Chapter 34

1.7K 59 9
                                    

Angelica's POV



In-arrange ni ma'am yung upuan namin. Lalake babae daw. Si Steeven yung una sa amin katabi si KC. Then si Jhake tapos ako at si Vincent next si Liyah at last si Nash. Andito na kami sa room maliban kay Liyah. Medyo malelate raw sya. Maya-maya ay pumasok na ang teacher.

"Good morning class. Meron nga pala kayong new classmate. Alam naman nating late na at hindi na pwedeng mag-enroll pero naki-usap sila kay Mrs. Ramirez. Come in Ms. Gonzales." Sabi ni ma'am. Pumasok naman ang isang babae. Medyo may kaputian sya at katamtaman lang ang tangkad. Ang buhok nya ay lampas balikat lang.

"Introdruce yourself Ms." Sabi pa ni ma'am. Tumango naman yung babae.

"Hi everyone! I'm Lyka Gonzales. Late na akong nakapag-enroll dahil galing pa kaming Canada. So hope we could be friends." Pakilala nya at ngumiti sa aming lahat.

"You may now seat Ms. Gonzales. Sa vacant." Ma'am. Tumango ulit sya at naglibot ng paningin para humanap.

Maya-maya ay ngumiti sya at nagulat na lang kami ng umupo sya sa upuan ni Liyah. Maging si Nash at Vincent ay gulat.

"Excuse me miss pero may naka-upo dyan." Sambit ni Vincent. Tumingin naman sa kanya yung transferee.

"Hmm?" Nakangiti nitong sabi habang nakatingin kay Vincent.

"May naka-upo dyan." Sambit pa ni Vincent.

"Wala naman ah." Yung Lyka.

"Meron." Mariing sambit naman ni Nash.

"Dito ang gusto ko. Lumipat na lang kung sino mang naka-upo dito." Naka-pout na sabi nito.

Nagkatinginan kami ni KC. At tulad nya ay nagsisimula na rin akong mairita. Di ba sya makaintindi? May naka-upo na nga. Sya na nga tong bago dito sya pa may ganang magpalipat!

"Good morning ma'am. Sorry I'm late." Napatingin kami sa pintuan at ayun si Liyah na bagong dating. Inayos nya pa yung salamin nya.

"Go to your seat Ms. Bautista." Sabi ni ma'am.

"Yes. Thank you Ma'am. " sagot ni Liyah. Napatingin sya sa upuan nya kung saan naka-upo si Lyka. Kumunot ang noo nya.

"Miss alis na dyan sya ang naka-upo dyan." Medyo inis na sambit ni Vincent.

"Lipat na lang sya." Parang bata nitong sabi. Isa pa talaga sasampalin ko na yan!

"Ms. Bautista. Lipat ka na lang muna ng upuan mo kung okay lang sayo." Sambit ni ma'am kaya napatingin kami kay Liyah.

Napangiti si Lyka nang tumango si Liyah. Tumingin sa amin si Liyah bago naglakad at naupo sa last row. Nasa second to the last kasi kami. Katabi nya si Erwin at Frick. Nagbatian pa silang tatlo. Napatingin ako kay Vincent at Nash na masama ang tingin kina Erwin. I smell somthing fishy hahaha. May nagseselos ata.

Nagulat kami nung sabay na tumayo yung dalawa. Bitbit ang kanilang bag. Napatingin sa kanila si ma'am pati iba naming kaklase.

"San kayo pupunta? Dyan na kayo maupo." Sabi ni Lyka habang nakatingin kay Vincent. Tinignan naman sya ng masama nina Vincent.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now