Chapter 41

1.6K 53 3
                                    

Aliyah's POV





Nakatitig na lang ako sa kisame ng kuwarto ko pagkagising. Ramdam ko ang hapdi ng mga mata ko dahil sa kakaiyak. Shet naman.

Namumugto mata ko. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at na-upo. Nangilid na naman ang luha ko nang maalala ang pagkamatay ni papa kaya agad ko itong pinawi. Niyakap ko ang tuhod ko.

Bumaling ako sa may orasan ko. Sobra ala una na pala. Mag-aalas dos. Bumuntong hininga ako at akmang babangon na nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Pumasok doon si Aica.

"Liyah.. Kamusta?" tanong nya pagkapasok.

Agad syang naglakad papunta sa kama ko kung saan ako nananatiling naka-upo. Pinilit kong ngumiti.

"Ayos naman. I guess?" sagot ko saka mahinang tumawa.

"Stupid me. Nagtanong pa. Wait, namumugto mata mo. Don't tell me pinaiyak ka ni kuya Khian!? Gusto mo gumanti? Tara!" Aica.

Umiling naman ako.

"Nah. May masamang balita lang kasi." ako.

Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha nya.

"Ano naman? Patungkol ba kay tita?" Aica.

Umiling ulit ako bago nagsalita.

"Patungkol kay papa."

Natigilan naman sya saglit.

"What? Ano meron kay tito? Di ba.. Di ba he's already d-dead."

"Aica. He was killed. P-pinatay si papa. May nakaaway daw sya noon at baka iyon daw ang pumatay kay papa. Binaril daw sya. Many times." sambit ko.

Nangilid ulit ang luha ko.

"Oh my.. I-I thought namatay sya dahil sa sakit sa puso?"

Iyon din ang akala ko noong una. Pero hindi. Pinatay si papa. Sinadya ang pagkamatay nya.

Tumulo na lang at luha mula sa mata ko. Lumapit si Aica sa akin at agad akong niyakap.

"Shh. Tahan na Liyah. Andito lang kami." Aica.

Mas napaluha na lamang ako. Hindi ko lang talaga matanggap ang pagkamatay ni papa. Bakit sya binaril?

"Shhh.. Kalma na. Stop crying na beshy ano ba!"

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon