So as expected, I won! Di ko siya ililibre. Nakatipid pa ako! Hahaha.
Ang dami pa naming nilaro. Deal or No Deal, kainis, $1 lang napanalunan namin; Tekken, talo ako; Car racing, na hindi ko matapos ang first lap dahil parati akong nababangga; at marami pang iba!
Yun lang.. BOW. (__ ___)
Ngayon, nandito kami sa Starbucks, kumakain at nagkakape. Tawa lang kami nang tawa gaya ng nabasa niyong dialogue sa itaas.
At dahil feeling ko mala-lock jaw na ako, nag-aya na akong umuwi. Maggagabi na rin kasi.
"Tara, hatid mo na ako." Sabi ko sa kanya.
"Okay." Sagot niya.
Nagtaxi lang kami pauwi.
"Nag-enjoy ka ba Goddess?" Bigla niyang tanong sa akin.
"Oo naman! Salamat nga pala ha, libre mo lahat. Hahaha."
Ngumiti siya. "Wala yun."
"Pero mas masaya sana kung kasama rin si Sweetiepie no?"
"Aah." Yun na lang ang tanging naisagot niya.
Napansin ko na bigla siyang tumahimik at naging sumeryoso ang mukha niya. Hala? Problema nito? E kanina lang todo ngiti to ah?
"Uy, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "H-ha? Okay lang." Saka binalik ulit ang tingin niya sa labas.
YOU ARE READING
I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)
Teen Fiction(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o kahit nakakasama lang ng ilang minuto. Ngunit, mababago ang pagtingin niya rito ng umalis ang ate niya patungong Canada at namalagi doon ng...
Update 31
Start from the beginning