Chapter 85

658 55 2
                                    

Yves's POV

Pagkagising ko ay nasa tabi ko si Cris na mahimbing na natutulog pero may espasyo ang pagitan namin. Marahil ay natatakot siyang mahawakan ang sugat ko. May tela na ring nakatakip sa sugat ko at iba na rin ang suot kong damit. Dahan dahan akong bumangon. Babalik na muna ako sa dorm ko tsaka kukuha na rin ng makakain namin. Pagkalabas ko ng dorm nila ay napansin kong hapon na.

"Yves." may tumawag sa akin habang naglalakad ako kaya tumigil ako para tignan ito. Si Drake. "Kamusta na ang sugat mo?" tanong niya.

"Magiging maayos din ito." sabi ko.

"Babalik ka na?" Tumango lang ako. "Sabay na tayo." nakangiting sabi niya.

Pagpasok ko sa room namin ni Ian ay napansin kong wala pang tao dito. Agad na tinungo ko ang kwarto ko. Pero, napatigil ako ng mabuksan ko ito. Anong nangyari dito?

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng buong kwarto. Nagkalat ang mga gamit ko. Na parang may pumasok dito. Agad kong tinungo ang kama ko. Lumuhod ako para maabot ang maliit na box sa ibaba nito. Hindi ito basta makikita dahil nakakabit ito sa mismong kama nito. Napangiti ako ng mahawakan ko ito. Kinuha ko at tinignan ang loob nito.  Mabuti naman at nandito pa. Hinawakan ko ito. Ang susing binigay sa akin ng ina ni Frost noon.

"Rock." mahinang sabi ko. Agad siyang lumitaw sa harap ko. Napansin niya ang kalagayan ng kwarto ko. "Anong nangyari dito?" tanong niya.

"May pumasok dito." seryosong sabi ko. "Mukhang may hinahanap sila na nasa akin." Tinignan niya ako ng nagtataka. "Maaari bang,.. pumunta ka muna sa kaharian natin at dalhin ito sa aking Ina." ipinakita ko sa kanya ang susing hawak ko. "Mas magiging ligtas ito kapag doon ito nakatago."

Ngumiti ito tsaka yumuko. "Masusunod po." Tumingin ito sa akin. Nawala ang susing hawak ko.

"Huwag na sanang malaman ito ng iba.. At sa tungkol sa susing yan." utos ko sa kanya. Sinang-ayunan niya ito bago mawala sa paningin ko.

Tinignan ko ulit ang kwarto ko. Napakunot ang noo ko ng may pumasok sa isip ko.

"May traydor dito.. pero, sino?" mahinang sabi ko. Lumabas ako ng kwarto ko. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Ian at hinawakan ang door knob nito. Pinihit ko at bumukas ito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Kung ano ang nangyari sa kwarto ko ay ganun din ang nangyari sa kwarto niya. Napakagulo. Isinara ko ulit ito.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari dito. Bumalik ako sa kwarto ko. Sinimulan kong ligpitin at ayusin ang mga gamit ko. Napapadaing na lang ako kapag napwepwersa ang balikat ko. Inabot ako ng ilang oras sa pag-aayos. Pagkatapos ko ay napagdesisyonan kong lumabas at bumalik sa dorm nila Cris. Dumaan na muna ako sa cafeteria para kumuha ng pagkain bago tumuloy dun.

Pagdating ko sa dorm ng mga Elites ay nagtaka ako kung bakit may mga Royal Guards na nakabantay dito. Binalewala ko na lamang ito at pinagpatuloy ang paglalakad ko patungo sa hagdan paakyat. Kumatok na ako sa pinto ng kwarto niya ng makarating ako sa harap nito. Pero nabigla ako ng hindi siya ang nagbukas nito.

"May kailangan ka?" tanong sa akin ng isang babae. Siya ang nakita kong kasama ni Cris noon sa cafeteria.

"Ah... W-wala..." sabi ko. "Pakibigay na lang ito sa kanya." sabay abot sa kanya ang hawak kong pagkain. Tinignan niya ang hawak ko tsaka itinuon ang atensiyon niya sa akin. Pagkakuha niya ay tumalikod na ako para umalis dito. Sinabihan ko si Frost mula sa Link na magkikita kami sa ibaba dahil may pupuntahan kami.

Pagkababa ko sa first floor ay nakita ko sina Warren at Jack. Lumapit ako sa kanila. "Warren." pagtawag ko sa kanya.

Lumingon ito sa akin. "Pwede bang,.. sa akin na muna sasama sina Rain?" pakiusap ko. Nandito rin sina Fyro at Aria. Halata sa kanila ang pagtataka.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now