Chapter 14

2.1K 68 0
                                    

Aliyah's POV





"Babybunso gising na!" Si kuya.

Kanina nya pa ako ginigising. Pero eto pa rin ako at nakahiga habang nakapikit ang mga mata. Wala pala akong salamin kapag natutulog.

"Hmmm." Ungol ko. Ayaw ko pang bumangon! Kaantok kaya! Lalo na kung malamig.

"Uyy babybunso gising! Malelate tayo nyan eh!" Kuya.

"Kuya mamaya na." Angal ko habang nakapikit pa rin.

"Anong mamaya ka dyan, malelate tayo!" Sigaw nya. Bahala sya dyan.

"Oo eto na." Sabi ko pero nakapikit pa rin.

"Hoyy gising na!" Kuya.

"Gising na nga oh." Minulat ko ang mga mata ko.

"Bumangon ka na dyan." Sabi nya pa kaya naman umupo na ako at inayos ang medyo magulo kong buhok.

"Maligo ka na." Sya.

"Kuya 10 minutes." Sabi ko.

"Hindi pwede babybunso." Sya habang umiiling.

"Bakit? Antok pa ko eh." Ako.

"Bahala ka dyan. 20 minutes na lang late na tayo oh." Whutt?!

Nagmadali tuloy akong pumasok sa banyo para maligo.

Habang naliligo... Ay shet! Nakalimutan kong kumuha ng tuwalya. Sigurado rin akong nandyan pa si kuya sa labas. Lagi kasi syang naghihintay doon para makasiguro na maliligo na ako.

"Kuya!" Sigaw ko.

"Bakit babybunso?! Anong nangyari sayo?! May ahas ba dyan!?" OA naman si kuya. Ahas kaagad?

"Grabe ka naman kuya! Walang ahas dito!" Sigaw ko.

"Oh bakit ka sumisigaw?!" Tanong nya.

"Nakalimutan kong kumuha ng tuwalya. Paabot kuya." Ako.

"Tsk tsk tsk. Ayan kasi. Masyado kang nagmamadali." Kuya. Ang gulo kausap ni kuya!

"Sabi mo kasi malelate na tayo! Alangan namang bagalan ko pa kilos ko?" Commonsense naman na yun di ba.

"Malamang kailangan mong bilisan!" Kitam! Tapos kanina sabi nya nagmamadali.

"Oh anong ginawa ko nung sinabi mong malelate na tayo?" Nakataas ang isang kilay ko na as if namang nakikita nya.

"B-binilisan mo ang pagkilos papuntang banyo para makaligo." Alam kong nakanguso na naman sya, hahaha yan kasi!

"Yun naman pala. Labas ka na nga magbibihis na ako." Sabi ko.

"Oo na mahal na prinsesang babybunso." Narinig kong sinara nya yung pinto pagkatapos bukasan.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now