Chapter 83

591 53 0
                                    

Yves's POV

Sa lakas nila ay napilitan ng gamitin nila Warren at Jack sina Rock at Rain. Nakasuot na sila ng kanya kanyang Drive. Masasabi kong bihasa ang mga kalaban namin sa pakikipaglaban. Pareho sila ng majika. Kaya nilang magsummon ng iba't ibang klase ng armas at magaling din sila sa paggamit ng mga ito. Habang ang isa sa kanila ay Ice ang majika nito.

Hinigpitan ko ang hawak kong sandata. "Air Shots." pag-atake ni Aria sa kalaban ko. Sa bilis ng galaw niya ay naiwasan niya ito. Sa bawat hampas ng  Spear na hawak ko sa kanya ay nagkakaroon ito ng malakas na impact. Lumayo ito sa akin. Itinapat ko ang palad ko sa kanya.

"Magkikita pa tayo." nakangising sabi niya. Magcacast na sana ako ng spell ng bigla itong mawala sa paningin ko ganun na rin ang mga kasama niya. At tinangay nila ang pakay nilang tao.

Agad na lumapit ako kay Drake. Nakadapa pa rin ito sa lupa. "Drake." pagtawag ko sa kanya. Lumapit na rin si Cris sa akin. Inihiga ko siya. Pumikit ako. "Healing Light." pagcast ko ng spell sa kanya. May lumitaw na maliliit na bola na umiilaw maliit sa katawan nito. Napansin kong gumalaw ito ng kaunti. Unti-unti itong nagkamalay. "Yves." mahinang sabi niya. Wala na ang mga sugat sa katawan niya pero nanghihina pa rin ito. Inalalayan namin siyang tumayo. Si Cris na ang bahala sa kanya sa pag-alalay.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagkabuhay na ang paligid. Wala na kami sa Time Dimension. Nasa gitna kami ng pamayanan at ang ibang tao dito ay nakatingin sa amin. Naglakad kami paalis sa lugar at tinungo ang kagubatan. Inabutan namin ang mga taong naghihintay sa amin.

"Maayos na ang lahat.. Pwede na kayong bumalik dun." sabi ni Warren sa kanila. Halata sa mukha nila ang sobrang saya dahil sa narinig nila. Nagpasalamat sila sa amin bago tumakbo patungo sa kanilang lugar. Napangiti na lang ako.

"Kailangan nating bumalik sa bahay ni Mr. Apollo." sabi ni Cris. Magcacast na sana ako ng Wings of Heaven sa kanila ng unahan ako ni Aria. Sabay sabay kaming lumipad pabalik. Sinusuportahan ni Cris si Drake sa paglipad. Hindi ko lubos maisip kung anong nangyari at ganito kalala ang inabot ni Drake sa kamay nila. Itinuon ko na muli ang atensiyon ko sa harapan namin. Pero napatigil ako sa paglipad ng makita kong wasak ang barrier palibot sa bahay ni Mr. Apollo. Agad akong lumapit dito ng may marinig akong pagsabog.

Agad na inatake ko ang mga halimaw palibot sa bahay. Kaya natuon ang atensiyon nila sa akin. Nanatili akong nakalutang samantalang ang iba kong kasama ay lumapag na sa lupa. Dahan dahang lumalapit sa amin ang mga halimaw. Para silang mga lobo pero itim ang kulay ng balahibo nila habang pula ang mga mata nito. Mas malaki sila kaysa sa amin.

Pinatamaan ko sila gamit ang Air Blades at Water Slicer. Biglang naglaho ang mga natamaan ko pero biglang lumitaw ulit ang mga ito pero mas dumami na ang bilang nila.

Naalerto ako ng maramdaman kong may aatake sa akin mula sa bahay kaya umiwas ako. Napatingin ako sa mga bagay na tumama sa barrier. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kung hindi ay ako na mismo ang natamaan ng mga ito. Napalingon ulit ako sa harapan ko ng may maramdaman akong malakas na majikang nagmumula dito.

"Mabuti na lang at dumating kayo." napatingin ako sa ibaba. Si Mr. Apollo. May mga sugat na ito at nanghihina na. Nasa tabi na ito ni Warren habang inaalalayan ito sa pagtayo. "Tumatanda na talaga ako." tumawa pa ito ng mahina. Lumapag ako sa lupa para tignan siya. Nagcast ako ng healing spell sa kanya.

