Chapter 15

1.8K 119 8
                                    

Yves's POV

Hinawakan ko ang PoleArm ko gamit ang right hand ko. Itinapat ko left arm at ibinuka ang palad ko sa nakasalamin. May lumabas na magic circle sa palad ko at nagsimulang pumaitaas ang mga ugat ng puno patungo sa kinaroroonan niya pero ginamit niya ang Lazer Leaf pang-counter attack sa ginawa ko. Nawala ang mga ugat. Kasabay nun ay tumalon ako para hampasin siya gamit ang PoleArm na hawak ko. Gumawa siya ng shield kaya dun naglanding ang atake ko.

Pinawala ko ang shield niya tsaka umikot ako kasabay nun ay sinipa ko siya sa may balikat. Hindi niya yun inaasahan kaya tumilapon siya paibaba. Naglanding ako sa may puno pero agad din ko din siyang inatake. Tumalon ako paibaba pero ng malapit na ako sa kanya ay muli akong umikot para mas malakas ang pwersang papakawalan ko. Hinampas ko ulit siya ng PoleArm ko. Itinaas niya ang kanyang kamay na naka x form sa taas niya at may kulay berdeng lumabas sa kamay niya na parang yun ang sumasangga sa atake ko. Dahil sa lakas ng impact ay nagkabitak bitak ang lupang kinatatayuan niya. Napaluhod na din siya. Mas lalo ko pang linakasan ang pwersa ko kaya umikot ako at muli siyang hinampas. Malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid . Dahilan na yun para magkaroon ng hukay sa paligid niya at medyo pumailalim siya.

Nakahiga na siya sa lupa. Lumapit ako sa kanya. Itinutok ko sa kanya ang dulo ng PoleArm ko. Ngumiti siya at tsaka naglaho sa harap ko. At alam kong nateleport na siya pabalik sa academy. Naglakad ako tsaka hinarap ang isa pa.

Alam kong iba ang lakas ng isang to. Itinaas niya ang kanyang kamay, may magic circle na lumitaw mula dito. At may bolang lumabas dito. Nagulat ako ng makita ko kung ano at sino ang nasa loob nito. Si Ian na walang malay.

Hinigpitan ko ang hawak kong PoleArm. "Anong ginawa mo sa kanya?!" madiing sabi ko sa kanya. Kahit sandali pa lang kaming magkakilala ni Ian ay kahit papano ay tinuring ko na siyang kaibigan. Wala siyang karapatan para gawin niya ito sa kanya.

Wala akong narinig na sagot sa kanya. Bagkus ay tumawa lang ito. Dahilan yun para mas lalo akong mainis. Aatake na sana ako ng magsalita siya, "Huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan kung ayaw mong masaktan siya." sabi niya tsaka ngumisi.

I cursed him. Ano bang pwede kong gawin? Kailangan kong makaisip ng paraan. Kung tutuusin ay pandadaya na ito. arghh.

Nagsummon siya ng isang malaking ibon. Parang agila ito pero kulay pula ito. Mabilis itong umatake sa akin. Tumalon ako sa right side ko ng tangka niya akong dagitin. Pumaitaas ito, inihanda ko ang PoleArm ko para sibatin ito. Pero nakailag ito. Pinatamaan ko rin ito ng Lazer Leaf pero sadyang mabilis itong lumipad. Napangisi ako. Siguro naman walang makakapansin ng gagawin ko. Huminga ako ng malalim tsaka tinanggal ang hangin sa paligid ng ibon niya. Pabagsak na ito sa lupa pero sinusubukan niyang lumipad. Nagsummon ulit ako ng PoleArm ko tsaka sinibat sa may dibdib nito. Natamaan ko ito. Bago pa ito babagsak sa lupa ay nawala na ito.

Hinarap ko ang kalaban ko. Halata sa kanya ang gulat. Itinapat ko ang palad ko sa kanya. May lumitaw na magic circle sa kinatatayuan niya. At may lumabas na vines dito paakyat sa paa niya hanggang sa katawan niya. Ikinuyom ko ang palad ko, "Pakawalan mo siya kung ayaw mong buhay mo ang kapalit nito." madiing sabi ko. Pinakawalan na niya nga ito. Bumagsak si Ian sa lupa ng walang malay. May mg sugat na din siya sa katawan. Sa pagkuyom ko ng palad ko ay may lumabas na mga tinik sa vines na nakapulupot sa katawan niya. Napasigaw na lang siya sa sakit na dulot nito. Pagkaraan ng ilang sandali ay naglaho na siya sa harap ko.

