Chapter 43

1.2K 78 1
                                    

Yves's POV

"Sinundan kita." ngumiti siya.

"Para saan?" -ako.

"Para mabantayan kita." -Cris.

"Hah?" taka kong tanong. Ngumiti lang ito.

"Akin na yang bag mo. Ako na magdadala." alok niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi na. Magaan lang naman ito." Pinakita ko sa kanya na kaya ko itong buhatin.

"Hindi... Ok lang... Kaya akin na." pangungulit niya. Hinawakan niya ang sling nito tsaka sinusubukan tanggalin sa likod ko. Kaya ako na mismo ang nagtanggal nito. Isinukbit niya sa likod niya. Nagtaka ako. Weird. Tumalikod ako.

Lumapit ako kay Aries. "Paano ako makakagalaw nito kung nandito sila?" bulong ko sa kanya.

Tinignan niya ako. "Hindi pa nila alam ang tungkol sa'yo?" tanong niya.

"Si Cris lang ang may alam." sabi ko.

"So pinagkakatiwalaan mo siya kaysa sa akin?" sabi niya. Halata sa boses niya na nadismaya ito.

Sinuntok ko siya sa balikat niya. "Sira. Hindi naman sa ganun. Mas nauna lang siyang nagtanong." sabi ko na natatawa sa inaasal niya.

"Ok.." sabi niya. Mas nauna na itong naglakad. Kaya naiwan na ako. Medyo maliwanag ang gabi dahil sa buwan. Sapat na yun para makita ang aming dinadaanan. "Magpalipas muna tayo ng gabi sa isang village malapit dito." sabi niya. Nagpatuloy ito sa paglalakad kaya ipinagpatuloy ko na rin ang paglalakad.

Napatingin ako sa gilid ko ng mapansin ko si Cris sa tabi ko. Nasa likod lang namin ang dalawang Elites na sinama niya. Iniwas ko ang tingin ko ng lumingon ito sa akin. Bumuntong hininga ako.

Wala na akong narinig na nagsalita hanggang sa marating namin ang pinakamalapit na village kung saan kami tutuloy. Naghanap kami ng pwedeng marentahang bahay at sakto naman dahil may Inn dito na pwedeng tuluyan. Kumuha kami ng dalawang kwarto.

"Kami na lang tatlo ang magsasama sa iisang kwarto." sabi ni Warren. Sabay niya itong inakbayan si Aries at ganun din ang ginawa ni Jack kay Aries. Tinignan ko si Aries.

"Ahhh... Oo ba... Ok lang sa akin." sagot niya na parang hindi sigurado sa sinasabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng hinila na ako ni Cris papasok sa katapat nilang kwarto. Nabigla ako ng mapansin kong iisa lang ang kama nito pero sakto lang dito ang dalawang tao. Tinignan ko siya. "Huwag mong sabihing diyan tayo matutulog?" gulat kong tanong sa kanya.

"Saan pa ba tayo matutulog kung hindi diyan?." sagot niya.

"Kukuha na lang ako ng ibang kwarto." sabi ko tsaka tinungo ang pinto para lumabas. Pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso ko.

"Sa couch na lang ako matutulog. Diyan ka na sa kama." sabi niya. "Huwag ka ng umalis."

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Mayron itong isang sofa sa isang gilid. Isang lamesa. At may isang pinto, ito siguro ang banyo.

Tumango na lang ako sa kanya. Binitawan na niya ako. Tinungo niya ang kama tsaka ito umupo sa gilid nito. Tinungo ko ang banyo para maligo. Pero ng matapos ako ay napasapo na lang ako ng noo ko. Nakalimutan kong dalhin ang bag ko dito sa loob. Ipinulupot ko ang towel sa baywang ko na kinuha ko sa isang gilid dahil mayron ditong mga towel na nakasabit sa isang lalagyan. Kumuha rin ako ng isang mas maliit na towel para gamiting pampatuyo ng buhok ko. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago lumabas ng banyo.

Napansin kong nakahiga si Cris sa kama pero agad itong umupo ng mapansin ako. Halata sa kanya na nagulat siya. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now