"Mag-ingat kayo... Dragon ang isang yan." nahihirapang sabi niya. Napatigil ako sa ginagawa ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Metal Dragon." dagdag niya. Itinuon ko na ang atensiyon ko sa lalakeng kalaban namin ng matapos ako sa pagpapagaling sa kanya.

Kung totoo ngang isa siyang Dragon, bakit siya kumampi sa mga taga-UnderWorld? Anong ginagawa niya?

Ngumisi ito ng magtama ang mga paningin namin. "Masaya akong makita ka.. Your Highness." nakalolokong sambit niya na parang nang-aasar. Bahagya pa itong yumuko kaya mas lalo akong naasar. Dalawa lang ang kalaban namin. Pero, hindi ako nakakasigurong kaya namin silang pigilan. Dahil ramdam na ramdam kong nasa ibang lebel ang majika nila. Higit na mas malakas kaysa sa amin. Hindi nalalayo ang kapangyarihang taglay ko sa kanila pero nababahala pa rin ako.

Naglakad ako palapit sa kanila pero napatigil ako ng may maramdaman akong kamay sa braso ko. "Let me help you." si Cris. Tumingin ako sa mga kasama ko. Si Mr. Apollo na ang nakaalalay kay Drake. Tumango na rin sila Warren at Jack. Ngumiti ako sa kanya ng tumingin ako sa mga mata niya.

"Ako ng bahala sa Dragon... kayo na sa isa." mahinang sabi ko. Nakita ko sa mukha nito ang hindi niya pagpayag.

"Kaya na nila Warren ang isang yun." pagmamatigas niya.

"Hindi... Ayokong isugal ang kaligtasan nila... Mas mabuting makasiguro tayo... Tulungan mo sila." sabi ko habang nakatuon ang mata ko sa mga kalaban. "Kaya ko na ang isang yun." Naramdaman kong tinanggal niya ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Aria." pagtawag ko ng atensiyon niya. "Tulungan mo siya." tukoy ko kay Cris. Nagdadalawang isip ito kung papayag o hindi kaya ngumiti ako. "Tatawagin na lang kita kapag kailangan kita." sa sinabi kong yun ay tumango na ito tsaka lumipad palapit kina Cris.

Inihanda ko na ang sarili ko. Agad na nawala ako sa kinatatayuan ko at lumitaw sa pagitan ng mga kalaban. Dumipa ako para ang dalawang palad ko sa magkabilang gilid ay maitapat sa kanila. "Air Blast." pagcast ko ng spell. Dahilan yun para tangayin sila ng malakas ng hangin patungo sa magkaibang direksiyon. Ginawa ko yun para magkahiwalay sila. Liningon ko sila Cris tsaka tumango bago ko harapin ang kalaban ko.

Nakatayo na ito. May mga ibinato siya sa akin na gawa sa metal pero sinalag ko lang ang mga ito gamit ang Air Shield ko pero sa talim at lakas ng majika niya ay lumagpas ang iba sa shield sa harap ko dahilan yun para mabasag ang proteksiyong ginawa ko. Napaluhod ako ng mga tumawa at madaplisan ang isang binti ko pero tumayo pa rin ako.

Agad na iniangat ko ang lupang kinatatayuan ko ng muli itong umatake. Sumuntok ako sa ere at inatake siya gamit ang Fire Element. Tumalon ako pababa sa lupa. Pagkababa ay lumindol ang lupa. Nagpaangat ako ng lupa tsaka ibinato ito sa kinaroroonan niya. Tumatawa lang ito habang iniiwasan niya ang mga atake ko. Tumalon ako paatras ng umatake ito. Pagkalanding ko sa lupa ay naalarma ako ng lumitaw ito sa harap ko. Sinuntok niya ako gamit ang bakal na kamay niya. Pero, bago pa ako tamaan nito ay nagsuot na agad ako ng Earth Drive ko. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa harap ko para protektahan ang sarili ko.

Napasigaw na lang ako ng tumama ang likod ko sa barrier dito. Sa lakas ng pwersa niya ay tumilapon ako ng ganito kalayo. Wasak na rin ang armor ko. Napaluhod ako ng bumagsak ako sa lupa.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko siya matatalo gamit ang apat na elemento. Wala na akong mapagpipilian. Pumikit ako. Pagkamulat ng mga mata ko ay naging kulay ginto na ito.




------------
A/N: Keep reading.




(May nagbabasa pa po ba nito? Marahil, ay konti na dahil natagalan ang update ko.. pasensiya na po.. Hope you guys, follow me.. Para, malaman niyo agad kung may update na po ako.. Salamat.)

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon