Chapter 55

1.4K 51 6
                                    

Aliyah's POV




Mabilis na lumipas ang mga araw. Sheez bakasyon na namin ngayon. Pero malapit na ang pasukan ulit. Naghahanda kami ng pagkain sa pagsalubong namin sa bagong taon. Yep! New year na agad hahaha. Naalala ko yung sa Christmas party namin, isang pillow na stitch ang nakuha ko. Yung kay Aica naman ay Damit at kay KC ay bag.

Sapatos ang nakuha ni Vincent at Jhake samantalang si Nash at Steeven ay pabango. Niregaluhan pa ako ni Vincent ng relo para daw ilaan ko ang lahat ng oras ko sa kanya psh. Si Nash naman sapatos at gagamitin ko lang daw iyon papunta sa piling nya. Ang corny ng mga mokong!

"Babybunso dalhin mo dito yung carbonara!" Sigaw ni kuya

Binuhat ko yung may kalakihang lalagyan ng carbonara. Yes naman, mas gusto ko ang carbonara kesa sa spaghetti.

"Eto kuya."

Inilapag ko iyon sa mesa namin. Nakita ko ang pasimpleng pagkain ni kuya doon sa macaroni salad. Takaw talaga kahit kelan.

"Oh eto na ang cake." Sambit ni mama.

Buhat nya yung hugis square na cake. Caramel flavor of course! Hahaha.

Sa gitna ay may nakasulat na LLL gamit ang chocolate syrup.

"LLL? " kuya.

"Live, laugh and love! Di ba mama?" Sambit ko

"Mali babybunso!" Kontra ni kuya.

Sinimangutan ko naman sya.

"Ganun yun!" Ako

"Hindi! LLL, pangalan ni mama, Laudese, tapos Ladien poging ako at pandak na ikaw, Liyah. Oh ha! Diba ma yun meaning nyan?" Kuya

"Ayos na sana eh! Anong pandak ka dyan, sipain kaya kita dyan kuya!"

"Hehe, peace yow babybunso. Totoo naman yun eh."

"Hindi kaya! " atungal ko pa.

"Oo kaya! Pareho kayo ni mama, mga pandak bwahahaha!"

"Ma oh!"

"Ah ganun? Sa akin kaya nagmana iyang katangkaran mo." Sambit ni mama.

"Oy hindi ma ah! Mas matangkad nga ako sayo eh oh!" Kuya

"Sus. Kung hindi ka pa pinainom ng cherifer nung maliit ka pa malamang pandak ka ngayon." Mama

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now