Chapter 23

2K 72 3
                                    

Aliyah's POV




Nandito kami sa mall ngayon nina kuya, Aica, kuya Dwayne, KC at yung kuya nyang si kuya Dave. Kahit na kakakilala pa lang namin sa kuya nya close na agad sila nina kuya at kuya Dwayne. Pano ba naman kasi, pareho silang mga abno. Mga childish din. Tulad lang namin ni Aica lagi din sya nitong inaasar.

"Kain muna tayo." Sabi ni KC.

"Oo nga gutom na rin ako." Sagot ko.

"Pati ako." Aica.

"Ang takaw nyo alam nyo yun." Kuya Dave.

"Kakakain lang natin ng ice cream." Kuya.

"Gutom agad kayo." Kuya Dwayne.

"Ice cream naman yun!" KC.

"Ibig naming sabihin kain tayo ng kanin." Aica.

"Matakaw kayo dyan. Eh kayo nga yung nakatatlong ice cream." Ako.

"Oo na!" Kuya.

"Makasumbat kayo dyan." Kuya Dwayne.

"Tara na nga!" Kuya Dave.

Nagkatinginan naman kaming tatlo at natawa. Sinundan na lang namin sila hanggang sa pumasok sila sa may KFC. Oh yes! My favorite hahaha! Nang makapasok kami sa loob ay nakahanap na agad yung tatlo ng mauupuan namin.

"Dito muna kayo." Kuya.

"Kami na oorder." Kuya Dwayne.

"Pasalamat kayo mabait kami." Kuya Dave.

"Oo na, dalian nyo na lang. Mahaba pa ang pila." Sabay na sagot naming tatlo. Napanguso naman sila at luminya na. Ayan pinagtitinginan na naman.

Maya-maya pa ay nakita ko si Aica at KC na may katext sa cellphone nila. At wag ka ah! Nakangiti pa na parang kinikilig!

"Uyy sinong katext nyo dyan?" Tanong ko sa kanila.

"Ha? Wala ah! Pinsan ko lang." KC.

"Si Bea nagtext. May pinapasabi lang daw." Aica. Parang hindi eh.

"Ba't parang kinikilig kayo dyan." Ako.

"Hindi ah!" Tanggi pa nila.

"May tinatago kayo sakin no!" Pagkukulit ko.

"Wala ah! Ano namang itatago namin sayo?" Aica.

"Oo nga. Bestfriends tayo kaya walang secret satin." KC.

"Bahala kayo dyan." Sabi ko at umiwas ng tingin. Nagkatinginan naman sila.

"Uyy Liyah." Aica. Pero hindi ko sya pinansin.

"Liyah naman eh! Wala talaga." KC.

"Liyah! Wala talaga. Pansinin mo na kami." Aica. Bahala kayo dyan!

"Liyah!" Hindi pa rin ako tumingin.

"Sige na nga!" Sabi nila kaya nilingon ko na sila.

"Oh ano?" Ako.

"Ikaw muna." KC.

"Bakit ako? Ikaw muna." Aica.

"Ikaw. Ikaw una."

"Ikaw na--"

"Ayaw nyo sabihin?" Singit ko.

"Oo na. Si S-Steeven yung nagtext." KC.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now