Chapter 89

549 51 0
                                    

Yves's POV

"Mag-iingat ka..." sabi ni Frost sa isip ko. "Delikado ang Light Magic kay Cris... Mapapahamak siya." nag-aalalang tugon niya.

Tinignan ko si Cris na nasa likod ko. "Keep our distance..." mahinang sabi ko.

Ngumiti ito. "I'm fine.. Hindi kita iiwan." Ngumiti na rin ako dahil unti unting binabalot ang katawan niya ng mga maliliit na vines. Hanggang sa mabuo at tuluyan nang balutin ng Earth Drive ang buong katawan niya.

"Ako ng bahala sa kanya." si Rock mula sa isipan ko.

"Salamat." sagot ko sa kanya. Napansin kong may berdeng liwanag ang pumapalibot sa kanya.

Itinuon ko na ulit ang atensiyon ko sa kalaban. Pumikit ako tsaka ako nag-ipon ng lakas palibot sa akin. "God Mode Activate..." pagcast ko ng spell. May puting liwanag ang pumalibot sa akin. "Dragon Drive." Nagkaroon ng malakas na pwersa ang kumawala sa akin hanggang sa mabuo ang armor ko. Isang puting armor na may halong kulay ginto.  Pinagalaw ko ang mga pakpak ko habang nakatingin ako sa Demon ng nakangisi.

Agad siyang nawala sa paningin ko kaya sinabayan ko siya. Lumitaw ako sa harap niya dahilan yun para magulat siya. Buong lakas kong sinuntok siya sa mukha. "Light Punch." pagcast ko ng spell. Tumilapon siya palayo. Umatake na rin si Cris at Frost sa kanya. Lumapag ako sa lupa.

Napatingin ako kay Cris ng bigla itong tumilapon. Yumuko ako tsaka buong lakas akong lumipad palapit sa kalaban. Sinipa ko siya sa bandang tiyan. Pero nagulat ako ng masalag niya ito gamit ang kamay niya na umiilaw. Hinawakan niya ang paa ko at inihagis niya ako. Tumama ako sa puno pero sa lakas ng pagkahagis niya sa akin ay nawasak ang puno kung saan ako tumama. Pinagalaw ko ang pakpak ko para huminto ako at maglanding ng maayos sa isang puno. Agad akong lumipad ng mabilis paatake sa kanya. Nagsummon ako ng Light Sword. Sa bilis ko ay hindi na niya naiwasan ang atake ko. Huminto ako sa likod niya at mabilis na umikot para sipain ang likod niya.

Agad akong lumipad para sundan siya patungo kung saan siya tumilapon. Pinaulanan ko ito ng mga bilog na liwanag habang nasa ere. Pero hindi ko inaasahang maiiwasan niya ang mga ito. Lumapag ako sa lupa. Pagkababa ko ay nabigla ako ng biglang yumanig ang lupang kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Cris at tama nga ako na siya ang may gawa nito. Lumikha ng mga bitak sa lupa ang atakeng yun. Nagpaangat siya ng mga lupa. Agad akong lumipad palapit sa kanya at pumwesto sa tabi nito. Sinabayan ko ang galaw ng mga kamay niya para alalayan siya sa spell na binubuo niya. Nadurog ang mga lupang pinalutang niya at lumikha ito ng mga matutulis na bagay.

"Earth Lance." sabay naming sabi. Mabilis ang mga ito na umatake sa kalaban. Agad na binalot ng yelo ang katawan niya ng tangka niya itong iwasan. Sunod sunod na tumama ang mga ito sa buong katawan niya. Agad akong nagcast ng Fire Spell paatake sa kanya. Napapasigaw na lang siya dahil dito. Hindi nagtagal ay tumigil na ito sa pagsigaw hanggang sa maging abo na ito.

Tinanggal ko na ang armor ko. Ganun na din si Cris. Nandito na rin sa kinatatayuan namin si Frost.

"Bumalik na tayo sa kaharian." sabi ni Frost na agad naman naming sinunod. Pagbalik namin ay agad kong tinungo kung saan pwedeng dinala si Rain.

"Kamusta siya?" tanong ko sa isang babae pagpasok ko sa kwarto. Nandito na rin sina Aria at Fyro.

"Mahal na prinsipe..." sabi ni Fyro tsaka ito lumapit sa akin. Maluha luha itong nakatingin sa akin. "Hindi pa siya nagkakamalay... pero magiging ok na daw siya." mangiyak ngiyak na sabi niya. Hinawakan ko ang ulo niya gamit ang isang daliri ko habang lumilipad ito sa harap ko.

"Pasensiya na... kasalanan ko... hindi ko siya naprotektahan..." mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng pilit.

Umiling ito. "Hindi po... wala pong may gusto ng nangyari..." depensa niya. "Tungkulin po naming protektahan kayo." Ngumiti na lang ako.

The Dragon PrinceOnde histórias criam vida. Descubra agora