Chapter 70

1.1K 39 7
                                    

Aliyah's POV






Masakit ang katawan ko ng magmulat ako. Ilang araw na ba akong nandito? Dalawa? Tatlo? Ewan. Alam kong may pasa ang gilid ng labi ko. Ilang beses ka bang sampalin ng tauhan ng kinginang mayor na yun. May time ding binugbog ang katawan ko putcha.

Mabuti at medyo mabait si Frid. Sinasagip nya ako sa kamay ng tauhan ng demonyong mayor. Nangilid ang luha ko sa kagustuhang makauwi na.

"Kumain ka muna Cleiyah." Boses ni Frid.

May dala syang pinggan. Lumandas ang luha sa pisngi ko.

"F-Frid... Pakiusap t-tulungan mo akong makatakas dito."

Malungkot nya akong tiningnan.

"Kung kaya ko lang ginawa ko na. Pero maraming bantay si mayor. At nasisiguro ko na hindi ka makakalayo dito kahit makatakas ka man." Sambit nya.

Napahikbi na ako.

Nalaman kong sinusunod nya ang mayor dahil sinabi nitong ipapagamot nito ang kapatid pagkatapos ng eleksyon. Isa o higit pang buwan bago mangyari iyon.

"Sige na please? P-pangako, ako mismo ang magpapagamot sa kapatid mo. Lahat... Lahat ng gastusin akong bahala. May ari sina mommy ng ospital at alam kong kayang gamutin doon ang sakit ng kapatid mo." Desperado kong sambit.

Umiwas sya ng tingin at bumuntong hininga.

"P-patawad. Wala talaga akong magagawa." Sya

Mas nawalan ako ng pag-asa na makatakas. Sana mahanap na nila ako. Miss ko na sila.

Ilang araw na rin ang gown kong suot at bahagya na itong nasisira. Pati na rin ang buhok kong magulo na at alam kong marumi na rin ang mukha at ibang katawan ko.

"Hey."

Pareho naming nilingon ni Frid iyon.

"My gosh! I can't believe I'll do this. Come on Frid I have a plan." Sambit ni Lyka.

"Anong plano?" Frid

Inirapan sya ni Lyka at bahagya pang lumapit sa amin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiwi sya.

"I have a plan on how can you get her out of here."

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Talaga? Tutulungan mo sya? Baka naman plano mo lang yan at ilalaglag din kami. Anak ka ni mayor-"

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now