Chapter 28

1.9K 72 18
                                    

Vincent's POV




Fvck! Tang'na! Bakit ko ba ginawa yun? Anong mukha ang ihaharap ko kay Keesha? Baka layuan nya ako dahil sa ginawa kong yun! Shit! Pero di ko yun pinagsisisihan. Nung nakita ko na accident silang nagkiss ay nakaramdam ako ng selos. Kaya naman nung tumakbo sya paalis doon ay sinundan ko sya. Hinintay ko syang makalabas ng banyo at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko sya. Pagkatapos ko syang halikan ay sinabi kong hindi ko yun pinagsisisihan at umalis na. Pumunta ako ng secret place namin. Nadaanan ko pa si Nash nun at nagsorry sya sa nangyari. Wala naman syang kasalanan eh. Bwisit kasi! Kung ako na lang yung nakasama sa laro.

"Ano na namang iniisip mo dyan Vicente." Putol ni Jhake sa paglalakbay ko sa kawalan.

"Vicente ka dyan. Tumahimik ka."

"Tahimik ka na nga tatahimik pa ako. Ayoko nga!" Buset tong lalakeng to. Porke type din sya ni Aica.

"Ba't ba ang epalog mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Hindi ako epalog no. Epal lang." Nakangisi nyang sabi. Tch!

"Ano ba kasing iniisip mo! Pareho kayo nyang si Nash!" Dagdag pa nya. Napatingin ako kay Nash na tulala lang din sa kawalan. Pero mukhang narinig nya si Jhake kaya humarap sya dito.

"Wala ka na dun." Sambit nya.

"Siguro yung kiss ang iniisip nyo no?! Ikaw Nash slash masungit ay yung kiss nyo ni Liyah! Ikaw naman panget ay nagseselos ka kasi hindi ikaw yung first kiss nya! Boom! Hahaha! Tama ako no!" Hilig talagang mang-asar ng loko.

"Tado ka! Di yun ang iniisip ko bugok!" Sigaw ko.

"Makabugok ka dyan! Bulok!" Bawi naman nya.

"Anong bulok?!"

"Bulok! Kasi di mo maamin sa kanyang type mo sya! Torpe kasi." Nakangisi nyang sabi.

"Hoy! Di ako torpe ah!" Angal ko.

"Torpe ka! Alam mo kagaya mo si Shuu. Torpe din yun eh. Pero umamin lang sya kay Yumee." Anong pinagsasabi nito?

"Sinong Shuu? Pati yung Yumee?" Tanong ni Steeven.

"Ah. Si Shuu! Yung nabasa kong story sa wattpad. Taguan ng feelings ata yung title." Sagot nya. Si Nash ay kunot noong napatingin sa kanya.

"Kala ko naman kung sino. Pero teka. Nagwawappad ka?" Steeven.

"Oo. Masama ba?" Sagot nya.

"Bwahahahaha! Bading!" Kami ni Steeven.

"Oy anong bading?! Nagwawattpad lang bading na?!" Jhake.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora