Napatingin siya sa akin. "Hmm?"

"Can I ask you something?"

"Sure. Ano yun?"

"Uhm, may kilala ka bang Julius? Isa siya sa mga participants dito. Julius Buenafe."

"Hmmm.. Julius?" Saglit pa siyang nag-isip bago niya ako sinagot. "May nakilala akong Julius ang pangalan pero hindi Buenafe ang apelyido niya. Ybañez. I'm not sure... pero sa pagkakaalam ko, siya lang yung Julius dito. He's from Austin University."

Austin University? Doon nag-aaral si Mandy ah.

"Why so curious, Charles?" Tanong niya sa akin.

Sandali akong natigilan sa tanong niya. Pero agad din naman akong nakaisip ng dahilan.

"Ah, nothing. Pinsan ko kasi siya at akala ko kasi nandito rin siya."

"Well, baka nga nandito talaga yung pinsan mo pero hindi ko lang nakilala." Sabi niya habang humarap ulit sa laptop niya.

"Yeah." Yun na lang ang tanging nasagot ko.

Julius Ybañez... Siya kaya?

Nah, I don't think so. Paano naman magagawang palitan ng kapatid ko ang apelyido niya? Baka ibang tao lang yung nakilala ni Heidi. Siguro hindi lang talaga niya nakilala yung kapatid ko.

 * * *

Pagkatapos kong magbreakfast kasama si Heidi, pumunta ako sa isang mall para mamili ng mga pasalubong para kina Mandy. Magiging busy na ako sa mga susunod na araw kaya ngayon ko na ito ginawa.

Palibot-libot at patingin-tingin lang ako dito nang marealize ko na hindi ko pala alam kung anong gusto nila, kaya naisipan kong tawagan na lang si Mandy para tanungin. Namimiss ko na rin yung masungit na yun.

O__O?

Uh, yeah, I miss her. It's nothing malicious, really. Ah basta. >__<

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon