Chapter 71

829 28 0
                                    

Pagkatapos ng training namin ay sumama muna ako sa kanila pabalik ng dorm.

"Dito ka na ulit titira?" Tanong ni Francis habang nagtitimpla ng iced tea.

"Hindi pa. Siguro kapag nagsimula nang magtraining for Collegiate Games." Sagot ko habang kumukuha naman ng mga tsitsiryang kakainin namin habang nagbobonding.

"Akala ko pa naman kumpleto na ulit tayo dito. Noong lima lang kasi kami, napakaboring. Pagkatapos ng training, matutulog na lang kami tapos training ulit. Si Kyle pati si Lawrence, laging nagyayaya gumala kasama nila Kylene pero siyempre, pagod kami galing sa training so hindi na lang kami sumasama." Kwento nito sa mga nangyari noong wala kami.

"Hala? Kahit once hindi kayo sumama?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.

"Hindi eh. Siyempre, kailangan kong magfocus sa training kasi wala nga kayo. Naging starter ako ng team kaya hindi naman pwedeng magchill na lang ako. Si Henz, naging tagabuhat namin so isa pa 'yong hindi pwede magpetiks na lang. Si Harvey, hindi na bumalik talaga. Si Kyle tsaka Lawrence lang talaga laging naiiwan so sumasama na lang sila kila Snow." Kwento pa lalo nito. Ang lungkot pala kapag hindi kami marami dito sa dorm. Parang nakatira lang sa bahay na walang magawa kasi wala ka namang kasama.

"Napakadaldal naman, Francis. Miss na miss mo si Ivan, 'no?" Asar ni Henz na kakapasok lang ngayon sa kusina.

"Siyempre naman! Ang tagal nating tahimik dito, ah. Kahit kakulitan mo, hindi tumalab. Siyempre kailangan ng daldal namin ni Ivan para mas maging lively dito." Sagot nito kay Henz sabay kuha ng plastic cups sa itaas na cabinet.

"Daldal mo talaga. Dinamay mo pa si Ivan, eh lagi ngang nakakulong 'yan sa kwarto niya. Kung hindi tatawagin, hindi naman mag-iingay 'yan." Baling nito ng asaran sa akin.

"Luh? Minsan ako nauuna sa sala. Sumusunod lang kayo kapag may movie na akong pinapanood." Depensa ko sa sarili ko at nagtawanan silang dalawa dahil totoo naman ang sinabi kong 'yon.

"I miss you, Ivan." Niyakap ako ni Henz pagkasabi noon at niyakap ko rin siyang pabalik. Saglit lang kaming hindi nagkita pero aaminin kong namiss ko ang kakulitan niya kahit sobrang kulit din ni Hero.

"Why are you taking so long, guys?!" Sigaw ni Lawrence kaya't muli kaming nagtawanan.

"Tara na. Kanina pa sila naghihintay doon."

Lumabas na kami ng kusina at nakihalubilo na sa kanila.

"Ivan, where's your baggage?" Tanong ni Lawrence nang mapansing wala akong dalang kahit ano maliban sa bag na may pamalit na damit.

"Oo nga. Akala ko ba okay na kay Ninang Ice?" Dagdag na tanong ni Hero.

"Dinadahan-dahan ko pa. Baka mabigla tapos hindi na naman ako payagan maglaro." Paliwanag ko rito.

"I thought we're going to be complete again." Nanghihinayang na sabi ni River.

"Soon, River. Soon." Pagsiguro ko rito. "By the way, after the game on Sunday, my parents are inviting all of us para sa dinner celebration." Imbita ko sa kanila gaya ng sabi ni daddy na gawin ko.

"Celeb agad? Hindi pa nga sure kung mananalo tayo." Kontra ni Henz sa sinabi ko.

"Ang nega naman? Celeb sa Seagames stint kasi. And for sure, mananalo naman tayo. Ngayong kumpleto na tayo, lalaban tayo. Okay?" Si Hero na ang nagpaliwanag para sa akin.

"We have three MVPs and a best setter awardee, bro. Don't doubt your team." Dagdag pa ni Kyle dito.

"Fine. May mga batak na tagabuhat na nga pala ulit kami." Birong sabi nito sabay flex pa ng muscles.

"Napakahumble. Isa ka rin namang buhatero." Balik ni Francis kay Henz dahil noong wala kami, si Henz daw talaga ang bumuhat sa team para makapasok sa final four.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now