Chapter 67

1.3K 48 7
                                    

Khian's POV







Pinagmamasdan ko mula sa kinatatayuan ko sina babybunso. Masaya silang nag-uusap ni Clifford. Tama naman siguro ang naging desisyon ko no. Tama na pagiging madamot.

"Ladien! Sayaw tayo!" Aya ni Ira, isa sa kaklase ko sa isang subject.

Wala naman akong magawa ka sinayaw ko na ito. Ayos naman siguro si babybunso. Ladien ang tawag nya sa akin at hindi Khian. Malay ko sa babaeng to.

"What's with your face? Enjoy mo tong gabing to dahil minsan lang to!" Sambit nya

"Enjoy? Ikaw nga dyan halatang may pinagtataguan eh. At ako pa talaga ginamit mo. For sure si Ashton na naman no?" Sagot ko

"Fine, you got me. Nabubwisit ako sa lalaking yun eh. Masyadong malandi-!"

"Ira!"

Nilingon namin ito at kita namin ang galit sa mata nito. Nagseselos na naman ata sakin, sinabi ng magkaibigan lang kami eh.

Hindi ko na ito pinigilan ng hinablot nya ang kamay ng kaibigan ko at umalis. Napailing na lamang ako sa dalawa. Saktong pabalik na ako sa table namin nang makasalubong ko si Kent.

"Khian brother!" Bati nya.

Tinapik nya ang balikat ko. Kita mo to. Kala mo naman magkaedad lang kami tsk tsk.

"Oh baket?" Ako

"Nasaan si KA? Isasayaw ko eh hehehe." Kent

May nahahalata talaga ako sa mokong na to.

"May kasayaw pa. Ayon o-"

Biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko ang ginawa ng isang totoy. Hinalikan nya ng mabilis si babybunso! Aba't!

"What the..." Kent

Mukhang nakita rin nya. Nakita kong naglakad paalis si babybunso. Iniwan ko si Kent at nilapitan ang mapangahas na totoy.

"Fuck, anong ginawa ko?"

Rinig kong bulong nya. Anong ginawa mo? Hinalikan mo lang naman ang kapatid ko! Ampota!

"Loko kang totoy ka ah!"

Agad itong bumaling sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Gago! Nawala lang kami, hinalikan mo na si bbybunso!"

Napakamot pa ito sa batok. Parang nahihiyang bakla tss!

"P-pasensya na kuya."

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now