Chapter 32

1.8K 60 6
                                    

Aliyah's POV





Masakit ang katawan ko ng magising ako. Dahil siguro to sa laban namin nina Vincent at Nash. Napanood pala yun nina kuya. Nandoon pala sila nung naglaban kami. Sisigaw daw sana sya kaso lang strikto daw yung teacher nila nun kaya tumahimik na lang daw sya. Natawa tuloy ako nun. Ang sweet ni kuya hehehe.

Bumangon na ako at pumasok sa banyo at ginawa ang mga kailangang gawin. Habang bumababa ako sa may hagdan ay iniikot ko ang braso ko dahil nananakit iyon. Paanong hindi sasakit eh diretsong malalakas na hampas ang pinapakawalan ko. Naabutan ko sa may hapag kainan sina mama at kuya.

"Oh Liyah, ayos ka lang ba 'nak?" Tanong ni mama nang makita ako. Umupo muna ako bago sumagot.

"Opo ma. Masakit lang tong braso ko." Ako.

"Bakit? Ano bang ginawa mo?" Mama. Sasagot na sana ako pero inunahan ako ng magaling kong kuya.

"May kinalaban syang dalawang lalake ma. Nag-arnis po sila. " kuya.

"Tsk tsk tsk." Mama habang umiiling pa.

"Hehehe sorry po ma." Ako.

"O sya ma-upo ka na at kumain."

Nagsimula na akong kumain. At ng matapos ay sabay na kaming lumasok ni kuya. Si mama naman ay mamaya pa ang alis papunta sa Thirs Tea.

* fast forward *

Hapon na at nakatambay ako ngayon dito sa may gym. Naka-upo ako sa isa sa mga bleacher. Pinatawag kasi sina Aica at KC. Yung apat naman ay hindi pumasok, malay namin kung bakit. Uwian na rin namin. Dito ko na sila napiling hintayin. Para hindi maboring ay nilabas ko ang cellphone ko at nagbasa muna ng wattpad story.

"Hey."

"Ay butiki!" Nasambit ko at muntik pang mahulog ang cellphone ko dahil sa taong yun. Pagtingin ko si kuya Clifford pala.

"Ooops! Hahaha! Sorry. Nagulat ba kita?" Gusto ko sanang sabihin na hindi ba halata pero parang ang bastos ko naman nun.

"Opo. Kayo kasi eh. Akala ko kung sino hehe."

"Sorry ulit. Pero hahaha! Nakakatawa yung itsura mo." Woah! Ang gwapo talaga ni kuya Clifford pag tumatawa.

"Grabe ka po ah! Hmp!" Pagsusungit ko kunyari. Umupo sya sa tabi ko.

"Hahaha! Sorry na. Napanood ko yung laban nyo ni Nash at Vincent. Ang galing mo pala gumamit ng arnis." Kuya Clifford.

"Ah, medyo po. Naglalaban din kasi kami ni kuya sa bahay. Parang bonding namin minsan."

"Ang swerte ng kuya mo sayo no." Napangiti ako.

"Syempre po. Nagkaroon sya ng magandang kapatid na gaya ko. De joke lang po. Mas maswerte po ako sa kanya." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Bakit naman?"

"Kasi po nagkaroon ako ng kuya na kagaya nya. Mabait, minsan. Mapagmahal, maalaga tapos childish. Eh kayo po, marunong din ba ikaw sa paggamit ng arnis?"

"Well. Konti lang ang alam ko dun. Laban tayo?" Nakangiting tanong nya.

"Talaga? Sige po!" Excited kong sagot. Tumayo naman sya.

"Wait here. Kukuha lang ako ng arnis. Ilan ba gusto mong gamitin?"

"Ahm. Isa lang po." Ako.

"Okay. Wait for me here." Sabi nya at umalis na.

Maya-maya pa ay bumalik na sya dala ang dalawang arnis. Inabot nya sa akin ang isa at pumunta kami sa may gitna ng gym. Alangan namang maglaban kami sa may bleacher? Nagready na kami at pumosisyon.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now