Chapter 72

1K 41 5
                                    

Aliyah's POV





Iminulat ko ang mata ko. Nagising ang diwa ko nang makarinig ng ingay at nanlaki ang mata ko sa nakita.

"V-Vincent." Usal ko.

Napatingin ako sa balikat nyang dumudugo. Bahagya syang nakangiwi malamang dahil sa sakit.

"Tangna. Konting ingat pa rin Nash." Sambit ni Vincent.

Natauhan naman si Nash. Nandito silang pareho sa tabi ko. Pano sila nakapunta dito?

"Hahahaha! Ang lalakas naman ng loob ng mga batang to."

Nilingon namin ang nagsalita na si mayor. Nakangisi sya pero bakas ang galit sa mukha. Tumuon ang masama nitong titig kay Lyka na hindi malayo sa kinatatalian ko.

"I see. Sinasabi ko na nga ba na balak mong traydurin ang sarili mong ama. Wala kang utang ng loob."

Bahagyang napayuko si Lyka at kumuyom ang kamao.

"Sinasabi na nga ba at ikaw ang may pakana nito mayor." Vincent.

Sa kanya tumuon ang paningin ni mayor. Shit, napapaligiran kami ng tauhan nya. Bwisit na mayor!

"Hmm. Matalino kayo. Subalit mas mautak pa rin ako sa inyo." Mayor

Nanlaki ang mata ko nang may itulak ang ibang tauhan ni mayor. May pasa at sugat. Sina kuya Khian at kuya Clifford. Pati na rin ang limang kalalakihan na hindi pamilyar sa akin maliban sa dalawa na kung hindi ako nagkakamali ay sina Jerwinn at Jerwick.

"Sabihin nyo sa akin kung ilan kayong mga hangal na sumugod rito."

"At bakit namin gagawi-"

Naputol ang sinasabi ni Nash nang magpaputok si mayor. Tumama ito sa kung saan.

"Kung hindi lahat kayo ay mamamatay ngayon din mismo."












Third Person's POV





Nanatili silang tahimik at hindi sinagot ang tanong ng kaharap. Sa isang banda, nakita ni Frid ang tatlong kalalakihan na bahagyang nagtatago. Hindi nya kilala ang mga ito subalit nasisiguro nyang hindi iyon kaanib ni mayor.

Naghanda sya sa pag-atake nang makitang idinipa ng isa ang braso at itinutok ang baril kay mayor.

Ngunit nakita iyon ng isa sa tauhan ng mayor at agad itong naitulak.

"Mayor!"

Agad na nagpaputok si Frid ganun din ang kasamahan nina Nash na si Francis at Kyle. Si Nash naman ay tumakbo palapit sa kalaban at ginamit ang kutsilyong hawak para patumbahin ang mga ito. Nagpaputok na rin ang iba sa tauhan ng mayor.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now