Chapter 65

1.3K 47 8
                                    

Aliyah's POV






"Ayan iha! You look perfect!" Sambit ng bakla na nag-aayos sa akin.

"Paniguradong ikaw ang star of the night! Bongga!" Sambit naman ng kasama nya.

Andito kami sa kwarto 'ko' sa mansyon ng Ramirez, kina mommy. Medyo nasasanay na rin ako na tawagin silang mommy at daddy. Nasa kabilang kwarto naman sina kuya Cliff at kuya Khian. Ngayon ang araw ng school ball namin. 6:00 pm hanggang 1:00 am.

Wala na sana akong balak na magpaayos kasi dun na lang ako kina Aica kaso pinilit ako nina ahm mommy. Tapos kanina may sumundo sa amin ni kuya sa bahay at dinala na kami rito.

"Salamat po." Sagot ko sa dalawa.

"Wala yan atcheng! Sige na! Isuot mo na yung gown mo dali!"

Hindi ko mapigilang matawa dahil parang mas excited pa sila sa akin. Buti nga mabait sila eh. Hindi gaya nung iba na nag-aayos, sungit.

Pumasok ako sa dressing room. Isinuot ko na muna yung balloon bago yung gown. Nagpatulong na rin ako sa dalawa sa pagtali nung nasa likod ko.

"Oh my gulay! Ang ganda-ganda mo iha!"

Nginitian ko ito at tumingin sa salamin. Wow, ako ba talaga to? Pfft. Napalingon kami sa pinto nang may kumatok dito at bumukas iyon. Si kuya Cliff. Ang gwapo nya sa suot nya. Black tuxedo at kulay red yung necktie nya.

"You're so pretty lil sis. Are you ready now? Khian and I are already done." Nakangiti nyang sambit.

Ngumiti ako at naglakad palapit sa kanya. Hindi pa pala ako nakakapagheels. Hays paniguradong sasakit ang paa ko neto. Humalik ako sa pisngi ni kuya Cliff.

"Patapos na ako kuya. Nasaan si kuya Uno?" Ako

Sakto namang sumilip ang ulo ni kuya Khian.

"Yow babybunso! Ganda natin ah! Yiieeee!"

Napatawa na lang kami ng mahina.

"Bakit kuya maganda ka rin?"

Agad syang sumimangot.

"Joke lang kuya, love you both." Ako

Bumalik ang ngiti sa labi nya at tuluyang pumasok. Kulay gray yung suot nya at kulay red din ang necktie. Ang gwapo ng dalawa kong kuya talaga.

"Isuot mo na tong heels mo cheng at ng makapunta na kayo doon." Sambit ni ate Victoria. Victor ang pangalan nya pero mas gusto nya na Victoria tawag sa kanya.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon