Chapter 41

1.4K 47 2
                                    

"May outing tayo?" Nagtatakang tanong ni Snow habang nilalabas ko isa-isa ang mga pagkaing binili ni Harvey para sa akin.

"I'm so excited! I will suot na that red bikini na binili ko online." Masayang sabi ni Kylene na papalapit na ngayon galing sa kwarto.

"Sira! Nagdala lang ng pagkain outing agad? Hindi ko lang mauubos mag-isa kaya ubusin nating apat." Paliwanag ko sa kanila.

"Seriously, Ivan? You know naman na I'm on a low calorie diet." Reklamo ni Rose na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Sa dami nito, for sure mauubos niyo 'to sa dorm niyo kaya bakit kailangang dito mo pa dalhin?" Hindi ko alam kung bakit parang ayaw nilang kumain ngayon. Kung tutuusin, paboritong pagkain naman namin ang dala ko ngayon kaya't dapat nga'y natutuwa sila.

"Magkakaroon lang ng issue kapag  dinala ko 'to doon. Rose, may choco butternut diyan. Sige na. Sa 'yo na para hindi ka magdiet." Lagi kaming nag-aagawan ni Rose sa choco butternut kaya't alam kong matutuwa siya kapag binigay ko iyon sa kanya.

"You know what, Ivan? You can't convince me with choco butternut pero I kinda feel na meron kang need sabihin sa amin right now." Sa tingin pa lang ni Rose ay alam ko nang hindi siya titigil hangga't hindi ako nagkukwento.

"So, did Hoven give you these food?" Tanong ni Kylene habang hawak na ang tsitsirya.

Sabay-sabay silang nanahimik habang naghihintay ng sagot ko.

"Si Harvey." Pag-amin ko sa kanila.

"No way?" Sabay na reaksyon ni Rose at Kylene habang bakas din sa mukha ni Snow ang pagkagulat sa sinabi kong iyon.

"Bakit daw?" Tanong ni Snow. "Are you friends? The last time I checked, inis na inis ka pa sa attitude niya." Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Alam niyo 'yung pakiramdam na para kang nasa teleserye? That's what I'm feeling after Harvey confessed everything." Panimula ko.

"Harvey likes you too?" Pasigaw na tanong ni Rose.

"He told me that. Pero mas nagulat kasi ako when he made me feel that I am the reason why he is like that." Kwento ko sa kanila.

"He is masungit and all? Anong kinalaman mo doon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kylene.

"When we were younger, siya pala talaga best friend ko. All this time, I thought it was Hero because I know that I am always looking for him kahit na noong bata pa kami. But yeah. It was Harvey. I used to call him Hero because he acted like a hero. Ang ganda rin kasing pakinggan ng pangalan ni Hero kaya baka kahit alam kong hindi siya si Hero, nasanay na akong tawagin siyang ganon." Paliwanag ko sa kanila.

"He acted rude kasi nagselos siya?" May halong inis sa tanong ni Snow.

"You can say that. Pero more on gusto niya nang iwasan sanang magkafeelings sa akin. Basta! Sobrang labo ng kwento." Hindi ko maipaliwanag sa kanila nang maayos dahil sobrang gulo ng nangyari sa amin.

"Ganto na lang. If you are to choose between Hoven and Harvey, sino ang pipiliin mo?" Tanong ni Rose. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. I've been very vocal about having a boyfriend when we were still in high school pero ngayong merong nagdare, bakit parang ayaw ko na?

O ayaw ko sa kanila? Pero hindi ko ayaw kay Hoven. I truly appreciate his presence pero hindi ko lang sya gustong ientertain more than a friend. About Harvey, siguro kailangan ko muna siyang kilalanin ulit.

"I won't choose. But if umabot sa puntong kailangan ko nang mamili talaga, hindi ko alam."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now