Chapter 52

1.4K 52 3
                                    

Aliyah's POV







Dalawang linggo na ang lumipas mula nung nabaril si mama. Hanggang ngayon ay hindi pa kilala kung sino ang bumaril sa kanya at patuloy pa rin sina kuya Clifford sa paghahanap. Tumulong na rin sina Nash. Nakakalimutan kong gangster nga pala ang mga iyon at may koneksyon na magagamit tss.

Sa loob ng dalawang linggong iyon ay nagising na si mama. Nakakarecover na rin sya. Makakalabas na raw sya sa hospital pagkatapos ng dalawa pang linggo. Titingnan raw nila ang kalagayan ni mama para masiguro na walang anumang importanteng parts sa katawan nya ang natamaan ng bala.

"Mama alam mo bang si babybunso may manliligaw na."

Watdapak! Tiningnan ko ng masama si kuya. Sabing sasabihin ko kay mama kapag nakalabas na sya eh! Wengya talaga to si kuya!

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ano ang pangalan niya?" Tanong agad ni mama.

Si kuya tatawa-tawa naman sa gilid. Walangya!

"Mama hindi nya, NILA yun ma. Dalawa manliligaw nya. Haba ng buhok eh putulin ko nga." Sambit ni kuya

"Manahimik ka nga kuya! Ang epal mo talaga kahit kelan!" Singhal ko dito.

Nilabas nya lamang ang dila nya na mas nakapagpaasar sa akin. Minsan talaga ang sarap sapakin ni kuya eh.

"Sino iyon ang mga iyon Aliyah? Baka mamaya mga tambay ang mga iyan ha. Baka may mga bisyo. Tagasaan sila? Anong trabaho ng kanilang magulang? Nag-aaral pa ba sila? Ilang taon na nila?" Sunod-sunod na tanong ni mama.

Napahalakhak naman si kuya. Malamang tinatawanan nyan yung tambay o may bisyo.

"Ma mga totoy yun! " kuya

Mas sinamaan ko sya ng tingin.

"Wala naman po silang bisyo ma. At di po sila tambay. Ahm dun din po sila nag-aaral sa F.U at k-kaklase ko po. Nakita nyo na po sila." Sagot ko kay mama.

Sakto naman na bumukas ang pinto ng kuwarto ni mama. Pumasok doon yung dalawa at may dala pang mga basket. Yung hawak na basket ni Nash may lamang mga chocolates. Yung kay Vincent naman may papel sa ilalim at yung laman cupcakes. Sheyt, di naman siguro kakainin ni mama yung mga yun diba.

"Nays! " kuya

Agad syang tumayo at kinuha iyong dalawa ng dalawa. Kapal ng mukha ni kuya ah! Kala mo naman para sa kanya yun hmp.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now