Chapter 7

4.7K 184 0
                                    

Nagising ako sa biyahe nang biglang may magtext sa akin. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko upang basahin kung ano iyon.


From: Mommy

Ivan, we will have a dinner with your Ninong Hans and the quadruplets later. I hope you're already at the restaurant at exactly 7 pm. Okay? Have a safe trip.


Pagkatapos noon ay itinext niya na sa akin kung anong restaurant iyon pati ang address nito. Mabilis ko rin naman itong nireplyan.


To: Mommy

Okay po. We're already on our way. 


Nang maisend ko na ang text na iyon ay napansin ko naman si Hoven na nagtetext rin ngayon. Marahil ay sinabihan na siya ni Ninong Hans tungkol sa dinner mamaya. 


Hindi rin naman nagtagal ay nakatulog na akong muli sa biyahe. Nagising na lang ako nang maramdaman kong huminto ang sasakyan. Napansin kong ako na lang mag-isa sa loob at lahat sila'y nasa labas pero nang tignan ko ang paligid, nakita kong nasa highway pa lang kami. Lumingon-lingon ako upang mahanap ang aking mga kasama. Nang makita kong nasa likod sila ay agad akong bumaba ng sasakyan.


"We're on the right lane. Overtake ka nang overtake then you'll tell us na kami pa 'yung may kasalanan?" sigaw ni Harvey. Doon pa lang ay parang alam ko na kung ano ang nangyari. Napatingin ako sa likod ng sasakyan at nakitang nayupi ito dahil sa pagkakabangga.


"You're running slow. Ipapaalala ko lang sa inyo na nasa highway kayo." sigaw rin pabalik ng lalaking kasigawan niya ngayon.


"There's a lane for overtaking so bakit hindi ka doon pumunta? You're causing us trouble." halatang any minute ay sasabog na si Harvey kaya sinusubukan siyang pakalmahin ng mga kapatid niya.


"You know what? Why don't we just wait for a police officer and let them handle this?" singit ni Hero sa kanila which really has a point. 


"No! We're wasting our time for this stupid nonsense. Tayo na lang ang magpaayos ng sasakyan natin." inis na sabi ni Harvey sabay tumalikod na upang sumakay sa sasakyan.


Para lang akong inosenteng tupa na nanonood sa mga nag-aaway na tigre. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil una sa lahat, wala naman akong alam sa nangyari dahil natutulog ako.


"What about our car? Paano ang sira nito?" tanong ng lalaking kasagutan nila. Napahinto si Harvey at muling bumalik sa kausap niya.


"Kanina pa ako nagpipigil sa 'yo." gigil na sabi nito at saka sinuntok na ang lalaki. Nagsuntukan na silang dalawa na nagpakaba sa akin.


"Hoy! Pigilan niyo si Harvey!" sigaw ko sa tatlong kapatid niya pero mukhang wala silang balak pigilin ito. Maging ang mga bodyguards ko ay nanonood lang din. "Hoy!" muling sigaw ko.


"He deserves it. Ang angas niya kung umasta pero kasalanan naman niya." kalmadong sabi ni Hoven. How do they remain calm with situations like these? Damn! My nervousness is killing me but they are just there, standing as if nothing's happening in front of them.


Natigil sila sa pagsusuntukan nang biglang dumating ang mga pulis at inawat sila. 


"Gosh. This is killing me." hindi makapaniwalang sabi ko at bumalik na lang sa sasakyan. Sumunod naman na sa akin lahat maliban kay Harvey at ng driver na kausap ngayon ng mga pulis.


"We're gonna be late for dinner." Napatingin ako sa oras nang sabihin iyon ni Henz.


"Shocks!" Alas singko na at nandito pa rin kami ngayon sa highway. Malaki ang posibilidad na malate talaga kami dahil hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila.


"Nainform mo na si Dada?" tanong ni Hero.


"Not yet. Hindi ko alam kung paano sasabihin." sagot ni Henz dito.


"Sige. Ako na." sagot naman ni Hero. Napagdesisyunan ko ring ipaalam kay mommy ang nangyari ngayon kaya't kinuha ko ang cellphone ko para magtext.


To: Mommy

Mommy, something came up. Medyo malelate kami ng dating sa dinner.


Hindi naman nagtagal ay nagreply na sa akin si mommy.


From: Mommy

What happened? Is everything alright?


Nang mabasa ko iyon ay agad ko ring nireplyan.


To: Mommy

Gonna explain later. Good thing, we're all safe.


Nang maisend ko iyon ay tinabi ko na ang cellphone ko. Paglingon ko sa likuran ay nakita kong lahat sila'y tulog na naman kaya't naisipan kong matulog na lang din dahil baka matagalan pa kami.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now