Chapter 34

1.3K 85 0
                                    


Yves's POV

Napatigil ako sa paglalakad ng may maramdaman akong malakas na majika. Hindi lang ito malakas kundi isa rin itong Dark Magic. Wala na ang usok na nakapalibot sa amin. May malakas na pwersang pumapalibot sa akin dahil sa spell ni Drake.

Nabigla ako ng makita ko si Cris. May mga itim na marka sa kanyang kamay at ganun na rin sa kanyang mukha. Malakas ang itim na awra na pumapalibot sa kanya.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa kanya." seryoso nitong sabi.

"Cris." mahinang sabi ko. Mukhang wala na siya sa sarili niya. "Cris!" malakas kong sigaw na kanya. Pero hindi niya ako liningon.

"Elle, do something." malakas na sigaw ni Kagura sa kasama niya. Tinutukoy niya ang canceller na kasama niya.

Agad naman itong sumunod. "I can't. He's so strong." dismayadong sabi niya.

Napansin ko na rin na naalarma na ang mga estudyanteng nanunuod at ganun na din ang mga instructor na narito.

"Hey. It's too dangerous. Lumabas na tayo dito sa barrier." sabi ni Aries sa akin. Hindi ko napansin na narito na pala siya sa tabi ko. Naka-cloak ito at naka-mask pero alam kong siya ito.

"W-what?!" gulat niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya. "Anong problema?" taka kong tanong sa kanya.

"Hindi ako makagamit ng teleportation magic palabas sa barrier. Mukhang pinipigilan ako nito dahil sa dark magic na nagmumula sa kanya." tinutukoy niya si Cris. Dark barrier huh?.

"Dark Nebula." seryosong sabi ni Cris. May namuong itim na bola sa itaas nito. Lumalaki ito hanggang sa ipinatama nito kay Elle. Sa canceller.

"Kailangan natin siyang pigilan." seryosong sabi ni Aries.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Nag-summon ako ng dalawang leaf sword. Agad akong tumakbo para harangin ang atakeng yun ganun na rin si Aries. Iwinasiwas ko ang dalawang espadang hawak ko. May lumabas na Lazer Leaf mula dito at pinatama ko sa Dark Nebula ni Cris. Nagsummon na rin si Aries ng maraming espada na nakalutang sa itaas namin. Pinatama niya rin ito ng sunod sunod sa atakeng yun ni Cris.

Sumabog ito ng matamaan namin dahilan yun para tumilapon kami at tumama kami sa barrier dahil sa lakas ng impact ng mga atake namin. Napansin ko na rin na umatake na rin ang iba kay Cris.

Pero ni isa sa kanila ay hindi umubra. Nagpalit ng armor si Kagura at mabilis na umatake kay Cris. Pero bago pa ito makalapit at inatake na ito ni Cris dahilan yun para mawasak ang armor niya. Bumagsak na ito sa lupa. Linapitan ito ni Cris at hinawakan niya ito sa leeg niya. Iniangat niya ito. Inihagis niya sa ere at tumalon si Cris papalapit sa kanya at malakas niya itong sinipa. Bumagsak ito at nagpagulong gulong ito sa lupa. Nawalan na ito ng malay dahil sa lakas ng atakeng yun.

Sinubukan kong tumayo. Tumulong na rin ang ibang nasa loob ng barrier para pigilan siya. Tumakbo ako sa likod niya at sinubukan kong makalapit sa kanya. Sinubukan ko siyang sipain sa bandang balikat  niya pero yumuko ito at ng makaikot ako ay nakaharap na siya sa akin. Susuntukin ko na sana sa mukha pero nasalag niya ito. Sinubukan niya akong sipain pero nasalag ko ito. Inilagay ko sa harap ko ang dalawang kamay ko para protektahan ang sarili ko ng subukan niya akong tadyakan. Sa lakas niya ay napaatras ako ng ilang metro. Pero pinigilan ako ni Drake para hindi ako tumilapon. Liningon ko ito. Nakahawak siya sa beywang ko. Ngumiti ako sa kanya. Pero napatingin agad ako sa harap ko ng maramdaman ko ang presensya ni Cris sa harap ko. Agad kong sinalag ang sipa niya pero dahil sa pwersa niya ay tuluyan na kaming tumilapon at tumama kami sa barrier.

Narinig ko ang daing ni Drake ng tumama kami sa barrier. Hindi ako masyadong nasaktan dahil nasa likod ko siya. Bumagsak kami sa lupa. Nakahawak parin ito sa beywang ko. Sinubukan kong tumayo. Inalalayan ko siyang makaupo. Tumayo ako pero pinigilan niya ako. "I'm sorry. But I can't protect you na."

Ngumiti ako. "Ok lang. Kami ng bahala sa kanya." Ngumiti ito. Naglakad ako papalapit kay Cris. Balak kong gamitin ang binding magic sa kanya pero hindi ko magamit ang pagiging Enchanter ko. Wala ng ibang paraan kundi ang talunin siya gamit ang Nature magic ko. Hayst. Naghanda ako. May epekto pa sa akin ang spell ni Drake kanina. Tumakbo ako ng mabilis patungo sa likod ni Cris. Hindi niya ako napansin dahil kinakalaban niya si Aries at isang elite na isang Water Element user. Binalot ko ng mga gaunlet na gawa sa vines ang dalawang braso ko. At buong lakas kong sinuntok ang likod nito. Pero nabigla ako ng na-repel ang atake kong yun at bumalik ang impact nito sa akin dahilan yun para tumilapon ako palayo.

Ngayon alam ko na. May nag-cast ng Black Magic sa kanya. May magic circle sa likod ni Cris. Kailangan kong tanggalin yun. Pero paano?

Agad akong tumakbo para harangin siya ng atakihin niya ang canceller.  Susuntukin na niya sana ito pero blinock ko gamit ang dalawang kamay ko na nasa harap ko. Napangiwi ako ng masira ang gaunlet na suot ko.

Nababalot ng itim na apoy ang kamay niya. Sinipa ko sa bandang tiyan nito. Napaatras siya. Lumitaw bigla si Aries sa pagitan namin at sinuntok niya ito ng malakas si Cris. Tumilapon ito palayo.

"Water Snake!" malakas na sabi ng water element user. Inaatake niya rin si Cris. Ang iba ay nasa gilid lang at nanunuod kung anong pwedeng mangyari. Ako, si Aries at ang Water Element lang ang pumipigil kay Cris. Ang iba kasi ay nawalan ng malay at ang iba naman ay sugatan at hindi na kayang lumaban.

Dumudugo na ang braso ko. "Ayos ka lang?" nag-aalalang sabi ni Aries sa akin. Tumango lang ako. Hindi ko na iniintindi ang mga sugat ko. Natatagalan na ang mga instructor sa aksyon nila. Wala silang magawa sa labas ng barrier. Ang iba ay inaatake nila ang barrier at sinusubukang wasakin ito. Pero sa lakas at tibay nito ay hindi ito tinatablan.

Umatake ulit si Aries. Pero bigla itong bumagsak sa lupa. Sinipa ito ni Cris ng malakas at tumama ito sa barrier. Sinubukan niyang tumayo ng bumagsak ito sa lupa. Nahihirapan na siya. Biglang lumitaw si Cris sa harap ko. Nakatayo ito. Tinignan ko ito sa mata. Wala akong makitang kahit anong emosyon. Binabalot ang buo niyang katawan ng itim na apoy. Lumapit ako sa kanya. Nasusunog ang suot kong damit pati na rin ang balat ko. Pero, nararamdaman kong unti-unting gumagaling ang mga natatamong sugat ko. Nag-cacast ng healing spell sa akin si Drake.

"YVES!" malakas na sigaw ni Aries sa akin. "STOP!" pagpigil niya sa akin. Tinignan ko siya. Umiiyak na ito. Sinusubukan niya itong tumayo pero hindi niya ito kaya.

Tinignan ko ulit si Cris ng magsalita ito. "Stop me." mahinang sabi niya.

Lumapit ako sa kanya. Yinakap ko siya. Pumikit ako dahil sa ramdam ko na nasusunog na ang balat ko dahil sa sobrang init ng apoy na nagmumula kay Cris. Nagcast ako ng spell.

"Fossilization." mahinang sabi ko. May lumitaw na magic circle sa kinatatayuan namin ni Cris at may lumabas na nakakasilaw na ilaw paitaas. Tutulungan kita kahit buhay ko pa ang kapalit nito. Gagawin ko ang lahat mapigilan lang kita.

Kasabay ng pagkawala ng ilaw ay nawalan na rin ako ng malay.

-----------------

A/N: Please leave a comment if ok lang or hindi tong story ko. Then, ok lang din kung suggest kayo ng mga scene ganun. Para naman masatisfy ko kayo. Salamat.

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now