Chapter 39

1.3K 86 1
                                    

Yves's POV

"Kailangan ba talaga nating umattend ng training na yun?" tanong ko kay Drake.

Tumawa ito. "Oo naman. Syempre." sabi niya. Tsaka ginulo ang buhok ko. "Para na rin sa nalalapit na Festival."

Nakaupo kasi kami sa isang bench dito sa ilalim ng isang puno. Sinusubukan kong ayusin ang buhok ko na ginulo niya.

"Ako na nga ang mag-aayos niyan." sabi niya. Inayos niya ang buhok ko. "Ayan. Maayos na."

Napatingin ako ng may nagsalita. "Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap." sabi ng isa sa kanila. Si Jp, Harley at si Theresa. Agad na lumipat si Drake ng upuan. Umupo siya sa tabi ko. Habang ang tatlo ay umupo sa harapan namin. Tinignan ko si Drake. Ngumiti lang ito. Halata sa kanya ang pag-alinlangan. Napatawa na lang ako sa kanya. "Natatakot ka sa kanila?" sabi ko habang tumatawa pa rin ako.

Kaklase namin sila. Mga kaibigan ko na rin siguro. Si Drake kasi ay nasa ibang klase.

"Ano bang meron sa inyo?" sabi ni Harley. Isa siya ring bakla kagaya ni Jp. Si Theresa naman ay isang babae.

Napatingin ako sa kanya. "Wala." sabi ko.

"Wala pa sa ngayon pero... soon." sabi naman ni Drake. Siniko ko siya sa tagiliran niya. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

"I knew it." masayang sabi ni Jp. Pumapalakpak pa ito. "You like him don't you?" tanong niya kay Drake.

Wow. Napaka-straightforward naman nila parang wala ako dito. Naririnig ko kaya pinag-uusapan niyo.

"Ah.. eh.. Nandito siya eh." sabi ni Drake. Tinignan niya ako.

"Ok ok. Paano nga kung wala siya dito. Anong sagot mo?" tanong naman ni Theresa.

"Hindi nga ako sigurado kung single pa siya o taken na." seryosong sabi niya. Nanatili itong nakatingin sa akin.

"Tinanong mo na ba siya?" si Jp.

"Hindi pa. Natatakot kasi ako sa maaaring isagot niya." sabi niya.

"Coward. Paano mo malalaman kung hindi mo itatanong." -si Jp ulit.

"Single." walang ganang sabi ko kay Drake. Nanatili kasi siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ito.

"Yun naman pala eh. Single siya." -Theresa.  "Actually, bagay kayo." sabi pa niya. Napatingin ako sa kanya. "You guys look good together." dagdag pa niya.

"Akala ko nga parang kayo na. Napansin ko lang nung laban niyo. Palagi mo siyang prinoprotektahan." sabi ni Harley kay Drake.

Ako ba talaga ang napagtripang pag-usapan ng mga ito. Nakakainis. Isinubsob ko ang mukha ko sa lamesang nasa pagitan namin. Hindi ko na narinig na nagsalita si Drake.

"Una na kami. Ngayon na daw magsisimula ang training namin." sabi ni Jp. "Mamaya na lang ulit." pagpapaalam niya.

Pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo na rin ako. "Saan ka pupunta?" tanong ni Drake sa akin.

"Babalik lang ako sa dorm. Magpapalit lang ako ng damit ko." sabi ko.

Tumayo na rin siya at sinabayan ako sa paglalakad ko. Maaga pa naman kaya may oras pa kami para makapagpalit.

"Sabay na tayo mamaya sa pagpunta sa training ground." sabi niya. Ngumiti lang ako.

Pumasok ako sa room namin ni Ian. Tinungo ko ang kwarto ko at naligo muna ako. Nagsuot ako ng isang tattered na black pants at isang loose na white printed shirt. Medyo malaki ang suot kong t-shirt kaya litaw ang isa kong balikat. Nagsuot rin ako ng high cut na sapatos. Lumabas na ako ng room at bumaba na. Nakita ko si Drake sa may lobby. Linapitan ko ito. Ngumiti ito ng makita ako.

Sinalubong niya ako. "Wow. You look adorable." sabi niya. Nakangiti ito habang iniinspeksyon ang suot ko. Kumunot ang noo ko dahil dito. Tinitignan na rin kami ng mga beginners na nandito.

