Chapter 36

1.4K 86 0
                                    

Cris's POV

Sumapit ang gabi. Napagpasyahan kong ako na ang magbabantay sa buong paligid. Hahanapin ko siya.

Nagkamalay na kanina si Yves pero nasa clinic pa ito. Maayos na ang lagay niya yun ang sabi ni Warren sa akin kanina. Mula kasi kaninang umalis ako sa clinic ay hindi na ako bumalik dahil sa paghahanap ko sa may gawa nito.

Lumabas ako ng dormitory naming mga elite. Nakasuot ako ng itim na jacket. Naglagay rin ako ng mask sa mukha ko. Napansin kong may mga warriors na nakakalat sa paligid. Isinuot ko ang hood ng jacket ko at tumalon ako sa pinakamalapit na puno. Pinakiramdaman ko ang paligid. Walang gumagalaw. May nararamdaman akong mga kapangyarihan sa paligid pero walang umaalis sa kinaroroonan nila.

Agad akong tumalon palipat sa isang puno ng may bumato sa akin ng mga shuriken. Hinarap ko ito. Si Aries.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong sabi niya. Nakasuot ito ng parang isang ninja. "Cris." dagdag pa niya. Lumapit ito sa kinaroroonan ko.

"Kailangang may gawin ako." sabi ko sa kanya.

"Kami ng bahala dito. Huwag kang mag-alala. Magpahinga ka na."

"Inuutusan mo ako?!" medyo inis na sabi ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo."

Agad itong lumuhod ng parang pang-knight. "Paumanhin po, mahal na prinsipe. Hindi na po mauulit." mahinang sabi niya. "Iniisip ko lamang po ang kaligtasan niyo."

"Ganun na ba ako kahina sa paningin mo?" tumalikod ako sa kanya. "Tumayo ka na. Baka may makakita sa atin."

"Hindi naman po sa ganun."

"Tama na." awat ko sa kanya. Agad akong tumalon palayo sa kanya. Nagpalipat lipat ako sa mga puno sa paligid ng academy. Alam kong nakasunod si Aries sa akin. Agad akong tumalon sa isang bubong ng building. Pinagmasdan ko ang paligid. Wala akong maramdamang kakaiba sa paligid. Agad namang lumitaw sa tabi ko si Aries.

"Kanina pa ako nagtataka kung bakit wala akong maramdamang kakaiba sa paligid. Inaasahan kong malakas ang majika ng taong hinahanap natin." sabi niya. "Hindi ko maipaliwanag pero talagang magaling ang isang yun." dagdag niya ulit.

Hindi ko na siya sinagot pa. Nasa pinakataas na building kami ngayon kaya tanaw na tanaw ko ang buong paligid. Pinagmasdan ko ito. Nabigla ako ng mapansin kong nababalot ng itim na majika ang buong academy. Kaya pala hindi nila maramdaman ang kapangyarihan ng hinahanap namin. Blind. Isang uri ng Dark Spell kung saan lumilikha ng itim na usok ang enchanter at ikinakalat sa buong paligid para itago o ikubli ang pagkatao o majika ng isang tao. Hindi ito napapansin at nakikita ng mga mata ng sinumang naapektuhan nito. Sa lagay ko ay hindi ako apektado dahil isa akong Dark Element user. Sa lawak ng academy ay kinaya niyang lagyan nito. Napangisi ako. Mukhang mapanganib nga ang isang ito.

"Nasa clinic siya." agad kong sabi sa kanya. Hindi ko hinintay ang sagot niya. Agad akong tumalon pababa. Hindi ako pwedeng magkamali. Nandun siya. Kanina pa. Agad akong tumakbo patungo sa clinic. Nakasabay si Aries sa akin.

"Gamitin mo ang Zero Sign mo. Ngayon na." utos ko sa kanya. Hindi ko na narinig ang reklamo niya. Agad naman niya itong sinunod. Bigla itong  nawala. Pero alam kong nakasabay lang siya sa pagtakbo sa akin patungo sa clinic. Naging invisible siya.

Tumigil kami sa pagtakbo ng nasa harap na kami ng clinic. Mayroon itong limang palapag. Nasa ikatlong palapag si Yves. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.

Naglakad ako papasok sa clinic. Nakita ko ang mga healer at mga estudyanteng nakahandusay sa hallway ng clinic. Lumapit ako sa isa. May pulso pa ito.

Sleep Magic. Ginamitan sila ng ganitong spell. Kung saan pinapatulog ang sinumang tinatablan nito. Sumilip ako sa mga kwarto sa unang palapag. Wala silang mga malay.

Delikado ang may gawa nito. Mahusay sa pag-cast ng mga spell. Lahat ng spell na ginagamit niya ay puro malalakas. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang High Dark Enchanter. Hindi ko maipaliwanag pero parang kinakabahan ako.

Agad kong tinungo ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Naging maingat ako sa pag-akyat. Tinitignan ko ang buong paligid. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang palapag. May mga healer na nakahandusay sa hallway nito. Agad kong tinungo ang ikatlong palapag. Napatigil ako ng may marinig akong isang pagsabog. Agad akong tumakbo.

Napatigil ako ng may makita akong isang taong naka-itim na cloak. Nakaharap ito sa direksyon namin. May napansin rin akong isang tao. Nabigla ako ng maaninag ko kung sino yun. Yung beginner na kasama ni Yves sa laban namin kanina. Nakaupo ito. Halatang nahihirapan na siya. Agad akong gumawa ng barrier paikot sa kanya ng atakihin siya ng naka-cloak. Nakita na niya kami. Naglakad ako papalapit sa kanila.

Tinignan ko ang beginner. May bandage pa ito sa katawan niya. Mukhang nagkaroon dito ng labanan dahil sa pinsala sa mga wall dito sa hallway ng clinic. Hinarap ko ang nakacloak.

Hindi ako makaisip ng maayos. Kung aatake ba ako sa kanya o hihintayin kong siya ang unang aatake. Nanginginig ako dahil ramdam na ramdam ko ang lakas ng kapangyarihang nagmumula sa kanya. Napakalakas ng pwersang nanggagaling sa kanya. Sa estado ko ngayon ay wala akong laban sa kanya.

Kailangang mailabas namin siya dito sa clinic. Hindi ko magamit ng maayos ang majika ko dito. May mga estudyante sa building na ito. Hindi pwedeng madamay sila.

"Aries. Ilabas mo siya dito sa clinic. Ngayon na." utos ko kay Aries. Kaya niyang magteleport.

"Hindi ko kaya. Masyado siyang malakas. Pinipigilan niya ang spell ko." sabi ni Aries sa likod ko.

"Ako ng bahala. Pero sa harap lang ng clinic ang kaya kong pagdalhan sa inyo." sabi ng beginner. Nakatayo na ito.

Tumango lang ako sa kanya. Ok na yun kahit papano.

"Divine Gate." malakas na sigaw niya. May puting magic circle na lumitaw sa kinatatayuan ko. Ganun din si Aries at ang itim na nakacloak.

Nasa labas na kami ng clinic. Agad akong nagcast ng spell. "Five-layered magic circle." pag-cast ko ng spell sa kinatatayuan niya. May lumabas na limang magic circle sa itaas niya. "Dark Tower." Biglang may lumabas na itim na apoy sa kinatatayuan niya paitaas. Nagtagal ito ng ilang sandali. Pero gaya ng inaasahan ko ay hindi ito tinablan. Hindi man lang ito nagalusan.

"Gaya ng inaasahan ko. Magaling ang batang yun." sabi niya. Isa itong lalaki. "Nagawa niyang ilabas ako dito."

"Jupiter." pag-atake ko ulit sa kanya. Pero blinock niya lang ito gamit ang palad niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakakatawa dahil ang prinsipe nila ay walang magawa." sabi niya tsaka ito tumawa.

Nag-cast ulit ako ng spell sa itaas niya. "Dark Spear." may lumitaw na malaking magic circle sa itaas niya. May lumabas na mga itim na matutulis pabulusok sa kanya. Na sinabayan ni Aries. Nag-cast siya ng spell sa itaas ng magic circle ko. May lumabas na mga espada dito na mahigit isang daan ang bilang at pinatama niya rin dito.

Pero ni isa ay walang tumama sa kanya. Nakatusok lang ang mga ito sa lupa. Tumawa pa ito. Napaluhod ako ng bigla itong umatake sa amin. Hindi ko napansin yun.

"A-anong..." tinignan ko si Aries. Wasak na ang suot nitong armor. Hindi ko nakita ang atake niyang yun.  May mga sugat na ako sa katawan ko.

"Water Snake!"

"Earth Fox!"

"Air Eagle!"

Sabay sabay na atake ang bumulusok sa naka-cloak. Agad itong lumipad paitaas. Nasa harap ko na ang tatlong elemental user.

"Magkikita pa tayo." sabi niya ng nakalutang ito sa itaas. Agad itong nawala sa paningin namin.

--------------

Update na ko..
Don't worry..

The Dragon PrinceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu