Chapter 13

2.2K 67 8
                                    

Aliyah's POV





Papasok na ulit ako after one and a half day. Pagkatapos ng pangyayaring yun kung saan sinira at binuhusan ako nina Dawn hindi muna ako pinapasok ni kuya. Nalaman ni mama yung nangyari at nagalit din sya. Muntik na nga syang magreklamo doon kung hindi ko lang sya napigilan. Mabuti nga walang kumuha ng video nun at ipinost sa fb. Alam mo naman ang mga tao ngayon.

Sana naman pagpasok ko wala ng usap-usapan patungkol sa nangyari. Ewan ko kung anong nangyari sa akin at hindi ako lumaban eh palaban rin naman ako. Buti na lang talaga at dumating si kuya Khian doon para aluin ako. Hindi ko pa rin pala nakaka-usap si Aica. Alam kong ang cold ng treatment nya sa iba dahil naikwento sa akin ni kuya na naikwento rin sa kanya ni kuya Dwayne. Hindi ko naman sya sinisisi eh. Love ko talaga si kuya. Salamat naman at nagkaroon ako ng kuya na kagaya nya.



*FLASHBACK*


Dinala ako ni kuya sa may garden at naupo kami sa isang tabi doon sa silong ng puno. Tumigil na akong umiyak magmula nung lumabas kami doon. Halata mong galit si kuya dahil kunot na kunot yung noo nya.

"Kingina ng babaeng yun. Kapag inulit nya pa yun tignan nya." Galit pang sabi nya.

"Ayos ka lang ba babybunso?" Tanong nya sa akin. Tango lang ang ibinigay kong sagot.

"Pasensya ka na ah. Nahuli ako ng dating." Kuya.

"Sorry kasi walang nagawa si kuya para ipagtanggol ka." Dugtong nya.

"O-okay lang kuya." Ako.

"Hindi. Hindi yun okay. Nangako ako na poprotektahan kita pero hindi ko naman nagawa ngayon." Ang sweet talaga ni kuya.

"Hindi mo naman kasalanan eh. Isa pa hindi ako nanlaban." Sagot ko.

"Isa pa yan. Bakit hindi mo nilabanan yung impaktang yun?" kunot na naman yung noo nya siguro dahil naalala si Dawn. Impakta daw.

"Ewan ko nga rin kuya. Siguro dahil nasa publikong lugar kami."

"Oo nga pala. Kapag nasa public na lugar ayaw mo ng gulo. Pero bakit nung sinabi mo sakin nung may babae na nagsabi sainyo ng malandi." Kuya.

"Oh bakit yun?" Tanong ko.

"May mga nakakita naman nung sinagot mo sya." Sya.

"Si Aica naman nauna doon ah." Palusot ko.

"Ikaw kaya! Sabi mo nung sinabihan kang malandi sinabi mo na gusto mo syang sampalin pero baka mabutas yung kamay mo kasi may pimples sya." Muntik akong matawa ng maalala yun.

"Sinabi ko yun?" Biro kong tanong.

"Oo nga!" Sagot nya kaya naman natawa na ako.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now