Chapter 46

1.6K 53 3
                                    

Aliyah's POV



"Alisha!"

Napatingin ako sa likod at nakita kong tumatakbo si Nash papunta sa direksyon ko. Papasok na ako sa gate ng FU ngayon eh. Hindi ko kasabay si kuya dahil mamaya pang ten ang pasok nya. Hindi na rin ako nagpahatid.

"Oy Nash. Morning. " bati ko nang makalapit sya.

Ngumiti sya at ginulo ang sariling buhok.

"Magandang umaga rin. By the way, I'm sorry about yesterday again. Kailangan talagang alagaan ang kapatid ko eh." Nash.

Sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa classroom namin.

"Ayos lang ano ka ba. Besides nakasabay ko naman si panget so no worries." sambit ko.

"Panget? You mean, si Vincent?" Sya

Tumango ako.

"Yepp. Nagkita kami doon. Bibili rin ng materials nila ni Lyka. Hmm iniwan daw nya si Lyka sa isang store kasi naiinis saw sya pft. At ayun basta nagkita kami tapos sabay na lang na bumili." ako

Napahinto ako sa paglalakad nang tumigil sya. Nilingon ko sya habang nakakunot ang noo. Masama ang tingin nya sa akin. Problema nya?

"Tsk. I told you to go home." sya

Napataas ang isa kong kilay.

"Oh bakit? Ayos naman na ah. Nakabili na ako at maayos naman ang mga pinili kong gagamitin natin."

"That's not what I meant."

Sinimangutan ko sya. Daming arte naman!

"Eh ano?" ako

"So magdamag kayong magkasama kahapon ni Vincent? Ilang oras ang ginugol nyo sa pamimili? May iba pa ba kayong ginawa after nyong- damn! Tara na nga!"

Nagmartsa sya agad paalis. Sumunod na lang ako habang naguguluhan pa rin. Adik na ba tong si Nash? Psh.

Sumalubong agad si Aica at KC sa akin pagkapasok ko ng room.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon