Chapter 59

1.3K 43 6
                                    

Aliyah's POV







Lumipas na ang isang linggo, at kanina lang namin nilibing si mama. Wala ng ibang kamag-anak sina mama kaya kaming dalawa nalang ni kuya ang magkasama ngayon. Dumalo rin ang mga magulang nina Aica, KC, at kuya Clifford. Si Vincent kasama yung kapatid nyang babae na nakilala namin ni kuya sa mall.

Si Nash naman at yung kapatid rin nya na babae, pati na rin ang kapatid at ate ni Jhake. Si Steeven ang kapatid nya ang kasama. Dumalo rin sa libing ni mama angmga nagtatrabaho sa Thirs Tea pati ang ibang malalapit na kakilala at ibang kapitbahay.

"Dun muna ako sa kwarto ko babybunso." Sambit ni kuya at pumanhik na sa taas.

Nag-aalala na ako kay kuya. Mula nung maiuwi namin ang katawan ni mama sa ospital hindi sya umiyak. Walang emosyon ang mukha nya at hindi rin sya masyadong kumakain.

Napabuntong hininga na lamang ako at umakyat sa taas. Akmang papasok ako sa kwarto ko nang mapatingin ako sa pinto ng kwarto ni mama. Imbes na pumasok sa loob ng sarili kong kwarto namalayan ko na lang na nabuksan ko na ang pinto ng kay mama.

Madilim. Kinapa ko ang switch ng Ilaw sa gilid. Naglakad ako palapit sa kama ni mama at nangilid na lang ang luha ko ng maalala ko ang masasaya naming napagdaanan.

"Ma..."

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Pinigil ko ang sarili ko na mapahikbi.

Lumapit ako sa may table nya at kinuha ang picture frame kung saan kumpleto kami. Ang liit ko pa nun at tulog. Bata pa si kuya at sya ang may hawak nung camera panigurado. Buhat-buhat ako ni mama at katabi nya si papa.

"Sana bumalik yung araw na kumpleto pa tayo."

Niyakap ko yung at ibinalik rin. Binuksan ko ang drawer ni mama para makita at mahawakan pa ang mga gamit nya. Pakiramdam ko habang hawak ko iyon hawak rin iyon ni mama.

Nakita ko ang iba't-ibang pictures dun. May picture ni mama, ni papa. Meron ding magkasama sila at si kuya.

Napangiti na lang ako kasabay ng pagkalaglag ng isang butil ng luha sa mata ko.

"Bakit ba ang malas ng taon ngayon para sa mga Bautista?" Sambit ko sa sarili ko.

Ibinalik ko iyon at ang diary naman nya ang kinuha.

Unang buklat ko ay picture ko noong bata ako, picture ni kuya noong bata rin sya, picture ni mama at papa ang bungad. Binuklat ko iyon lahat pero hindi ko na binasa.

Hindi lahat nasulatan. Kalahati pa lang ang may sulat. Ibabalik ko na sana iyon ng may mahulog. Agad kong pinulot ang nakatuping papel.

"Kasama ata sa diary ni mama." Bulong ko sa sarili ko.

Napatigil ako sa pagtitingin ng gamit ni mama nang makarinig ako ng ingay sa baba. Ibinulsa ko muna ang papel na napulot ko at ibinalik ang diary ni mama sa lalagyan nito.

"Kuya?"

Dumiretso ako sa baba pero wala namang tao. Tiningnan ko rin ang kusina pero wala din dun. Umakyat ako ulit sa taas at dumiretso sa pinto ng kwarto ni kuya.

"Kuya?"

Kumatok ako ngunit walang sumasagot.

"Kuya? Papasok ako ah?" Sambit ko pa.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now