Tumakbo ako patungo kay Ian. Umupo ako at inunan siya sa hita ko, "hey.. Ian." tawag ko sa kanya. Pero wala. Nakapagtataka. Di ba dapat ay nagteleport na siya pabalik sa gym.? Pero bakit nandito pa rin siya? Yinugyog ko siya. Unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Kumurap kurap pa ito. "Y-yves." mahinang sambit niya. "Ako nga." sagot ko.

Inalalayan ko siyang tumayo. Makikita mo pa rin sa kanya na nahihirapan siya. "Kaya mo pa bang maglakad?" tanong ko sa kanya. "Kakayanin ko. No choice naman ako di ba?" sagot niya.

Naglakad lakad kami. Paano ba makakalabas dito?. Marami pa bang natirang beginners na pakalat kalat dito? Matatagalan pa ba kami bago kami makabalik sa academy? Hayst. Hindi pwedeng may makaharap kami sa kalagayan ni Ian ngayon. Kaya ko pang lumaban pero siya? Baka mapahamak lang siya at baka hindi ko siya maproprotektahan kapag nagkataon. Kaya kung maaari ay umiwas kami sa panganib.

Ilang oras din kaming naglalakad. At wala pa kaming nae-encounter na beginners. Mabuti naman kung ganun.

Napatigil ako sa paglalakad ng may maaninag akong taong nakatayo sa harapan namin. Napatigil din si Ian at tinignan niya ako ng nagtataka. Medyo malayo ang taong yun kaya hindi ito napansin ni Ian. Inactivate ko ang Elemental Sight ko. Kung titignan itong masyado ay parang hinihintay niya kami. Tumingin siya sa akin kahit malayo ay parang alam niyang nakatingin ako sa kanya.

Naglakad ito papalapit sa amin. Tumigil siya ng ilang metro na lang ang agwat namin sa kanya. May inilabas siyang parang sketch pad sa likod niya at parang may sinusulat siya dito. May lumabas na magic circle sa likod niya at may lumabas na dragon mula dito na parang gawa ito sa papel. Mabilis itong umatake sa amin. Itinulak ko si Ian sa right side ko at tumalon ako sa left side para iwasan ang atakeng yun. Pero bumalik ulit ito at sinugod bigla si Ian na hanggang ngayon ay hindi parin ito nakatayo. Prinotektahan ko siya gamit ang mga ugat ng puno. Tsaka inatake ng Lazer Leaf. Nagkapirapiraso ito at tuluyang naglaho. Pero hindi ko inaasahan na inatake niya ako mismo at pinatamaan gamit ang napakaraming espada na gawa sa papel. Ang ilan sa kanila ay nailagan ko pero ang ilan ay nadaplisan ako. Sa hindi ko lubos akalain ay may tumama sa hita ko. Napasigaw na lang ako sa sakit nito. Hinugot ko ito at tsaka ibinato sa lupa.

Dumudugo na ang hita ko. Bwisit. Itinapat ko ang palad ko sa sugat ko at binalot ito ng maliliit na vines para pigilan ang pagdurugo nito. Inihanda ko na ang sarili ko. Sinummon ko ang PoleArm ko. Itinutok ko sa kanya ito at nagcast ng nature spell, may nabubuong bilog sa dulo ng PoleArm ko at kulay yellow ito. Nakita kong nagsummon siya ng isang malaking ahas na gawa din sa papel at mabilis itong gumapang patungo sa akin. Ng sapat na ang enerhiyang naipon ko at buong lakas kong ibinato ang PoleArm ko na may nagliliwanag na bilog sa dulo nito. Pinatamaan ko ang ahas at biglang nawala ito. Pero tumuloy ito patungo sa lalakeng kaharap ko. Binalot niya ang sarili niya ng papel, pamprotekta siguro yun. pero sa lakas ng pwersang pinakawalan ko ay nagkaroon ng malakas na pagsabog at tumilapon siya sa may kalayuan. Marami siyang sugat na natamo dulot nito. Nawala na siya sa paningin ko.

Napaluhod ako. Pagod na ako. Liningon ko si Ian. Nakasandal siya sa may puno. Tatayo na sana ako ng biglang lumiwanag ang buong paligid ko. Napapikit na lang ako. Pagdilat ko ay nasa gitna na ako ng gym.

Napangiti na lang ako. Salamat naman at natapos na rin.


----------------
hey hey hey!!
Kamusta na mga readers??
ok lang ba yung takbo ng story ko??

😀😀😀😀
Keep supporting. As always.
Love yah.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon