Chapter 17

1.9K 67 1
                                    

Aliyah's POV





Ilang steps na rin ang nagagawa namin para doon sa plano 'kuno' ni Aica. Ngayon iba ulit yung gagawin namin. Nakakainis na nga dahil sinasamantala nila yung kabaitan namin. Kainis sila!

Nakarinig ako ng pagbusina ng sasakyan sa labas kaya nagpaalam na ako kina mama. Hindi kami sabay ngayon ni kuya dahil mamaya pa yung start ng class nila. Iba na talaga kapag college. Paiba-iba ang oras ng klase nila. Samantalang kami hindi kaya maaga gumigising. Si kuya okay lang na magpuyat. Hayaan na nga lang. Lumabas na ako ng bahay at lumapit doon sa sasakyan nina Aica. Nang makasakay ako sa loob ay nagbatian muna kami at umalis na.

"Hayys ang hirap pa lang magpa-fall no." Biglang sabi nya ng makarating kami ng school.

"Ikaw kasi. Ayan tuloy sinasamantala nila yung kabaitan natin." Sumbat ko.

"Hayaan mo, matatapos rin naman to. Sana nga lang mabilis." Aica.

"Bahala na si batman. Tara na." Ako

Nagsimula na kaming maglakad na dalawa. Nang medyo makalayo na kami sa school gate biglang nagtilian at bulungan ang paligid.

"Kyaaaahh!! Clifford!!"

"Waaahhhh bumalik na sya!!!"

"Oh my gosh! Ang gwapo nya talaga!"

"Jessa nakabalik na si Clifford!"

"Uyy friend. Balita ko dito na raw ulit sya mag-aaral."

"Talaga? Edi araw-araw na akong gigising ng maaga para pumasok dito."

Ibig sabihin late syang pumapasok ganern? Teka, parang pamilyar yung pangalang binanggit nila. Nagsalita bigla si Aica.

"Sino yung pinagpapantasyahan nila?" Tanong nya at nagkibit balikat lang ako.

"Malay. Ayun oh yung nasa gate." Sabay kaming tumingin ng gate.

Paglingon namin, wow. Ang gwapo nung lalaki. Ang seryoso nya at hindi pinapansin yung paligid nya. Ay oo nga pala! Sya yung sinasabi ni KC na anak nung owner nitong school! Si Clifford!

"Aica! Yan yung kinuwento sa atin ni KC. Yung anak daw ng owner nitong school!"

"Si Clifford? Ay shet! Oo nga pala! Ang gwapo nya." Aica.

"Pero mukhang suplado. Tignan mo walang pinapansin." Ako.

"Di ba sabi rin ni KC hindi yan palangiti." Sya.

"Oo. Tara na nga. Malelate na tayo."

Nauna akong maglakad at sumunod naman sya. Hanggang marating namin yung room at nandoon na si KC. Maaga si ate nyo ngayon. Mukhang hindi pa nakarating yung balita dito. Wala kasing nagbubulungan. Alam nyo na mga pasimpleng tsismosa kasi dito sa aming section.

"Uyy good morning. Ba't ang tagal nyo?" KC.

"Wala. Ay KC nakita namin yung sinasabi mo." Sabi ko.

"Anong sinasabi ko?"

"Si Clifford. Yung anak ng owner nitong FU." Sagot ni Aica.

"What?! Saan?! Kailan?!" Gulat ulit nyang tanong. OA namang makapag-react to.

"Grabe ka magtanong. Kanina lang kaya nga ngayon lang kami." Ako.

"My gosh! Puntahan natin!" Excited nyang sabi.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now