SPECIAL CHAPTER

1.8K 44 22
                                    

Vincent's POV






Ang ganda nya. She's like a princess. 18th birthday ngayon ni Keesha. Alam kong Cleiyah talaga ang pangalan nya pero mas gusto ko ang Keesha.

Kasalukuyan sila ngayon nagsasayaw ni Nash. Tapos na sya makipagsayaw kina Jhake, Steeven, Frid na nakalaya na, Erwin, Frick, Francis, Jerwinn, Jerwick, Kyle, Hiro, at Kent. Ako ng susunod kay Nash. Sunod si Dave na kuya ni KC, si Dwayne, Khian and Cliff. Si tito Clinton ang panghuli na magsasayaw sa kanya. Ayaw kasi nina Khian o Cliff na isa sa amin ang magsayaw sa kanya.

Higpit pfft. Napagdesisyunang si tito na lang para fair din kina Cliff at Khian.

Binigyan ako ng sign na ako na. Naglakad na ako palapit sa kanya. Ipinasa ni Nash ang kamay ni Keesha sa akin. Ang lambot ng kamay nya. Nginitian ko agad sya nang magtama ang mata namin.

"Ang ganda mo." Mahina kong sambit.

Binigyan nya ako ng ngiti. Wala yung suot nyang salamin ngayon.

"Thank you." Aniya

Nakatitig ako sa kanya habang nagsasayaw kami.

"I really love you.." Naibulong ko.

Bahagya syang natigilan sa pagsayaw. Ngumiti ako ng marahan sa kanya.

"Crush na kita nung una pa lang nating pagkikita. Remember? Natulala ako non hahaha. Pero todo deny ako sa sarili ko. But now I won't deny that I love you. I can even shout it to the world or universe." Marahan ang pagsambit ko.

Tikom ang bibig nya.

"Keesha Aliyah Bautista, Cleiyah Fayrie Ramirez. Or panget hahaha. Ahm, may... May chance ba na mahalin mo rin ako?" Naibulalas ko.

Fuck. Can't help it. I'm in love with her. So much.

Natigil na sya ng tuluyan kaya huminto na rin ako.

"Vincent."

Kita ko ang pangingilid ng luha nya. Alam ko na ang sagot pero sinubukan ko pa rin. Nung una akala ko ako.. Akala ko nahuhulog na sya sa akin pero tanginang tadhana. Para bang bola na muntik ng mashoot sa isang laban na dalawang segundo na lang ang meron.

Nagpaikot sa paligid ng ring, umaasa na papasok. Ang kaso hindi.

"You... love him right? You already fall for him." Ako

Pumatak ang isa sa luha nya. Pinunasan ko agad. She's too pretty to cry. And too far away from me to reach her.

"I'm sorry. I'm sorry Vincent."

"Hush."

Niyakap ko sya kahit na parang pinipilipit ang puso ko sa sakit. Alam ko ng darating to pero masakit pa rin talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now