Chapter 8

2K 122 1
                                    

Yves's POV

"I guess, wala ka talaga sa sarili mo." aray. Sinamaan ko siya ng tingin. Sino pa ba? Si Ian. Binatukan lang naman kasi niya ako. Ohh di ba? Kaibigan ko talaga ang isang 'to.

"ano bang problema mo?" maktol ko sa kanya..

"ayyyy. wow ate.. kanina pa ako salita ng salita dito.. hindi ka pala nakikinig sa mga sinasabi ko.. Namumuro kana sakin hah?"

hindi ko na siya sinagot pa.. Nandito kami ngayon sa gym ng academy. Napakalawak talaga nito.

Pagkatapos kasi akong ihatid ng mokong na yun sa mismong dorm ko at talagang hinatid niya ako sa mismong room namin ni Ian. My god! Nakakahiya. Ikaw ba naman ang halos tignan ng mga estudyanteng nalalampasan namin kanina na parang pati kaluluwa mo ay tinitignan na rin nila.

Hindi ko nagawang sagutin ang tanong niya sa kin kanina kung saan ako nanggaling. Hindi ko siya pinansin. Basta hindi ko siya inimik. Bahala siyang mag-isip.

Naisipan ko ng umattend ng klase namin este training namin dahil may mga naiskip na ako. Alangan namang magmumukmok ako sa kwarto ko ng buong maghapon, di ba?

Pero, anong bagsak namin? Heto, nanonood ng training ng mga ibang class. Dito sa gym na rin kasi sila nagtratraining. Nakakatamad. Hayst.

Makaalis na nga. Tumayo na ako at nagsimulang lisanin ang gym. Narinig ko pa ngang tinatawag ako ni Ian kanina pero hindi ko na siya pinansin.

Pupunta muna ako sa library. Hindi para magbasa kundi matulog. Hahahaha. Ganun din kasi ang ginagawa ko ng nasa mortal world pa ako. Napapangiti na lang ako ng maalala ko ang buhay ko nung nandun pa ako. Nakakamiss kasi.

Nang marating ko ang library ay agad akong pumasok. Binati pa ako ng babae na nasa mid 30's na siguro sa front desk pero nginitian ko lang siya.

Agad akong pumunta sa pinakasulok na parte ng library. Nang may makita akong upuan tsaka mesa ay agad akong umupo saka isinubsub ang mukha ko sa mesa. Pero napaangat agad ako ng maramdaman kong maalikabok ang mesang nasa harap ko. F*ck.

Luminga linga ako sa mga shelves na nasa harap ko. Tumayo ako at lumapit sa mga librong nasa shelves. Hinawakan ko sila isa-isa. My god. Hindi ba nila ito nililinisan?

Sobrang luma na ang mga librong nandito. Pero may isang librong nakaagaw ng atensyon ko. Kung titignan ito ay parang kakulay lang ng lahat ng librong nandito. Antique na siguro lahat ng mga ito. Pero kung pagmamasdan itong maigi ay kulay silver ito. Maalikabok lang ito kaya hindi ito madaling mapapansin.

Kukunin ko na sana ito ng bahagya ko itong natulak. Kaya napatigil ako at napalingon sa paligid ng biglang may umangat at lumitaw na shelves sa dinaanan ko kaninang hallway na parang humarang ito para hindi ako makalabas dito.

Napatingin agad ako sa mesa at upuan ng gumalaw ang mga ito at pumagilid na parang may nagbukas na lagusan sa kinalalagyan ng mga ito kanina.

Lumapit ako dun at tinignan ang lagusan. Parang may hagdan at pababa ito. Ano kayang meron sa loob nito? Humakbang ako ng dalawang beses pababa sa hagdan pero tumigil din ako. Baka mapahamak lang ako. Kaya bumalik din ako. Pero ano bang meron dito? Nacucurious ako. Gusto kong malaman. Gusto kong makita ang nandito. Kung ano man yun. Bahala na. Wala naman sigurong mawawala kung titignan ko di ba? Kaya bumaba na ako sa hagdan.

Maingat at dahan dahan akong bumababa sa hagdan. Nag-summon na din ako ng Leaf Sword sa right hand ko. Baka may umatake sakin dito. Mahirap na.

May mga torch na nakasabit sa dingding. Kaya sapat ang liwanag na binibigay ng mga ito para makita ko ang dinaraanan ko.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now