Chapter 21

2.8K 88 1
                                    

Nagpapahinga na ako nang biglang may kumatok sa pinto.


"Pasok." pagkasabi ko noon ay narinig ko na ang unti-unting pagbukas ng pinto kaya't dinilat ko na ang aking mga mata at nakita si Hoven.


"Sorry sa abala. Meron ka pa bang salonpas?" tanong nito. Binilhan kasi kami ni River ng salonpas kanina at siguro'y kulang pa sa kanya ang binigay ni River.


"Nakapatong diyan sa study table. Kunin mo na lang." walang ganang sagot ko rito dahil na-drain na talaga ang energy ko dahil sa matinding practice kanina. Muli kong ipinikit ang mga mata ko upang magpahinga na.


"Masakit pa rin ba?" tanong niya. Naintindihan ko naman kaagad na hita ko ang tinutukoy niya.


"Oo eh." maiksing sagot ko. Wala na akong narinig pa mula sa kanya kaya't inakala kong lumabas na siya pero nagulat ako nang may dumamping kamay sa hita ko.


"Dito ba?" tanong niya habang dinidiinan ang pagmasahe sa hita ko. Napadilat naman ako para makita siya at kitang-kita sa hitsura niya ang pag-aalala. Ngayon lang niya ako nakitang nagkaganito kaya hindi pa siya sanay pero madalas namang sumakit ang hita ko kapag may laro ng volleyball. Sa tingin ko naman ay masasanay din ako sa training at mawawala din ang pananakit nito as time goes by.


"Actually, buo." sagot ko dito. "Pero hindi mo naman kailangang gawin eh." dagdag ko pa. Nakakahiya naman sa kanya na masakit din ang hita pero hindi naman nagpapamasahe sa akin.


"Mukhang nahihirapan ka talaga so hayaan mo ako." pinagpatuloy niya ang ginagawa niya. Aaminin ko, sobrang na-touch ako. Hindi ko ineexpect na siya pa ang gagawa nito dahil hindi naman kami ganoon kaclose kumpara kay Hero at Henz. Besides, napakabihira lang naming mag-usap kaya naman hindi ko talaga inaasahan 'to.


"Sabihin mo lang sa akin kung masakit ah." mabigat ang kamay ni Hoven kaya ang sarap sa pakiramdam ng masahe niya. Pakiramdam ko'y mamaya lang din ay mas bawas na ang sakit dahil sa ginagawa niya.


"Sige lang. Thank you ah." 


"Napakaintense naman kasi ng training natin. Hindi ko lang alam kung matatalo pa tayo ah." biro nito saka tumawa. 


"I'm sure na mas intense pa ang training natin kapag nakapasok na tayo pero sana matanggap tayong lahat." nginitian ako nito sa sinabi ko.


"Matatanggap ka naman talaga, Ivan. You deserve to be in team a." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.


"Ano ka ba? Matatanggap tayong lahat. Don't doubt yourself kasi naniniwala akong makakapasok kayo." I assured him. I have 100% confidence na makakapasok sila dahil nakita ko kung paano sila mag-effort.


"Sus. Natalo niyo nga kami, e." pagkontra nito. 


"Hoven, of course may matatalo. But it should not mean na hindi ka magaling. Remember? Ikaw ang katapat ko sa inyo so kung sinasabi mong magaling ako, then magaling ka din." I explained at him. He should stop doubting himself kasi magaling naman talaga siya. Mahirap siyang iblock dahil malakas ang power niya. Matalino rin siya kung saan ilalagay ang bola kaya alam kong makakapasok siya.


"Thank you for believing in me." 


Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Onde histórias criam vida. Descubra agora