Chapter 4

3K 89 4
                                    

Aliyah's POV






Maaga akong nagising sa sumunod na mga araw. Mabuti na rin yon dahil may pasok na. Ikalawang linggo na ngayon mula nung nagsimula ang klase.

"Morning babybunso." Bati ni kuya Khian pagkababa ko.

"Morning kuya. Morning mama." Humalik ako sa pisngi ni mama.

"Nasan yung akin?" Kuya.

"Ikiss mo mag-isa mo."

Nagpout naman sya bigla, hahaha. Cute ni kuya ko.

"Maupo ka na Liyah. Pupunta ba dito si Aica?" Mama.

"Hindi po ma. Ako ang pupunta sa kanila ngayon. Sinabi ko na sa kanya kahapon pa po."

"Ah ganon ba." Mama

Mabilis kong tinapos ang pagkain at inayos ang mga gamit ko.

"Mama punta na ako kina Aica. Sabay kaming papasok." Paalam ko.

"Ingat sa daan." Mama

"Sige po."

"Pahatid ka na lang sa kuya mo."

"Sige po ma. Kuya tara."

"Oo teka lang.." Kumuha pa sya nung itlog at ipinalaman nya sa tinapay saka nya kinain. Favorite nya yan. "Tara hehe."

Nauna syang naglakad palabas ng bahay at pumunta sa may garahe namin. Lumapit sya sa motor nya. Astig talaga nito. Color black and blue.

"Eto helmet mo. Isuot mong maayos."

Inabot nya sakin yung helmet kaya kinuha ko. Sinuot nya yung kanya pero yung akin di ko maayos.

"Ako na nga." Kuya

"Hehe, thank you kuya."

Nang maayos ay sumampa na sya sa motor nya kaya sumakay na rin ako.

"Kapit kang mabuti sakin."

Yumakap ako sa bewang ni kuya at agad naman nyang pinaharurot iyon paalis. Ilang minuto lang ay nakarating kami kina Aica. Nasa gate na sya at naghihintay.

"Hi Aica! Good morning!" Si kuya.

"Hello kuya Khian, morning din. Liyah good morning." Aica.

"Morning."

"Ihahatid mo na sya kuya Khian?" Tanong ni Aica.

"Oo sana. Pahatid ka na lang din kay Dwayne. Nandyan ba sya?"

"Oo. Tawagin ko lang magpapahatid na lang din ako." At pumasok na sya sa loob para tawagin si kuya Dwayne. Maya maya lumabas na sila.

"Hey bro, watsup?!" Bati ni kuya Dwayne kay kuya.

"Watsup mo mukha mo. Ihatid natin sila, karera tayo." Sagot ni kuya sa kanya.

"I like that bro." Tumango-tango pa sya habang nakahawak sa kanyang chin.

Natawa na lang kami ni Aica kay kuya Dwayne. Lakas ng trip nito.

"English ka ng english. Mukha mo gawin kong ipis." Kuya

"Wag naman. Sayang yung kagwapuhan ko nyan eh."

"Tara na nga."

"Kunin ko motor ko."

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now