Chapter 72

1.2K 77 28
                                    

Yves's POV

Napamura ako ng hindi ko makontrol ang Earth Element. Hindi ko alam kung bakit at paano. Tumalon ako sa gilid para iwasan ang atake ng Elf na kaharap namin. Hindi ko rin masabi kung gaano kalakas ang majika na nanggagaling sa kanya.

Kanina pa kami nagpapalitan ng mga atake. Pero walang tumatama. Aatake na sana ako ng biglang yumanig ang lupa. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Cris. Nagsuot ako ng Air Drive at pumunta ako sa tabi niya. Tinignan ko siya ng seryoso ng ngumiti ito sa akin. Napasigaw ako ng may malakas na pwersa na tumama sa likod ko. Nagkaroon ng pagsabog dahilan yun para tumilapon ako at nadala si Cris dito. Nakayakap ito sa akin ng tumama ang likod niya sa isang puno. Tinignan ko ito. Pero napangiwi ako ng maramdaman ko ang sugat sa likod ko. Sa lakas ng atakeng yun ay hindi na kinaya ng Drive ko na protektahan ako.

Itinapat ko ang palad ko sa dibdib niya. Nagcast ako ng healing spell sa aming dalawa. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin at humarap sa likod ko. "Air Blast." pagcast ko ng spell. May malakas na pwersa na gawa sa hangin ang pinakawalan ko. Ng tangayin na ito ng hangin at lumutang ito sa ere ay agad akong nagcast ng Water Spell. "Water Javelin." May namuong tubig sa itaas namin at buong lakas kong pinakawalan patama sa kanya. Napasigaw na lang ito ng tamaan siya nito.

Napangiti ako ng may humawak sa beywang ko at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Ayos ka na?" tanong ko sa kanya. Iginalaw ko ang balikat ko kung saan ito nakasandal.

"uhmmm." mahinang sagot niya. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin. Pero imbes na tanggalin niya ito ay yumakap na ito sa tiyan ko.

Tumawa ako dahil sa inasal nito. Tinapik ko ang kamay niya na nasa tiyan ko. "Ok na... bitaw na." natatawang sabi ko.

"Ayaw." pagmamatigas niya.

"Mag-uusap tayo pagkatapos natin dito." pangungumbinsi ko dito.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at ihinarap ako sa kanya. "Pero, mahal mo pa din ako.. di ba?" seryosong tanong niya.

"Oo.. P-Pero..." pinigilan niya ako sa sasabihin ko. Hinalikan niya ako pero sandali lang yun.

"Ang importante ay mahal natin ang isa't isa." seryoso niyang sabi. Tumango na lang ako sa kanya.

Lumapit kami sa kinaroroonan ni Rock. Hinawakan ko ang pabilog na nakapalibot sa kanya. Parang salamin ito.  "Paano natin siya mailalabas diyan?" tanong ni Cris.

Hindi ko siya sinagot. Patuloy lang ako sa pag-inspeksiyon. Napadako ang tingin ko sa ibaba ni Rock. May nakaukit dito. Parang?

"Sandali." sabi ko. Kinapa ko ang susi na nasa dibdib ko. Tinanggal ko ito at inilagay sa baba ni Rock. Napangiti ako ng sakto ito sa nakaukit sa baba nito. Napatakip ako ng biglang umilaw ang pabilog kung nasaan si Rock. Bahagya ring yumanig ang lupa.

Ng humupa ang ilaw ay biglang may nagsalita. "Prince." masiglang sabi niya.  Yumakap ito sa mukha ko.

Napangiti ako. "Rock." mahinang bigkas ko. Kinuha ko ang susi at inilagay sa bulsa ko.

Dumistansiya ito sa akin. "Nasaan ang Tree of Life?" taka kong tanong sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ay ang susing hawak ko ay ang susi kung nasaan ang sinasabi nilang Tree of Life.

"Wala na po.. Nasira ito nung digmaan." malungkot na sabi niya. "Pero, may ibinigay po sa akin ng Reyna na isang butil nito." dagdag niya. Umilaw ang kamay nito at may isang butil na kulay ginto. Sandali lang yun at agad din itong nawala. "Ako na po muna ang hahawak dito." seryoso niyang sabi. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Hindi niyo po ba tatanungin kung nasaan ang kaharian ninyo?" seryoso niyang sabi.

"May alam ka ba sa eksaktong lugar kung nasaan ito?" seryoso kong tanong.

Ngumiti lang ito. "Sumunod po kayo sa akin." Tumalikod na ito at nagsimulang lumipad. Nakasunod lang kami sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang nagpakawala ito ng berdeng enerhiya sa buong paligid.

Humarap ito sa amin. "Naninigurado lang po ako... Huwag po kayong mag-alala... Naglagay lang po ako ng Protective Barrier palibot sa buong Enchanted Forest... At para na rin mawala ang mga nilalang na hindi dapat nandito." seryoso niyang sabi. Tinignan ko lamang siya.

Ngumiti ito. "Masisiyahan ang inyong Ama kapag nalaman niyang natagpuan na po kita." nakangiting sabi niya.

Nabigla ako sa narinig ko. "B-buhay pa... ang Ama ko?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Nanatili itong nakangiti. "Puntahan na po natin sila." Tumalikod na muli ito.

Narating namin ang isang malawak na lawa na matatagpuan sa gitna ng kagubatan. "Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang sabi ko. Ininspeksiyon ko ang buong lawa.

"Kaizer?" may narinig ako sa ulo ko. Isa itong link. Boses ito ng isang lalake.

"Kaizer..? Ikaw ba yan..?" pag-uulit niya.

Napaluhod na lang ako kasabay nun ang pagluha ko. "D-Dad..?" mahinang sabi ko. Nasa tabi ko lang si Cris. Nakahawak ito sa likod ko.

"Ikaw lang po ang pwedeng sumira sa spell na ginawa ng inyong Ina... At ikaw rin po ang pwedeng maglabas sa kanila diyan." turo niya sa lawa. Tumango lang ako.

Kinalma ko ang sarili ko. Tumayo ako at lumapit sa lawa. Lumuhod ako para hawakan ang tubig nito pero para itong salamin. "Ano ang dapat kong gawin?" tanong ko kay Rock..

"Hindi ko po alam..." sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang susi at dugo ng isang puting dragon." sabi ni Dad mula sa isipan ko.

Kinapa ko ang susi sa bulsa ko. Inilabas ko ito at tinignan kung saan pwedeng ilagay o ipasok ang hawak kong susi. Pero wala akong makita.

"Don't seek it... Just feel it..." sabi ni Dad.

Ngumiti ako. Pumikit ako tsaka itinutok ko ang susi sa harapan ko. Naramdaman kong nabitawan ko ang susing hawak ko kaya iminulat ko ang mga mata ko. May mga magic circle sa harap ko maging sa lawa. Nakalutang ang susi sa gitna nito. Itinapat ko ang palad ko dito. Napangiwi na lang ako ng maramdaman kong nasugatan ang pulsuhan ko. May lumabas na dugo dito at parang hinigop ito ng susi. Hanggang sa lumubog ang susi sa lawa. Nawala na rin ang mga magic circle sa paligid.

Mabuti na lang at nasalo ako ni Cris ng maramdaman kong nanghihina ako. "You're ok?" nag-aalalang tanong niya. Nginitian ko lamang siya.

Napatingin ako sa harap namin ng may lumabas dito. Unti-unting lumabas dito ang building ng kaharian namin. Napangiti ako. Hindi nagtagal ay tuluyan ng nakatayo sa harapan namin ang kabuuan nito. Wala na ang tubig ng lawa dahil dito na mismo nakatayo ang tahanan ko. Unti-unti na ring magkabuhay ang mga puno at halaman sa kagubatan. Nagkakaroon na rin dito ng iba't ibang klase ng hayop.

"Dad?" masayang sabi ko ng may maaninag akong tao na lumabas sa malaking pinto nito. Tumakbo ako para salubungin ito. Yumakap ako ng makalapit na ako ng tuluyan sa kanya.

Narinig ko itong tumawa. "Sobra akong natutuwa dahil nandito ka na." sabi niya. "Sa wakas, makakasama na rin kita."

"Napakasaya ko din po." sagot ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Mahal na Hari." napatingin ako kay Cris. Nakaluhod ito sa harapan namin.

"Hindi mo na dapat gawin yan." sabi ni Dad. "Tumayo ka.. At magpakilala ka." seryoso niyang sabi.

Tumayo ito. "Cris Perez po ng Aragon Kingdom Mahal na Hari." sabi niya. Bahagya itong yumuko.

"Anong relasyon meron kayo ng anak ko.?" malamig na sabi niya. Nabigla ako sa narinig ko kaya napalingon ako sa Hari. Hindi ko lubos akalain na itatanong niya ang ganyang bagay gayong ngayon lang kami nagkita.


--------------
A/N: Keep reading.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now