Chapter 77

759 58 0
                                    

Yves's POV

Kayang higupin ng Scythe niya ang anumang klaseng majika. Hindi ko namalayan na hinihigop niya ang kapangyarihan na inilagay ko sa Light Drive ko kaya nagawa niya itong wasakin.

"Air Strike!" pag-atake ko sa kanya. May lumabas na magic circle sa itaas namin at mula rito ay may mga matutulis na bagay na gawa sa hangin ang ipinatama ko sa kanya. Pero naiiwasan niya lang ang mga ito. "Air Tornado!" pag-atake ko ulit sa kanya. Pero nawala ito ng iwinasiwas niya dito ang malaking Scythe niya. Nabigla ako ng muli niya itong iwinasiwas at may lumabas dito na mga Air Blades na patama sa akin. Agad akong gumawa ng Air Shield palibot sa akin.

Lumapag ako sa lupa. Tinanggal ko ang armor ko. Pero naalarma ako ng may maramdaman akong mga majika sa paligid. Nasa tabi ko na rin si Cris. May lumitaw na mga naka itim na cloak sa likod nito. Pero, nagtaka ako ng umalis ulit ang mga ito ng mapansin kong may sinabi sa kanila ang leader nila. Sa pagkakataong ito ay nagcast na ako ng spell. Summoning Spell. Kailangan ko ang tulong nila Fyro. May lumabas na magic circle sa ibaba kung saan ako nakatayo. Hindi nagtagal ay lumitaw sina Fyro, Rain, Rock at Aria sa harap ko.

Napansin kong napasigaw si Rain ng makita si Rock ganun din ang iba. "Mamaya na kayo mag-usap.. Tatapusin na muna natin ito." seryosong utos ko sa kanya. Agad na sumeryoso ang mga mukha nila at hinarap ang kalaban.

"Ganun ka na ba kahina para humingi ng tulong mula sa kanila." natatawang sabi ng kalaban namin. Lalapit na sana ako ng pigilan ako ni Cris. Napansin kong may mga pwersang lumalabas palibot mula sa apat. May asul na apoy kay Fyro. Nakalutang na bato kay Rock at may nakapalibot na tubig kay Rain samantalang may mabilis na umiikot na hangin kay Aria.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsimula ng umatake sila. Nauna si Fyro pinaulanan niya ito ng mga bolang apoy na agad namang sinundan ng atake ni Rain na nagpapakawala ng mga Water Blades. Habang iniiwasan ito ng kalaban ay umaatake na rin si Rock na sinusubukan niya itong patamaan. May umaangat na parte ng lupa kung saan ito naglalanding sa bawat talon niya. Hindi pa umaatake si Aria. Pero nabigla ako ng biglang umangat ang kalaban at lumutang sa ere. Napangiti ako ng sabay na sabay na nagpakawala silang apat ng isang malakas na pwersa patama sa kalaban. Pero nabigla ako ng napansin kong hinihigop niya ang atakeng yun gamit ang Scythe niya. Pagkatapos niya itong higupin ay buong lakas niya itong ipinatama pabalik sa amin.

"Defense!" sigaw ko sa kanila. Agad akong nagcast ng protective barrier palibot sa amin ni Cris pati na rin ang apat. Pero napaatras ako ng tumama ito sa shield na ginawa ko dahil sa lakas ng impact nito. Nagkakalamat na ito. Itinapat ko ang palad ko sa barrier. Pero, patuloy lang itong nawawasak.

"Elemental Drive!" malakas na sigaw ko. May lumabas na magic circle sa kinatatayuan ko. Hanggang sa maramdaman kong isa isang pumapasok sa katawan ko ang mga Elemental Guardian. Ginawa ko ito para maprotektahan sila. Nakasuot na ako ng armor.

Pero nabigla ako ng pumwesto si Cris sa harap ko. Konti na lang at tuluyan ng mawawasak ang barrier dahil patuloy lang ang kalaban sa pagpapalabas ng pwersa patama sa amin. Lalapitan ko na sana si Cris ng bigla akong tumilapon dahil sa pagsabog. Nagpagulong gulong ako sa lupa. Sinubukan kong tumayo at ng makatayo na ako ay hinanap ko si Cris. Pinawala ko na ang Drive ko. Agad ko siyang linapitan ng makita ko siyang nakahandusay.

"Cris.." pagtapik ko sa pisngi niya. Umupo ako at inunan siya sa binti ko. "Cris.." mahinang pagtawag ko sa kanya. Napaluha na ako. Pero, humihinga pa ito. Napansin kong unti unti na itong nagkamalay. Ngumiti ako tsaka ko siya hinawakan sa pisngi niya.  Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Ginamit ko ang Air Element para ilipat ang pwesto namin. Isinandal ko siya sa pinakamalapit na puno.

