinang-ayunan naman ito ng mga kasama namin. Kaya naglakad na kami papalabas sa kakahuyan. Maingat ang mga galaw namin. Nakikita ko sila sa itaas na paikot ikot silang lumilipad. Malawak din ang damuhan na kailangan naming tahakin. Bahagya kaming yumuko at dahan dahan ang aming mga galaw. Pero napatigil ako ng may humawak sa kamay ko. Liningon ko ito. Si Cris. Pero imbes na tumigil siya ay linampasan ako at wala na akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Napangiti na lang ako dahil parang ayaw niyang bitawan ang kamay ko.

Nakapasok kami sa kakahuyan ng hindi kami inaatake ng mga gargoyles. Binawi ko na ang kamay ko sa kanya at tumalikod na ako sa kanya. Humarang bigla si Aries sa harapan ko at may inaalok siyang tubig. Kinuha ko ito tsaka uminom. Matagal tagal na rin at malayo layo na rin ang aming nilakbay. Kapag nalampasan namin ang kakahuyang ito ay mararating namin ang aming academy. Pero sana palarin kami dahil ang kakahuyang ito ay maraming iba't ibang klase ng halimaw ang naninirahan dito.

Liningon ko ang mga kasama ko, mukhang nahimasmasan na sila at mukhang maayos na ang lagay nila. Lumayo ako ng kaunti kay Aries at tinungo ang isang puno. Hinawakan ko ito at pumikit. Pinakiramdaman ang bawat galaw sa paligid at lahat ng puno na narito. Para alam ko kung may halimaw malapit sa amin. Pero napamulat ako ng may humawak sa kamay ko na nakahawak sa puno. Si Cris. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak niya dito.

"may problema ba?" tanong ko sa kanya. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"magpatuloy na tayo." sigaw ni Ruby. At sinang-ayunan naman namin ito. Itinuloy namin ang paglalakad namin ng may mapansin akong nakasunod sa amin. Liningon ko ang likod namin pero wala akong makita.

"magpatuloy ka lang sa paglalakad. Hintayin natin na sila ang unang aatake." sabi ni Cris sa akin na nasa tabi ko. Kaya ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Sumabay ako sa kanya. Nauna na sa paglalakad sina Jack at si Ruby. Kasunod si Aries. Tsaka dalawa kami ni Cris samantalang nasa likod namin ang kambal. Binagalan ni Cris ang kanyang paglalakad at sinabayan ko ito. Nauna na sa amin ang kambal. At sinenyasan ni Cris sila na humiwalay sa amin. Mabilis ang kilos nila na nagtago sa mga puno. Pumunta sa left side si Alden samantalang sa kabila naman si Walden. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at inoobserbahan ang paligid.

Pero pagkaraan ng ilang sandali ay napatigil ako ng sabay na tumilapon ang kambal at linampasan kami. Nagpagulong gulong sila sa lupa pero nagawa pa rin nilang tumayo. Kaya naalarma kami at naghanda na sa pwedeng mangyari. Dumistansya kami sa isa't isa.

Nagsummon ako ng Leaf Sword sa right hand ko at humarap ako sa likod ko ng may maramdaman akong aatake sa akin. Sakto at nasangga ko ang espada niya. Dahil sa lakas ng kanyang atake ay naglikha ito ng malakas na pwersa ng magdikit ang aming mga espada.

"mabilis ang reflexes mo." sabi niya. At alam ko na isa itong babae. Tumalon ako palayo sa kanya para dumistansya sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang cloak. At lumitaw ang isang magandang babae.

"Kagura?!" medyo nagulat na sabi ni Cris. Ngumiti lang ito tsaka lumapit sa kanya. Linampasan niya ako. Wala na ang hawak niyang espada kaya pinawala ko na rin ang espadang hawak ko.

Lumapit ang kambal sa akin. "Ayos lang po kayo?" tanong ng isa. Si Walden ata.

Tumango lang ako sa kanya. "Ayos lang kayo?" tanong ko sa kanila. Dahil may mga galos sila.

"Ayos lang naman. Pero, delikado ang isang yan." sabi ng isa sa kambal. Tinutukoy siguro nila ang babaeng Kagura daw ang pangalan.

"Paano mo nasabi?" tanong ko.

"Requip magic ang majika niya. Halatang bihasa siya sa pakikipaglaban. Sayang nga lang at hindi namin magamit ang kabuuan ng aming kapangyarihan." sabi ni Walden.

"Oo. Malakas si Kagura. Siya ang Leader ng mga Guardians. At pinapadala siya sa mga misyon ng mag-isa." si Ruby na medyo malapit sa amin. Ngumiti ako ng tipid.


Tinignan ko sila ni Cris. Parang ahas na nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Cris. At mukhang nasisiyahan ang mokong. Sinamaan ko siya ng tingin ng tumingin siya sa akin. Pero ako ang unang bumitaw sa tinginang iyon. At nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sumunod naman ang kambal.


Pagkaraan ng ilang oras na paglalakad ay natatanaw na namin ang academy. Kaya medyo binilisan ko ang paglalakad ko dahil hapon na at hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Nagugutom na kasi ako.

Pasimple kong sinulyapan ang mokong at kasabay niya ang Kagurang yun sa paglalakad habang nakahawak ito sa braso ni Cris. Tumingin na ulit ako sa harap at bahagya akong yumuko.

"huy! ayos ka lang?" tanong ni Ruby. Hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala siya.

Ngumiti ako. "ayos lang. pagod lang siguro ako." sagot ko.

Ngumiti siya. "alam ko at napapansin kong may gusto ka kay Cris. Napansin ko nung nasa Sydra Valley pa tayo." sabi niya. "siguro, nagtataka ka kung sino yang kasama niyang babae, no?"

Mukhang may gana pa yatang asarin ako ng isang to.

"Siya si Kagura. Anak siya ng headmistress natin sa academy. At ganyan na talaga ang dalawang yan noon pa man. Pero di ako sigurado kung sila ba o hindi. Walang nakakaalam ng totoong estado nila." sabi niya.

Walang nakakaalam? Pero, nakikita ko at nahahalata ko na parang may relasyon sila. Ang saya nila habang nag-uusap. Parang mga wala silang ibang kasama. Hindi ako sigurado kung seryoso si Cris sa mga sinabi niya sa akin at yung mga bagay na ginawa niya para sa akin. Mahirap umasa kaya hindi ko na lang ito masyadong inisip.



Tumigil ako ng tumigil si Ruby. Nakarating na kami sa academy. At kailangan na lang naming magbukas ng lagusan sa barrier para kami ay tuluyang makapasok.


Magiging maayos din ang lahat.

Sana.

-------------
Hayst.

Please. Motivate me.
Love you guys..

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now