"Tara na." sabi niya. Naglakad na ako. Sumabay lang siya. Kung titignan. Nakasuot ito ng muscle sando na itim pero may hood ito. Nakasuot din ito ng itim na pantalon na medyo hapit sa kanya. Naka-high cut na sapatos din siya. Infairness, gwapo rin siya kahit papano.

Iniwas ko ang tingin ko ng makita kong nakatingin na ito sa akin. "Gwapo ko di ba?" sabi niya.

"tsk. Asa." sabi ko sa kanya.

Narating namin ang training ground. Nandito kami sa gitna ng kakahuyan. Nasa malawak kaming espasyo. May mga beginners na rin dito. Napatingin sila sa amin ng mapansin ang presensya namin.

Nandito na rin ang mga Elites.

---------------

Cris's POV

Nandito na kami sa training ground. Tinignan ko ang mga beginners na nandito. Wala pa dito si Yves.

Ginawa namin ang bagay na ito dahil para na rin malaman kung sino ang traydor dito sa academy.

Pinatawag namin ang lahat ng beginners kanina para basahin lahat isa-isa ni Mint. At ang mga nandito ngayon sa harap namin ay ang mga beginners na may Block Spell sa mga utak nila. Sila ang mga hindi nabasa at nakita ni Mint kung ano ang mga nasa isip nila. Pero, yung tatlong representatives ng beginners ay kasali dito para na rin sa training nila.

Kaming mga Elites ang magsasanay sa kanila para na rin mabantayan sila. Dahil kung may gagawin silang masama ay mapipigilan namin sila. Kaya lahat ng Elites ay nandito. Nasa malayo si Mint at sinusubukan pa ring basahin ang isipan nila.

Napatingin ako sa isang gilid ng mapansin ko ang presensya ni Yves. Pero napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang nasa tabi niya.

"Damn. He's hot." sabi ni Warren sa akin. Siniko niya ako sa tagiliran ko.

"Hey. You're taken." sabi ko sa kanya. Tinignan ko ito.

"Alam ko." sabi niya. Nakangiti ito ng nakakaloko. "Jealous?" sabi pa niya.

Tinignan ko si Yves. Oo. Nagseselos ako. Dapat ako ang nasa tabi niya at hindi ang lalakeng yun.

"Lahat ng lalake ay nakatingin sa kanya. Parang gusto nilang kainin siya ng buhay dahil sa suot niya." natatawang sabi niya. "Hindi rin maikakaila, he's sexy with white and flawless skin." sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mong sabihin na type mo siya?" medyo inis kong sabi sa kanya.

"Nope. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. And besides, may Jack na ako." sabi niya. "Alam kong gusto mo siya. Kaya sana, hindi mo siya hahayaang mapunta sa iba." seryosong sabi niya.

"Narinig ko ang pinag-uusapan niyo." sabi ni Jack. Umakbay ito kay Warren. "Pinag-uusapan din ng mga beginners na yun si Yves. Mukhang naagaw niya ang atensyon ng mga nandito." natatawang sabi niya.

"May bantay." mahinang sabi ko. Nakatingin pa rin ako kay Yves.

"huh?" -Warren.

"Yung lalakeng yun. Palagi siyang nakabantay kay Yves."

"We can help." masayang sabi ni Warren.

Tinignan ko lang sila ng nagtataka.

"Hey. Kahit ano pang desisyon mo. Nasa likod mo lang kami. Susuportahan ka namin." sabi ni Jack sa akin. Tinapik niya ako sa balikat ko. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Ayusin mo nga ang sarili mo. Parang hindi ikaw ang Cris na nakilala namin. Malaki na ang pinagbago mo." natatawang sabi ni Warren. "You look weak."

"Yeah. Mukhang malaki nga ang pinagbago ko." seryosong sabi ko. Napatingin si Yves sa direksiyon ko. Ngumiti ako at ngumiti din siya.

"Dahil yun sa kanya di ba?" -Warren. "Binago ka niya ng hindi mo namamalayan. Ngayon lang kita nakitang nagkakaganito."



Ngumiti ako. Tama sila. Walang mangyayari kung hindi ako gagawa ng aksyon. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko. Hindi rin ako makapapayag na mapunta siya sa iba.

And besides, sinabihan ko na siya na liligawan ko na siya. Gagawin ko ang lahat mapa-oo lang siya.

----------

A/N: hindi ako sigurado kung may interesado pa sa story ko..

Please. Support me.
Thank you..

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now