"Ako ng bahala dito.." mahinang sabi ko sa kanya. Umiling ito. Pero, hinalikan ko siya sa noo nito. "Huwag kang mag-alala sa akin... Alalahanin mo muna ang sarili mo..." sabi ko bago ako tumayo at hinarap ang kalaban. Nakita kong kinakalaban siya ng Elemental Guardian.

"Fyro..." tawag ko sa kanya. Agad na lumapit ito sa akin. "Bantayan mo siya..." tukoy ko kay Cris. Tumango ito. "Tawagin mo ang tatlo... Akong ng bahala sa kanya.." dagdag ko. Agad na umatras ang tatlo at lumapit sa akin. "Heal him." seryoso kong utos sa kanila.  Agad naman nilang sinang ayunan.

"Pero, sigurado ba kayong kaya niyo siya?" nag-aalalang tanong ni Rain sa akin.

Tinignan ko siya. "Hindi ko alam... pero, susubukan ko." sabi ko bago ako umatake sa kanya. Nagsummon ako ng dalawang espada. Air Sword. Lumipad ako para mas mabilis ang galaw ko. Pinatamaan ko siya pero nasalag niya ito. Agad akong lumitaw sa likod nito at sinubukang patamaan ulit siya pero agad na nawala ito. Agad akong nagsuot ng Earth Drive ng maramdaman ko ang presensiya niya sa gilid ko. Yumuko ako ng subukan niya akong hampasin ng Scythe niya. Umikot ako tsaka ko pinaangat ang lupang kinatatayuan niya. Muli itong nawala.

Nagsummon ako ng isang Earth Spear at mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko dito. Iwinasiwas ko sa bandang likuran ko ng maramdaman kong lilitaw siya dito. Pero nasaksak niya ako sa bandang dibdib bago ko siya mapatamaan.

"Yves!" malakas na sigaw ni Cris.

Napangiti ako. Biglang naging buhangin ang buong katawan ko. At ang buhanging iyon ay unti unting pumapalibot sa katawan ng kalaban. Sinusubukan niya itong tanggalin at layuan pero sumusunod ito sa kanya. Lumitaw ako sa itaas na wala ng suot na kahit anong Drive. Itinapat ko ang palad ko sa itaas. Nagcast ako ng spell hanggang sa may lumabas na apat na magic circle.

"Four-Layered Magic Circle...." naging isa ang apat na magic circle. May lumabas na apoy, lupa, tubig at hangin mula dito hanggang sa mag-isa at maging isang parang spear ito. "Elemental Shot!" malakas na sigaw ko. Buong lakas kong ibinato patama sa kalaban. Tumama ito sa dibdib niya. Umilaw ito hanggang sa sumabog ito. Mabuti na lang at agad na nakaisip ako ng paraan kung paano ko siya matatalo. Hindi ko siya ginamitan ng majika at puro combat skills lang. Tsaka ko siya ginamitan ng Blinded Spell gamit ang Earth Element kanina para mabulag siya tsaka ko na siya ginamitan ng majika sa huli.

Lumapag ako sa lupa. At agad na linapitan si Cris. Nakatayo na ito pero nakahawak siya sa puno. Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ko inilagay sa balikat ko para maalalayan siya sa pagtayo. May naririnig pa kaming pagsabog sa paligid. Pero, mas uunahin ko na muna si Cris.

Hinawakan ko ang device sa tenga ko.  "Frost?" pagtawag ko.

"Hmmm... yes?" sagot niya.

"Tapos na kami dito... kayo, ok lang kayo?" tanong ko.

"Matatapos na din kami..." sabi niya habang may naririnig akong pagsabog. "Hindi sila nauubos... patuloy lang sila sa pagdami." sabi niya.

"Dadalhin ko na muna si Cris sa academy bago ako pupunta diyan." sabi ko. Napatingin ako bigla kay Fyro. "Or maybe, I can send some help.. now." pinalisikan ko ng tingin si Fyro. Narinig kong umoo siya. "Ok, hintayin niyo na lamang sila." nakangiting sabi ko. Sinabihan ko ang apat na tulungan sina Frost na agad naman nilang sinunod. Agad akong nagcast ng Wings of Heaven kay Cris para makalipad kami ng tuluyan ng umalis ang apat.

Pero, agad akong na-out balance ng biglang sumakit ang tiyan ko. Muntik na kaming mag-crash sa isang puno pero mabuti na lang at naalalayan ako ni Cris sa paglipad. Lumapag na muna kami sa lupa.

"May masakit ba?" nag-aalalang tanong niya. Nakahawak ito sa bandang tiyan ko.

Sasagot pa sana ako ng bigla akong lamunin ng kadiliman at mawalan ng malay.

-----------
A/N: Keep it up... Please.. Don't forget to follow me guys.. Hit the vote button.. Salamat..

(2 chapters kada araw.. susubukan kong gawin ito.. ok lang ba??)

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now