Chapter 23

2.8K 101 1
                                    

"Ivan, maiiwan tayo ng bus. Bilisan mo na." tawag sa akin ni Harvey kaya nagmadali na ako. Ngayon lang ako magcocommute sa buong buhay ko kaya sobrang excited ako. Sa wakas ay makakasama ko rin ang ibang tao sa biyahe at makikita kung paano ba ang buhay ng isang normal na tao.


Nang matapos na akong mag-ayos ng mga gamit ay lumabas na rin ako ng kwarto. Nakita ko si Harvey na naghihintay na sa may pinto kaya't mas binilisan ko pa ang kilos ko.


"Finally" masungit na sabi nito at hindi ko na lang iyon pinansin dahil alam ko namang ang tagal ko talaga.


-----


Naabutan pa namin ang bus. Sa may bandang likuran na kami nakaupo dahil papaalis na ang bus nang makarating kami. Ako ang umupo sa may tabi ng bintana at hindi naman siya tumanggi kaya tahimik lang kaming dalawa. 


Sa totoo lang, gusto kong may makausap ngayon kaso alam ko namang hindi ko makakausap nang maayos si Harvey dahil napakasungit nito. Isa pa, kahit kailan nama'y hindi pa kami nakakapag-usap nang matagal kaya alam kong awkward para sa amin kung mag-usap man kami.


Nakarating kami sa Enchanted Kingdom nang halos isang oras. Pagkarating namin ay wala pa rin kaming kibuan at nagulat na lang ako nang bigla akong madapa. Pakiramdam ko'y nag-akyatan ang lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa sobrang hiya. Madaming tao ngayon kaya sigurado akong madami rin ang nakakita sa akin kaya hindi ko maiwasang mahiya.


Pero mas nagulat ako nang tumayo si Harvey sa harap ko. Inabot niya ang kanyang kamay para alalayan akong tumayo at aaminin kong hindi ko talaga inaasahan iyon. Nahihiya ma'y tinanggap ko iyon at tumayo na. Nginitian ko ito bilang pasasalamat at bumitaw na sa hawak niya.


"Ivan! Harvey!" napalingon kami sa sumigaw at nakita sina Ninong Hans kasama ang tatlong magkakapatid. Sa ekspresyon ng mga mukha nila ay halatang nakita nila ang nangyari.


"Ivan, dumudugo ang tuhod mo." sita ni Ninong Hans pagkalapit nito. Doon ko lang tinignan ang tuhod ko at nakitang may dugo nga ito. "Puntahan niyo na ang daddy niyo doon sa pila ng roller skater. Kayo na lang muna ang sumakay kasi gagamutin ko pa ang sugat ni Ivan." sabi nito sa magkakapatid.


"Dada, maiwan na lang ako dito." pagpiprisinta ni Hoven. Napatingin naman kaming lahat dito dahil hindi namin inaasahang magpapaiwan siya.


"Kaya ko na, Hoven. Malapit na ang daddy niyo kaya pumunta na kayo doon ngayon na." pagtanggi ni ninong sa kanila kaya wala na silang nagawa at umalis na. 


"Doon muna tayo sa bench." turo ni ninong sa may bakanteng bench at tumango naman ako dito bago kami pumunta doon. Nang makaupo na ako ay kinuha na ni ninong ang alcohol sa bag niya at dahil walang bulak, tissue na lang ang nilagyan niya ng alcohol panlinis sa akin.


"Alam mo, ganito rin ang nangyari noong bata pa kayo." kwento ni ninong na nakangiti pa habang inaalala ang nangyari dati. Nadapa rin kasi ako noong bata pa kami dito mismo sa may Enchanted Kingdom. "Si Harvey rin ang kasama mo noon, e. Sobrang close niyo pa noon kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang kayong hindi nagpapansinan." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni ninong. Sa pagkakaalala ko, si Hero ang kasama ko noon dahil bata pa lang ay close na kaming dalawa.


"Ninong, si Hero po 'yon." pagtatama ko dito.


"Hindi ah. Sigurado akong si Harvey 'yon."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now