Chapter 24

1.8K 66 1
                                    

Angelica's POV





Kasalukuyan kaming naghahanda para sa live acting namin ng Cinderella. Nakasuot lang naman ako ng gown na may pagkaviolet samantalang si KC naman ay blue na may yellow. Ako ang gaganap bilang si Anastasia Tremaine. Si KC naman ang gaganap bilang Drizella. Yung isang kaklase naman naming babae ang gaganap na mom namin.

Kami ang mang-aapi kay Liyah. Napaghandaan naman na rin namin to. Iniba nga lang yung story. Yung umpisa ganun pero sa may bandang gitna iba na. Si Jhake yung gaganap na magsusuot ng sapatos kay Cinderella or Liyah at si Steeven naman yung king or tatay ni Vincent/first Prince. Si Nash naman yung ikalawang prince at yung iba naming kaklase ang mga kawal at iba pa. Ang masasabi ko lang ay ang gwapo nilang apat sa suot nila!

Samantalang si Liyah hindi pa tapos. Hindi pa namin sya nakikita. Ano kaya itsura nya kapag sinuot nya na yung gown nyang light blue? Tapos nakapusod pa yung ipit nya, may suot syang gloves, nakasuot ng sandals na color white na may pagkablue, wala kasing glass na mahanap eh, at ang pinakahuli, makikita nila syang walang malaking salamin! Kyaaahh!

Basta excited akong makita sya. Makaasar silang nerd sa kanya pero tignan natin kung ano magiging reaction nila pagka wala yung big eyeglasses nya. Bigay kasi yun ng papa nya nung 7 years old sya at nung mawala yung tatay nya lagi nya ng suot yun.

Aish! Nako! Tignan na lang natin si Liyah. Ang tagal nyang magbihis. Inaayos na ng mga kasama namin yung mga gamit gaya ng curtain kapag kelangang magpalit ng damit or ng place. May mga special effects ring gagawin. Kunwari ay yung magpapalit na sya ng gown kasi nakita nya yung fairy god mother, may itatapat sa kanyang light at isasara yung kurtina para makapagbihis sya at iba pa.

"My gosh! Aica I'm nervous." Sabi ni KC nang makalapit sa akin.

"Uyy grabe ka, ilang beses na natin tong napractice."

"Kahit na! Iba pa rin pag nasa harap ka ng maraming tao no! Pano kapag nagkamali ako? Edi pahiya ako! Madadamay pa kayo." Sya.

"Kalma ka lang girl! Basta, always think positive lang tayo."

"Hayys, thank you beshy." KC.

"Hintayin natin si Liyah. Hindi nya isusuot yung salamin nya ngayon." Sabi ko.

"Talaga? Waaaahh!! I'm so excited to see her! Sabi nya dati diba ipapakita nya sa akin yung face nya without eyeglasses pero di naman nangyari. Aabangan ko sya." Excited eh no.

"Ano kaya magiging reaction ni Prince Vincent at Prince Nash? Baka mainlove sila, hahaha! Charrot lang! Malay mo diba." Biro ko. Prince daw sila ngayon.

"Hahaha! Oo nga." KC.

"Hi girls!" Biglang singit nung istorbo.

"Ano na namang kelangan mo?" Mataray kong tanong.

"Ito naman, ang sungit mo talaga. Nililigawan ka na nga ang sungit mo pa--" agad kong pinutol yung sinasabi ni Jhake.

"Syete ka ang ingay mo!" Ako. Nakatakip yung kamay ko sa bibig nya.

Wala na! Nasabi nya na! Narinig na ni KC! Kasi naman.. Nililigawan na nya kasi ako. Type ko rin sya kaya pumayag ako. Pero kung trip nya lang then let's play. Wala akong pake kung masaktan ako. Kailangan kong gumanti pag ganon.

"Oh my god! Ba't di mo'ko ininform?!" KC

"Daldalito ka kasi!" Singhal ko at tinanggal yung kamay ko sa bibig nya.

"Sorry na baby ko." Tsk! Nagpapacute.

"Kyaaah! Ikaw ah! Di ka man lang nagsasabi." KC.

"Eh ikaw? Ano na kayo ni Steeven?" Tanong ko para maiba naman yung usapan.

"A-ano? W-wala ah!" Umiwas sya ng tingin.

"Weh? Sa pagkakaalam ko nanliligaw rin sya sayo." Biglang sabi ni Jhake na ikinalaki ng mata ko.

"Ba't di ka rin nagsasabi? Yiiieeeee!!" Tukso ko. Sinamaan nya ng tingin si Jhake.

"Buset namang kadaldalan mo! Dun ka na nga! Daldalito kang talaga!" Sigaw nya.

"Hehehe sorry! Peace tayo." Jhake.

"Alis na!" Taboy namin. Humalik pa sya sa pisngi ko bago tumakbo palayo sa amin.

"Ikaw rin ah." KC.

"Pati rin ikaw." Ako. Sabay kaming natawa.

"Hahahaha!"

Maya-maya pa ay may bumukas ng pinto. Napatingin kami doon at may isang babae na nakamaid ang damit. Not literally maid pero parang katulong. Si Liyah! Waaaahh!! Ang ganda nya kahit pangkasambahay yung suot nya! Nakaflat shoe sya na itim at parang luma na tapos may parang apron doon sa bewang nya hanggang tuhod siguro.

Yung damit nya naman lampas tuhod at hanggang siko nya yung sleeves na kulay dark blue. My goodness! Si Liyah ba to?! Wala syang suot na salamin for the second time! (Pangalawang beses ko pa lang kasing nakita si Aliyah without Eyeglasses eh) Halos napatingin sa kanya lahat at napahinto sa ginagawa. Kesyo lang nakasimangot syang pumasok. Hindi nya hawak yung salamin nya.

"Ahm. Hi miss. Mamaya pa po yung start ng show namin." Sabi nung kaklase namin. Gusto ko tuloy matawa kasi di nila sya nakilala.

"Mali po ata kayo ng napasukan." Sabi pa nung isa. Napahagikgik tuloy ako.

"Ay, bat pamilyar yung suot nya?" Bulong pa ng iba.

Syempre pamilyar talaga! Yan yung tinahi nilang damit.

"KC tawagin mo." Bulong ko sa katabi kong nakatingin din kay Liyah.

"Sino? Yan? Di ko nga kilala eh!" Bulong nya rin.

"Tongek si Liyah yan!" Mahina kong sabi. Nanlaki naman ang mata nya

"W-what?! Weh?!" KC.

"Oo nga, kulit!" Ako. Tinignan nya ulit ito ng mabuti saka sumigaw.

"Oh my gosh! Sya nga! Aliyah!" Tili nya. Agad kaming lumapit dito.

"Grabe! Di kita nakilala. Ang ganda mo pag wala yung big eyeglasses mo. Dapat ganyan ka na lagi. Tignan mo oh. Tulaley sila haha." Bulong nya. Nakatingin pa kasi sa kanya yung iba na parang di makapaniwala.

"Kainis yung Erwin na yun! Tinakbo yung salamin ko! Galing pa yun kay papa!" Kaya siguro nakasimangot.

"Ano ka ba. Ibabalik din nya yun. Ayan na sya oh." KC. Tumingin kami doon at nakita namin si Erwin na hinihingal.

"Hi Aliyah! Ang ganda nya no!" Sabi nya sa mga kaklase namin na sinang-ayunan naman nila.

"Oo nga! Di nga namin nakilala eh!" Sabi nung isa.

"Uyy balik mo na yung salamin ko kasi!" Aliyah.

"Mamaya na! Pagkatapos nung role play natin. Promise, di ko to iwawala." Hawak nya yung salamin ni Liyah.

"Siguraduhin mo lang." Liyah. Saka sya bumaling sa amin.

"My goodness! Grabe ang ganda mo Liyah! " sambit ni KC.

"Nako! Wag mo aking bolahin KC ah!" nahihiyang sabi naman ni Liyah.

"Bola daw hahahaha! " KC

"Di sya nambobola Liyah. Totoo kaya!" sagot ko naman.

Napailing na lang sa amin si Liyah. Hahahaha ayaw nya maniwala. Pero swear! Ang ganda nya. Mana sa akin ang bestfriend ko. Charot!



















•Vote if you want, and I would really appreciate it if you leave some comment :>>





She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now