Chapter 11

2.2K 71 0
                                    

Aliyah's POV




Breaktime na namin kaya agad kaming tumayo at lumabas para bumili sa canteen. Kasama pa rin namin yung apat. Pati rin pala si KC. Pagdating namin sa may canteen ay ang daming tao. Parang may artistang nandoon.

"Ba't ang daming tao?" Tanong ni KC.

"Oo nga. Usually kapag ganitong time maayos silang kumakain." Ako.

"Ang kakaiba lang puro mga lalake ang nagkakagulo." Aica.

"Oo nga eh. Ano kayang meron--oh my gosh!" Nagulat kami dahil sa sinabing yun ni KC.

"Hala sya. Nakakita ng gwapo? Napa oh my gosh ka pa." Biro ni Aica.

"No not that. Look si Dawn!" Parang may kakaiba sa kanya. Yung feeling na sobrang saya nya but kulang yung word na yun to describe her feelings.

"Who's Dawn?" Si Aica.

"Hindi nyo pa sya kilala? Duh! Famous kaya sya dito. She's the queen bee here in FU." Nagulat na naman kami sa pagsagot nya. May bahid ng kaartehan. Like duh!

"Bakit parang gusto mong makasama sila." Biglang singit ni Nash. Masyadong seryoso yung face nya. Naalala ko na naman tuloy yung warning nya.

"H-huh? W-what do you mean?" KC. Oh kitam, nagbago na naman yung mood nya. Or should I say yung kilos nya. Ngayon para syang kinakabahan.

"Kita mo oh. Nakita mo lang sya parang nag-iba na aura mo. Kanina okay lang pero nung nakita mo sya mas lalong naging okay yung mood mo " si Nash.

"W-wala lang. Gusto ko lang talaga kasi sila eh." KC.

"Really? Baka naman may iba pa." Anong pinagsasabi nito?

"Anong ibig mong sabihin?" KC.

"Never mind. Tara na nga." Nauna syang pumasok kaya sumunod kami sa kanya.

"Grabe naman yun. Masyadong seryoso no." Aica.

"H-hayaan na lang natin. Baka badtrip lang." Sagot naman ni KC.

Pumasok na rin kami sa loob. Nakipagsiksikan pa nga kami eh badtrip. Sa wakas nakapasok na kami at naka-upo.

"Hayys grabe! Siksikan talaga." Aica.

"Oo nga. Buti naman at may pagkain na." Si KC. Bumalik na sya sa normal.

"Wow! Sinong nanlibre!?" Masayang tanong ko. Yeah men kapag libre wag ka ng tumanggi. Baka ika'y magsisi sa huli.

"Kaming tatlo. Pasalamat kayo mabait kami." Si Jhake.

"Oh, edi thank you." Sabi ni Aica at nagsimula na akong kumain.

Sumabay na rin sila sa akin at kumain na rin. Maya-maya pa ay ubos na yung drinks ko. Ano ba yan. Bitin ako. Kaya naman tumayo ako at nagpaalam na bibili ng drinks. Lumapit ako sa may parang counter at umorder ng juice. Yung pineapple flavor. Nakalagay lang sya sa baso kaya dinala ko na. Habang pabalik na ako sa pwesto namin..

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang