Chapter 48

1.2K 78 1
                                    

Cris's POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari at sa mga nasasaksihan ko kay Yves. Kung tutuusin, mas malakas siya kaysa sa amin. Wala kaming laban sa kanya kung majika ang magiging basehan. Malaki ang deperensya ng aming mga estado. Sobrang malayo ang agwat ng aming mga kapangyarihan.

Pero mas lalo akong nahuhulog sa kanya habang tumatagal. Hindi ko siya gusto. Mahal ko siya at sigurado na ako dun. Ngumiti ako.

Ng lumipad kami ni Aries paitaas ay agad kong tinungo at tignan ang lagay ng mga tao sa loob ng tubig na pabilog na nagkukulong sa kanila. Mukhang buhay pa sila dahil nakikita kong humihinga pa ang mga ito.

Napalingon ako sa ibaba namin ng mapansin kong naglalaban na sila. Nag-summon ako ng Dark Sword. Sinubukan kong basagin ang isa kung sino ang pinakamalapit sa akin. At nagtagumpay nga ako. Pero nabigla ako ng mapansin kong mahina na ang magical power ng isang 'to. Lahat kasi ng nabubuhay dito sa Magic World ay may magical power sa loob ng katawan nila kahit mga normal na tao at pati na rin ang mga hayop na nandito. Nagkataon lang na mas malakas ang mga magical power ng mga taong kayang gumamit ng majika.

Mukhang alam ko na kung bakit sila nandito sa loob ng tubig na pabilog na ito. Kinukuha ng halimaw ang mga magical power na nagmumula sa mga katawan nila. Sinabihan ko si Aries na bilisan bago kami mahuli mukhang alam na rin niya. Mukhang mahihirapan kami nito. Isa isa lang ang kaya naming ibaba pagkatapos ay balik na naman kami dito sa itaas. Shit. Napamura na lang ako sa isipan ko.

----------
Yves's POV

Agad akong lumipad paitaas ng bigla niyang patamaan ng tubig na nagmula sa bibig niya patungo kung nasaan si Cris. Lumitaw ako sa likod ni Cris at hinarangan ang atake niya. Mukhang hindi niya ito napansin. Inatake ko ang halimaw mula sa itaas. "Air Strike." sabi ko. May lumabas na magic circle sa itaas nito at sunod sunod na lumabas mula dito ang matatalim na hangin pabulusok sa kanya. Agad akong lumipad palapit kay Cris habang patuloy lang ako sa pag-atake sa halimaw.

"Heyyy... Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako. Sinabi niya ang rason kung bakit nandito ang mga tao at kung gaano ito nahihirapang iligtas sila dahil isa isa lang ang kayang niyang dalhin pababa sa lupa. Tumawa na lang ako. Tumango tango pa ako sa kanya. "Ok ok... Tulungan na kita.." sabi ko.

"Pero.. Paano sila?" tanong niya. Tsaka niya tinignan ang ibaba kung nasaan sina Warren at Jack. Halata sa kanya na nabigla ito sa nakita niya. Nakasuot kasi sila ng Water Drive at Earth Drive. Nag-cast ako kanina ng spell sa kanila para magamit nila ang mga Drive nila. "Kagagawan mo ba yun?" sabi niya. Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. Tumango lang ako.

Tinignan ko sila Warren. Kayang kaya na nilang makipagsabayan sa halimaw. Ibinalik ko ang tingin ko kay Cris. Nakangiti ito. "Tinutulungan mo sila habang ako pinapabayaan mo dito." sabi niya.

"What?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Akala ko na nagkasundo na tayo sa bagay na ito.." sabi ko sa kanya. "eh di sana, sinabi mo kanina kung anong gusto mo.. para naman kahit papano ay alam ko ang ginagawa ko."

"So kapag sinabi kong manatili ka sa tabi ko, gagawin mo?" sabi niya. Nakangiti ito.

"Nonsense." sabi ko. Agad akong tumalikod sa kanya at lumipad paibaba. Narinig ko pa itong tumawa pero hindi ko na siya liningon pa. Agad kong pinatamaan ang mga maliliit na halimaw gamit ang Air Bomb ng subukan nila akong lapitan. Marami sila. Umaatake sila sa lahat ng direksiyon. Wala itong katapusan. Dahil kapag sumasabog sila kapag pinatatamaan namin ng mga atake namin ay bigla silang nagreregenerate at bumabalik sila sa dati. Kaasar.

Lumapit pa ako sa Water Guardian at pinaulanan ko ng mga Air Blades at Air Bombs pero pagkatapos nun ay bumabalik din ito kaagad sa dati na parang walang nangyari. Lumipad ako sa gilid nito habang inaatake siya ng hindi ko napansin ang paghampas ng isa niyang galamay sa akin. Tumilapon ako at tumama ako sa isang bato. Sa lakas ng impact nun ay may nawasak na parte ng armor na suot ko. Agad akong lumipad papalayo sa kanya ng atakihin ulit ako. Pinunasan ko ang labi ko ng malasahan ko ang dugo mula rito.


