Chapter 45

1.6K 52 7
                                    

Khian's POV





Paikot-ikot na ako dito sa loob nitong mall pero di ko pa rin makita si babybunso. Napakamot na lang ako sa ulo ko habang inililibot ang paningin.

"Saan ka na ba kasi babybunso! Baka talagang nakipagdate ka na nyan nako lang! " pagkausap ko sa sarili ko.

Medyo pinagtitinginan din ako ng iba. Marahil napapansin nila na kanina pa ako pabalik-balik.

Hanggang sa isang babae ang lumapit. Ngumiti ito ng--- ewan ko kung nagpapacute ba to o ano.

"Hi? Ahm nawawala ka ba kuya? Gusto mo---" sya.

Agad ko itong pinutol.

"I'm not lost. Kilalang-kilala ko ang lugar na to. May hinahanap ako kaya kung ano mang sinasabi mo salamat na lang. "

Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko agad ang babae. Tch, babybunso kasi!

Wala akong nagawa kundi maglibot-libot na naman. Kanina ko pa sinusundan si babybunso. Bumili lang ako saglit ng ice cream at pagbalik ko nakita ko agad na may kasama na syang lalake na pumasok sa national bookstore.

Syempre di na ako pumasok doon at baka mahuli! Yari tayo neto at baka kung ano sabihin kay mama. Pasimpleng sunod lang para alamin kung bibili nga ba ng mga gamit sa project daw nila o makikipagdate talaga. Ang kaso di ko na sila nasundan kasi ang tagal nila lumabas doon at kelangan ko umihi. Pagbalik ko ayan! Wala na sila!

Wengya ka naman Khian oh! Kay gwapo mong nilalang!

Hindi na ako pumunta kay Dwayne. Tinext ko na lang sya at sinabing may kailangan akong imbestigahan bwahahaha! Panigurado na nakikipagdate na yang si babybuns----

"Where the hell are you kuya?! I swear! Susumbong kita! "

Eh?

Napatingin ako sa may gilid at nakita ko ang isang batang babae na nakabestidang kulay asul na may disenyong mga bulaklak na kulay puti naman. Kung pagbabasehan ko sa itsura nya siguro nasa mga sampu pataas ang taon nito at mukhang nawawala.

Kung sya hinahanap nya kuya nya ako hinahanap ko kapatid ko.

"Excuse me, do you know where's my brother? " bata

Nakalapit na pala sa akin at aba! English ah! Baka akala mo, mahina ako sa english hmp. Syempre joke lang hehe.

"Tingin mo kilala ko kuya mo bata?" Sagot ko rito.

Wag nya akong englishin dito. Di ko pa nga nahahanap ang babybunso ko hmp.

"I'm just asking lang naman po eh." Bata

Abay sumagot pa!

"Pasensya bata, pake ko sa kuya mo. May hinahanap din ako. Kilala mo ba si Liyah? "

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now