Chapter 26

1.9K 65 4
                                    

Aliyah's POV





Kahapon lang yung ginawa naming play at buti naman successful. Marami ring bumati sa amin dahil ang galing daw. Si kuya naman proud na proud. Ipinagsigawan ba naman na kapatid nya ako habang umaarte kami. Pero natouch naman ako. Balik sa dati na pala ngayon. Suot ko na naman yung salamin na bigay sa akin ni papa nung seven years old pa ako at talaga namang iniingatan ko yun.

Andito kami sa isang room dahil may palaro. Kasama namin yung apat. Yung laro dito ay may nakaipit na hugis puso sa may hindi kataasan. By pair yung laro nila, lalake at babae. Hihilain nila yung hugis puso doon pababa gamit yung bibig nila. Kumbaga side by side. Para tuloy kayong nagkikiss nung partner mo. May tatlong partner ang maglalaban doon.

"Sama tayo dyan sige na! " Pag-aaya ni KC.

"Wag na." Sabi ni Aica.

"Sige na! Ang KJ mo. Tara!" Hindi na kami nakapalag dahil hinila na nya kami doon.

"Bunot po kayo dito." Sambit nung babae habang nakangiti. Bumunot naman si KC at Aica kaya bumunot na rin ako.

"Anong number mo?" Tanong ni KC.

"Secret." Aica.

"Damot. Ikaw Liyah?" KC.

"Secret din. " Sagot ko.

"Kayo na lang po sa boys." Sabi nung babae kina Jhake. Nagkibit balikat lang sya.

"K. Try lang natin. " bumunot na si Jhake at Steeven. Sumunod naman si Nash. Akmang bubunot si Vincent nang magsalita yung babae.

"Sorry po. Hanggang tatlo lang po ang kasama." Sabi nung babae.

"Ano? Andaya!" Reklamo nya na parang bata.

"Hahaha! Kawawa ka naman. Manood ka na lang doon sa gilid!" Pang-aasar ni Jhake.

"Sinong number 2 sa inyo?" Tanong ni Steeven.

"A-ano? Tayo ang partner?" KC. Kunyari pa eh namumula naman haha.

"Sino namang number 1?" Tanong ni Jhake. Napatingin ako kay Aica.

"E-eh?" Aica.

"Shet! Ang swerte ko talaga! Partners tayo babe. " Kumindat pa sya.

"Babe mo mukha mo. " Kahit kelan talaga masungit pa rin. Napatingin ako kay Nash at medyo nabigla ako dahil nakatingin na sya sa akin.

"Ikaw partner ko?" tanong ko kahit na halatang sya naman talaga dahil may partners na yung dalawa. Nagkibit balikat sya at pinakita yung number nya. Pareho kami.

"Okay pwesto na po sa harap." Sabi nung babae.

"Tara na babe!" Jhake.

"Wag ka nga!" Aica. Pumunta na kami sa may tabi nung heart na nakaipit.

In-explain nung babae ang gagawin namin. Paunahan lang ang laro. Ang unang makapaglagay ng dalawang heart sa may box na nasa dulo, katapat lang nung mga heart ang syang panalo. Syempre may premyo din.

"Ready... Start!"

Dali-dali naming inilapat yung labi namin sa magkabilang side nung heart. Hinila namin yun pababa saka dahan-dahang naglakad palapit doon sa may box. Sa likod kami at sa harap naman yung box. Nang maihulog yun ay agad kaming tumakbo para sa isa. Mababaw lang yung laro pero maraming kinikilig dahil pwede mong makapartner yung taong gusto mo. Kung suswertehin ka.

Medyo kinakabahan pa ako. Ewan ko kung dahil sa mga nanonood o dahil masyado kaming malapit ni Nash. Inilapat ulit namin yung labi namin sa magkabilang side nung heart para hilain iyon. Nang hilain na namin iyon pababa ay nanlaki ang mata ko dahil hindi sumama yung heart shape dahilan para maglapat yung labi namin! What the eff! Y-yung first kiss ko!! N-nakuha nya! Shemay!







Angelica's POV





Oh my G! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalaro kami. Para kasi kaming nagkikiss. Anong klaseng laro kasi to. Kung hindi lang kami hinila ni KC naku! Malayo pa yung box na paghuhulugan namin. Sina KC at Steeven yung nangunguna. Kami pangalawa at pangatlo sina Liyah. Kinakabahan din ako dahil hindi maayos yung heart shape. Parang mahuhulog na kung lalakad pa kami.

Naramdaman kong ngumisi bigla si Jhake. Syete tong lalakeng to! Malapit na ngang mahulog tong heart nagagawa pa nyang ngumisi! Sisipain ko to pagkatapos ng laro! Bwiset!

Bigla naman nyang idiniin yung labi nya sa heart na nasa labi ko rin. Syotang lalakeng to! Sinamaan ko sya ng tingin. Nang tumingin ako kina Liyah ay literal na nanlaki sa gulat ang mga mata ko dahil sa nangyari. What! The! Fudge! Hinila nila pababa yung heart pero hindi yun sumama kaya naglapat yung mga labi nila! Oh my gosh!! Nakuha ni Nash yung first kiss ni Liyah!!

Nakalimutan kong nasa laro pala kami at nung titili sana ako ay nahulog yung heart shape dahilan din para yung labi ni Jhake lumanding sa akin... What the hell!!! A-ano yun?! Napahawak ako sa labi ko habang gulat na nakatingin kay Jhake na halatang nagulat din sa nangyari. Y-yung first kiss ko din! M-mama!!







Aliyah's POV




Nakatingin ako kay Nash habang gulat pa rin sa nangyari. Pati sya ay halatang nagulat din. Shet! Bakit nangyari yun! Good girl naman ako ah! Huhuhu.. Pag nalaman to nila kuya aasarin lang ako nun!

"A-ah.. A-ano. C-CR muna ako!"

Agad akong tumakbo palabas doon papuntang cr. Nang makapasok ako ay inilock ko yung pinto ng CR. Sumandal ako saglit doon at malakas na bumuntong hininga. Naglakad ako papuntang salamin at tinitigan ang sarili. Sheez. Napahawak ako sa labi ko. Kahit isang segundo lang yun parang nararamdaman ko pa rin yung labi nya sa akin. What the.. Ano ba tong iniisip ko?

Umiling iling ako para mawala yun sa isip ko. Tinanggal ko yung suot kong salamin at mas tinitigan ang sarili ko. Naghilamos ako ng konti at pinunasan ang mukha bago ko isuot yung salamin ko at lumabas. Nagulat pa ako dahil nakita kong nakasandal si Vincent sa tapat ng pinto ng CR at seryosong nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang tao. Abala siguro sa mga booths at palaro. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"M-may kailangan ka?" Tanong ko na pilit ginagawang normal ang boses ko. Umalis sya sa pagkakasandal nya doon at dahan-dahang lumapit.

"Meron." Seryoso nyang sagot. Napaatras naman ako.

"Ano yun?" Tanong ko. Pilit pa ring pinapakalma ang sarili. Pinigilan kong manginig ang boses ko. Nakita nya?

Pasimple kong nahigit ang aking hininga nang pader na ang nasa likod ko. Syotang kinalbo anong gagawin nya! Mas dumoble ang kaba ko dahil nakalapit na sya.

"A-ano bang kelangan mo panget?" Pinilit kong gawing normal ang boses ko para di nya mahalata na kabado ako. Walangya! Sheez! Ang seryoso nya ngayon masyado!

Pero hindi sya sumagot. Seryoso pa rin ang mukha nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

Nagulat pa ako ng hinawakan nya ang chin ko pero mas nakakagulat nung inilapit nya yung mukha nya sa akin! Nanigas ako sa kinakatayuan ko ng naramdaman ko ang labi nya sa akin... What the fudgee bar! Yung second kiss ko naman!!



















•Vote if you want, and I would really appreciate it if you leave some comment :>>

Love a lots! <33






She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now