Chapter 30: Fallen Angel

Start from the beginning
                                    

"Nakatulog pala ako ng matagal at di ko namalayan na kita na pala ang karagatan ng Arabale dito sa kalsadang dinadaanan namin." kalmado niyang sabi kahit na nasa kakaiba siyang sitwasyon.

Maya-maya pa ay napansin na nila ang mabilis na paglapit ng ipo-ipo sa kanilang direksyon kaya naman ay nagpanic na ang mga tao at mabilis na bumaba ng bus.

Hindi siya nakipagsabayan sa paglabas ng mga pasahero sa bus upang makaiwas sa siksikan at aksidente dahil sa pagpapanic. Nanatili siyang kalmado sa kanyang upuan at pinagmasdan ang mabilis na paglapit ng ipo-ipo.

"Hoy! Bata! Magpapakamatay ka ba?! Kumilos ka na!" napalingon naman siya sa pagsigaw ng isang lalaki sa kanya. Lahat na pala ng pasahero ay naka-alis na.

Nang makalabas siya ng bus ay di na niya nakita pa ang ibang mga pasahero. Mukhang nakalayo na ang mga ito o kaya naman ay nagtago sa kakahuyan sa may tabi ng kalsada.

"Kailangan kong makahanap ng lugar na pwede kong pagtaguan." kalmado pa rin niyang sabi bagamat mababakas na din sa kanya ang pagmamadali.

Tumakbo siya ng mabilis papunta sa kakahuyan. Malayo-layo na rin ang natakbo niya. Sa bilis ng kanyang pagtakbo ay hindi niya napansin na malambot ang lupa na kanyang naapakan kaya naman ay nahulog siya at dumausdos pababa sa isang bangin na hindi naman ganoon kalalim.

"AAAAAAAHHHH!!!"

 



Mabuti na lamang at maayos siyang nakalanding pababa. Dahil sa kanyang pagkakahulog ay nadumihan sya ng husto at nagtamo ng ilang mga galos.



"Aray ko naman!"
daing niya.

Hindi pa niya naayos ang sarili nang marinig niya ang malakas na ingay sa itaas niya. Mukhang nakarating na ang ipo-ipo sa lupa. Maswerte pa rin na maituturing ang pagkakahulog niya sa bangin dahil di siya maabot ng ipo-ipo bukod pa sa nahaharang din ng mga nagtatayugang puno ang buong kakahuyan.

Yumuko siya at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang ulo habang naririnig niya ang ingay ng hangin. "Hindi ko inakalang mauuwi sa ganito ang byahe ko papunta ng Arabale." buong dismayado niyang sabi.

Maya-maya pa ay nanahimik na ang paligid. Dahan-dahan siyang umupo ng maayos at kinuha ang kanyang mga bag na narumihan na din. Kinuha na din niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone upang makatawag sa mga otoridad at makahingi ng tulong.

"Tatawag na ako ng rescue--"

 

"YAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!"

 

"Ah?! Huh?!" nagulat siya sa narinig na sigaw ngunit wala siyang makitang kahit sino sa paligid. "Ano yun?"

 


"YAAAAAAHHH!! SALUHIIIIIIN MOOOOO AAAAKKKKOOOOO!!!"

 

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now