Chapter 38

1.8K 59 2
                                    

Aliyah' POV




"Good morning ma!" sambit ko pagkababa saka humalik sa pisngi ni mama at naupo na.

"Good morning din anak. Kain na." mama.

"Morning babybunso." kuya.

"Oh yow kuya."

Naglagay ako ng pagkain sa plato ko. Na-upo na din sa mama at sabay-sabay kaming kumain. Habang kumakain ay nagbabangayan kami ni kuya. Naiiling na lang si mama kasi sanay na sya. Oh well hahaha. Lagi kaming ganto eh.

"Ma! 'Lam mo yang si babybunso mas gwapo nya pa yung Clifford kesa sakin. Ako tong kuya mo tapos ganyan ka sakin hmp!" parang batang atungal ni kuya. Dinamay pa si kuya Clifford ah loko talaga.

"Ewan ko sayo kuya! At pano naman nasali si kuya Clifford sa usapan aber!"

"Eh sa gusto ko idamay yun eh! Kita mo na ma? Tsk tsk wag mo na bigyan ng baon yan!" Kuya

Pinandilatan ko ito ng mata.

"Kapal mo! Ikaw ang wag bigyan ng baon hmp!"

"Nako, magsitigil nga kayong dalawa at kumain na lang. Pareho ata kayong di nakainom ng gamot nyo." Mama

"Anong gamot ma? " ako/kuya

"Gamot para dyan sa utak nyo. Abnormal na ata kayong dalawa."

Ngumuso kami ni kuya.

"Grabe ka naman ma! Kung si kuya abnormal ayos pa!"

"Hoy! Tong babybunsong to! Di mo ba ako love ha? Mas love mo yang Clifford na yan?" kuya

Pigil ko ang matawa. Baliw! Hahaha! Hay nako kuya! Ano kayang magandang gawin sa ugali mong yan pfft.

"Tsk tsk. Clifford ka ng Clifford, Khian ah. Sino ba yan? Wag nyo sabihing nobyo mo iyan Liyah?"

Muntik akong mabulunan. Si kuya naman ay humagalpak ng malakas. Wengya! Nobyo ko?!

"Mama naman! Kuya Clifford nga po diba! Nobyo ko? Napaka-imposible po mangyari yan ma!" ako

"Hahahaha! Ayan kasi eh Clifford pa!" Kuya

"Aba! Ikaw nga tong nagdadamay sa kanya!" Sagot ko

"Si Clifford Ramirez ma. Anak ng may ari nung school namin." kuya

Nakinig lang ako sa kanila pero ang buong atensyon ko ay nasa pagkain. Habang nag-uusap pa sila kainin ng ang pagkain. Para pagkatapos nila ubos na din. Hahaha char.

"Clifford Ramirez?" mama

"Opo ma. Tch. Tong babybunso na to mas gwapo daw yun kesa sakin. Sus!"

Tinignan ko si kuya saka sumimangot.

"Paulit-ulit ka kuya. Kumain ka na nga lang dyan!"

Ngumuso si kuya saka bumulong ng kung ano-ano. Hayst abnormal talaga, nako!

Tinuloy na namin ang pagkain namin. Syempre di tatagal yang abnormal kong kuya ng hindi nagdadaldal at kung ano na namang pinagsasasabi tsk. Si mama naman ay tahimik lang na kumakain. Tinapos ko na ang pagkain ko saka nagpaalam na. Dun na kami magkikita nina Aica sa room. Si kuya naman mamaya pa pasok nya. Di na ako magpapahatid at baka ano na namang idaldal nyan hmp.

"KA!"

Papasok pa lang ako sa may gate nang magkasalubong kami. Sino pa ba? Si Kent.

"Uyy! Good morning! " bati ko

She's Not Just A Nerd! (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن