Chapter 30

1.9K 59 2
                                    

Angelica's POV





Hindi ako makaget over kanina nung tinawag ni Jhake si kuya na KUYA. Hahaha! Kung nakita nyo lang yung mukha ni kuya ang epic! Sira ulo kasi yang Jhake na yan. Hindi pa pala alam ni kuya na nililigawan na ako ni Jhake. Ewan ko ba. Sabi ko never ako magkakagusto sa kanya pero anong nangyari? Failed yun. May gusto na ako sa kanya ngayon. Nandito nga pala kami sa garden at kumakain nga mga chitchirya. Isang oras ang vacant namin dahil wala daw si Mrs. Corpio.

"Oh ano ng gagawin natin dito? Kakain lang ganun?" Tanong ni Liyah. Sus! Sya nga nakaubos nung dalawang V-Cut. Pangatlo nya na yang kinakain nya.

"Edi mag-isip tayo ng magandang gawin." Jhake.

"Sige. Isip na kayo." Steeven.

"Taguan na lang." KC. What the?

"Pambata!" Vincent.

"Taya-tayaan." KC ulit. Haha!

"Mas lalo!" Sabi ko.

"Alam ko na! Kasal-kasalan na lang! By partner!" Biglang sabi ni Jhake. Napatingin kami sa kanya.

"Seriously? Magkakasal-kasalan tayo dito? Parang tanga lang." Steeven.

"Ayaw nyo? Si Vincent ang pari." Hahaha!

"Anong ako? Ikaw!"

"Hahaha! Oo nga tutal ikaw naman ang naka-isip nyan." Singit ko.

"Edi wala kang kapartner." Sya.

"Nandyan naman si Nash or Vincent." Pang-aasar ko. Haha. Walang basagan ng trip! Kumunot yung noo nya.

"Wag na nga lang!" Uyy selos sya.

"Hahaha! Pikon! Yan kasi! Kasal-kasalan ka dyan." Vincent.

"Edi wow! Basta akin ka lang." Sambit ni Jhake at naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

"Uyyy! Namumula si Aica!" KC.

"H-hindi ah!" Umiwas ako ng tingin.

"Yiiieeee, kinikilig ka babe?" Jhake.

"Tse!"

"Hahaha! Yun pa lang kinikilig ka na, paano pa kaya kung iba pa?" Nakangising sabi nya.

"Tumahimik ka nga! Pag di ka tumigil tatawagin ko si Frick." Yun yung kumakausap lagi sa akin sa room. Kakilala ko lang sya.

"Wag mo na nga kausapin yun!" Jhake.

"Paano kung ayaw ko?" Pang-iinis ko pa. Bawian lang to men haha.

"Ah ganun? Pwes para malaman nyang akin ka at pag-aari ka ng isang Mercado, me-mercado-han kita gamit ang matamis at malambot kong labi." Natahimik ako sa sinabi nya at literal na uminit ang buong mukha ko. Kumindat pa sya at naglip bite! Syete! Oo na kinikilig ako! Ang hot nya taena!

"Woah!! Boom! Hahahaha! Ang pula ng mukha mo Aica!" Sabi ni KC.

"Kinilig sya, hahaha!" Jhake.

"Kim Darcee Sanchez, tandaan mo na lagi lang akong evaristo para sayo." Steeven kay KC. Bigla syang namula sa biglaang banat ni Steeven.

"Yun oh! Hahaha! Eh kayo?!"

"Ahm... Pangako kong--" pinutol ni Jhake yung sinasabi ni Vincent.

"Ang pangako, napapako!" Oo nga naman.

"Edi ibahin!" Vincent.

"Hahaha! Ano na?!" Excited masyado tong lalakeng to!

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon