Chapter 66

885 31 1
                                    

"Mental strength lang, okay?" Payo sa akin ni Hoven pagkatapos nilang manalo sa kanilang pangalawang laban.

"Hindi ako magpapromise." Sagot ko rito. Madami na namang nanonood ngayon kaya paniguradong maiintimidate na naman akong maglaro.

"It's fine, Ivan. Just listen to your heart and mind. Kung tingin mong hindi mo na kakayanin, it's okay to ask for a sub-out." Dagdag payo naman ni River.

"Naks naman, River boy! May Tagalog ka nang nasabi, ah." Pangloloko ni Hero dito kaya't nagtawanan kami.

"Bakit parang kasalanan ko?" Sagot ni River dito na nagpatawa lalo sa akin dahil ginaya niya ang pagkakasabi ni Bea Alonzo ngunit may halo pa ring accent.

"You're watching the movies I recommended, ah." Natutuwa kong sabi dito.

"Badly needed. Give me a little more time and I'll be fluent." Sagot nito na may pataas-taas pa ng kilay.

"Basta Ivan, focus lang. Sure naman akong makakabawi ka ngayon." Balik ni Hero ng usapan sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"Always take your time. Naniniwala ako sa 'yo." Hoven looked at me straight in the eye. Naramdaman kong seryoso siya sa sinabi niya kaya't napayakap ako sa kanya.

"I love you."

Huli na nang narealize ko ang ginawa ko. Halatang takang-taka si River na nakatingin at mapang-asar naman ang kay Hero.

"Kayo na?" Nang-aasar na tanong ni Hero.

"Panira ka talaga, 'no?" Inis na bumitaw sa yakap namin si Hoven.

"Luh? Pikon?" Dagdag na asar pa nito.

"So, Ivan and Hoven are in a relationship now?" Nagtatakang tanong ni River.

"Not yet. Ivan is not yet ready." Natuwa ako dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko ngayon. Paniguradong hindi rin naman magugustuhan ni mommy kung papasok ako sa relasyon ngayon.

"But why the 'I love you?'" Tanong pa rin nito.

"Ivan always says I love you, right? Not a biggie." Paliwanag pa rin ni Hoven dito.

"Someday, River. Someday." Naalala ko ang sinabi ni Aldrin sa akin na kailangan kong bigyan ng assurance si Hoven kaya I grabbed this chance to tell him na may pag-asa namang maging kami.

"I'll wait for that day." Nginitian ako nito na parang naintindihan kung anong gusto kong iparating sa kanya.

"Guys, malapit nang magstart game. Maligo na tayo, Hoven. River, see you later!" Nang sabihin iyon ni Hero ay napansin kong nandyan na nga ang mga papalit na referee para sa game namin mamaya.

"Hala sige na. 'Di pa ako nagstretch." Taboy ko sa kanilang dalawa.

"Good luck, Ivan!" Niyakap ako ni Hero nang mahigpit pagkasabi noon.

Pagkatapos ni Hero ay si Hoven naman ang sumenyas na yayakap sa akin kaya't niyakap ko siya. Kumpara kay Hero, mas magaan ang yakap ni Hoven.

"If you're looking for your source of strength, tingin ka lang sa akin. Kapag nalulunod ka na dahil sa sigawan ng mga tao, nandon lang ako sa gilid, naniniwala sa 'yo." Sabi nito habang nakayakap sa akin.

"Thank you, Hoven. It meant a lot for me." Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya bago bumitaw.

"Ligo muna ako para pogi naman kapag nakita sa camerang nagchicheer para sa 'yo." Biro nito kaya't nagtawanan kami bago siya tuluyang umalis.

"So, it's Hoven, huh?" Magkahalong tanong at pang-aasar ni River.

"Silly!"

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now