Tinanggal ko ang Air Drive ko pero lumilipad pa rin ako gamit ang Air Element para iwasan ang mga atake nito sa akin. Binalot ko ang isa kong kamay ng gaunlet gamit ang Air Element samantala namang Water Element sa kabila. Tumigil ako sa paglipad. Hinarap ko siya.

"Air Horn!" may lumabas na magic circle sa right palm ko. "Water Vortex!" pagcast ko naman sa kabilang palad ko. "Ignite!" sabi ko. Biglang nag-isa ang dalawa kong atake. Mas malakas ito dahil dalawang element ang pinagsama ko. Mabilis itong tumama sa halimaw. Nagkaroon ito ng pagsabog. Bago pa makapagregenerate ay agad akong nagsuot ng Air Drive at nagcast agad ng spell.

"Wind Ark!" malakas kong sigaw. Lumakas at lumamig ang ihip ng hangin dito sa loob ng kweba dahilan yun para magyelo ang katawan ng Water Guardian. Mula sa itaas ay agad nag-summon ng dalawang Air Sword tsaka ako bumulusok paibaba paatake sa halimaw. Mabilis at maraming beses ko siyang pinataamaan gamit ang dalawang espada ko.

Nakaluhod ako sa lupa ng maglanding ako. Nagkapirapiraso ang katawan ng halimaw. Tumayo ako. Wala na rin ang mga maliliit na halimaw. Humarap ako sa halimaw. Wala na ito. Pero may isang asul na liwanag ang nakalutang. Hanggang sa lumabas dito ang isang maliit na nilalang. Tinignan ko ito ng mabuti. Isang siyang babae. Mga lima o anim na pulgada ang laki nito. May pakpak ito. Parang isang fairy. Sinamaan ko ito ng tingin ng ngumiti ito sa akin. Bigla siyang lumipad patungo sa akin. Pero itinapat ko na lang ang palad ko sa kanya dahilan yun para umihip ang hangin sa kanya para mapalayo siya sa akin.

"Prince Kaizer!." masiglang sabi niya ng makalapit na ito sa akin. Dumapo siya sa balikat ko at yinakap ang gilid ng mukha ko. "Namiss ko po kayo." masayang sabi niya. Tsk. Alam kong siya ito. Si Rain. Ang Water Guardian. Kilala ko na siya pati na rin ang ibang Guardian. May apat ng Elemental Guardian. Nakasama ko na silang apat sa kaharian namin noon.

Lumapit sina Warren at Jack. Naguguluhan sila. "Sino yan?" tanong ni Warren.

Agad na lumipad si Rain kay Warren. Nagulat si Warren. "Ako si Rain. Ang Water Guardian. At ang magiging Guardian mo." masiglang sabi niya. Napailing na lang ako. Naguguluhan pa rin si Warren.

"Pero, teka lang mahal na prinsipe." sabi niya sa akin. Agad niya akong linapitan. Lumipad siya sa likod ko at tinungo ang parte kung nasaan ang emblem ni Loke. Itinaas niya ng bahagya ang damit ko. Tinulungan ko ito. Hinawakan niya ang emblem ni Loke. Bigla itong umilaw. "Nasa inyo po pala si Fyro." sabi niya tsaka ito lumipad sa harap ko. Nabigla ako. Matagal ko ng nakasama si Loke pero paano at bakit hindi ko man lang napansin at hindi ko akalain na siya si Fyro. Ang Fire Guardian. Biglang lumipad si Loke mula sa itaas at tumungo dito sa kinaroroonan namin. Nakasakay pa rin si Kyle sa kanya. Nandito na rin sina Cris at Aries. Kinuha ni Cris si Kyle sa likod ni Loke. Biglang umilaw ang katawan ni Loke. Lumitaw ang isang maliit na lalake. Kasinglaki din ni Rain. Para din itong isang fairy at may pakpak din ito sa likod nito. Nagulat ako.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" galit kong sabi sa kanya. Bigla itong lumipad patungo kay Cris para magtago.

"Hindi po kasi kayo nagtanong." depensa niya. Nakasilip ito sa likod ni Cris.

"May gana ka pa talagang sumagot sa akin ngayon!" sigaw ko ulit sa kanya.

"Halika dito." sabi ko. Pero hindi ito umalis sa likod ni Cris. "Isa!" sigaw ko ulit. "Fyro! Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko!" malakas na sigaw ko ulit.

Sinamaan ko ng tingin si Cris ng tumawa ito. Karga karga niya pa rin si Kyle. "hey... calm down.. umalis muna tayo dito.. mamaya na yang pag-uusap niyo.." sabi niya ng makalapit na ito sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Fyro. Lumipad ito papalayo sa akin. Umupo siya sa isang balikat ni Warren dahil nasa kabila nito si Rain.


Lumipad na kami paitaas papunta sa mga tao kung nasaan sina Loke kanina. Tinignan ko sila. Mukhang maayos na ang lagay nila. Sinabihan lang namin sila na kailangan naming makaalis dito at makabalik na sa village nila na sinang-ayunan naman nila. Mamaya ko na lang itanong kay Rain kung anong nangyari dito. Sa ngayon, ay kailangan pa naming bumalik at siguraduhin na ligtas na sila.



-----------
Love you guys..

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now