Chapter 19

2K 64 4
                                    

Aliyah's POV





Kakatapos lang namin kumain ni kuya at nagpahinga kami saglit doon bago umalis. Naglakad-lakad kami para maningin ng kung ano-ano.

"Ano, saan tayo ngayon?" Kuya.

"Ewan ko. Saan ba maganda?"

"Aba malay ko, kaya nga ako nagtatanong sayo." Pabalang nyang sagot kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Sa National Bookstore na lang tayo." Ako.

"Tara na." Pumunta kami sa NB.

"Anong bibilhin natin dito?" Kuya.

"Malamang libro. Alangan namang chocolate." Sarcastic kong sabi. Ngumuso na naman sya.

"Grabe ka sa akin babybunso ah. Tinanong ko kasi may iba pang pwedeng bilhin dito. Gaya na lang ng lapis. O kaya naman mga notebook. Pwede ring ballpen at iba pa--"

"Oo na, daming sinasabi." Putol ko sa sinasabi nya.

Nagpout na naman sya. Pumasok na kami sa loob at tumingin na ako ng libro. Ano kayang magandang basahin? Hanap lang ako ng hanap hanggang mapunta ako sa mga wattpad books. Nasabi ko na ba na mahilig ako sa wattpad? Ngayon alam nyo na.

Tumingin ako ng mga wattpad books at ayun! Stay Awake Agatha na lang pinili ko. Nabasa ko na to sa wattpad app pero gusto ko sa libro naman. Bumalik ako sa books na educational. Pumili ako ng dalawa at hinanap ko na si kuya.

"Kuya. Bayaran na natin to." Pinakita ko yung libro na napili ko. Mga libro pala.

"Ano yan? Educational books tapos... Uyy wattpad book?!" Pinakita pa nya yung Stay Awake Agatha na libro.

"Bakit bawal?" Ako.

"Nabasa mo naman na to sa wattpad app eh!" Kuya.

"Oh ano ngayon?"

"Wag na to!" Biglang sabi nya.

"Isama mo na!" Pilit ko.

"Hindi na! Tapos mo naman na itong basahin." Bigla akong sumimangot at nagpout pagkatapos ay naglakad palayo sa kanya.

"Uyy joke lang babybunso! Halika na bayaran na natin." Bawi ni kuya.

"Yes! Thanks kuya!" Lumapit ako at kiniss sya sa pisngi nya.

"Kung hindi ka lang malakas sa akin." Kuya.

Pumunta kami ng counter at binayaran iyon. Pasulyap-sulyap pa yung babae na nag-aasikaso doon sa mga libro na napili ko kay kuya. Tatlo lang yun pero ang tagal ilagay sa plastic bag.

"Miss, tapos na po ba? Nagmamadali po kasi kami." Agaw pansin ko.

"Ayy, sorry po ma'am." Babae.

Nang makuha ko na yung mga libro KO lumabas na kami ni kuya.

"Taray ni babybunso." Kuya.

"Ang tagal kasi nyang ilagay sa plastic. Ikaw kasi." Sagot ko.

"Oh bakit ako ang may kasalanan? Ako ba yung babae?" Tanong nya.

"Masyado ka kasing gwapo!" Sagot ko na medyo pasigaw.

"Ayiieeee! Gwapo daw ako." Sinundot pa nya tagiliran ko.

"Oo nga. Pero mas gwapo si kuya Clifford." Biglang sabi ko kaya nag-iba ang ihip ng hangin.

She's Not Just A Nerd! (EDITING)Where stories live. Discover now