Chapter 57

1.4K 48 3
                                    

Aliyah's POV





"Swerte naman ni kuya Khian mo Liyah girl! May pasurprise sa birthday ha!" KC

Nasa canteen kami ngayon. Syempre lumalamon hehe. Wala yung lecturer namin kaya dito na kami tumambay. At sinabi ko na rin sa kanila yung plano ko para sa birthday ni kuya. Nagpatulong na rin ako sa kanila. Mamaya kakausapin ko na lang si mama at solve na.

"Grabe, nagbibirthday pala yun? Bwahahaha!" Vincent

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Sumbong kita kay kuya Khian! Nako minus point ka dyan!" Aica

Tumigil sa pagtawa si Vincent at tumikhim.

"Ano bang bagay ang gusto ni kuya Khian?" Vincent.

"Sus! Makakuya Khian eh."

"Manahimik ka dyan Jhake. Parang di mo rin tinatawag na kuya yang kuya ni Aica babe mo."

Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Aica dahil sa pagsabi ni Vincent dun sa 'Aica babe'. Pfft, kilig eh hahaha!

"Binabawas-bawasan ko na pagtawag ko sa kanya nun no! Baka mamaya eh tuluyan na syang humadlang sa aming pag-iibigan ng aking sinisinta." Jhake

Napatawa kaming lahat sa table. Mas malakas nga lang yung kay Vincent.

"Nakakasuka ka tol! Di bagay sayo! Hahaha!" Sambit nya pa.

Nalukot naman ang mukha ni Jhake.

"Kapag ikaw nainlababo ganyan ka din!" Jhake.

"Bobo, in love naman na ako pero di ako ganyan!" Sagot sa kanya ni Vincent.

Napatigil ako sa pagsubo. Potakte na makati. What the fudging fudge?

"Uyy! Umamin na rin na inlababo kay Liyah!" Aica.

"Congrats pre, nalampasan mo na yung pagiging in denial mo at pagiging torpe!" Steeven

Sinamaan nya ito ng tingin na tinawanan lang ni Steeven.

"Eh ikaw Nash?"

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now